Tuesday, September 13, 2011

Humble

Wow!  Humble pala ang taga-PB.  Kasi dun sa poll natin, 100% ang pumili ng "Suwerte ako", dun sa tanong na "Palagay mo, suwerte ang PB sa yo o ikaw ang suwerte"?

Well, at least may isang taong di nakatiis at sinabi ang nararamdaman niya hahaha.  Well at least, sinagot niya both answers naman hehehe.

Ako ang binoto ko ay "ako ang suwerte".  Well, kasi nga di naman ako pinanganak ng mayaman e.  So alam kong obvious na ginapang at pinangutang ang pag-aaral ko.  At sigurado kong di ako makakapag-aral kung di tumulong ang PB dati.  At nung nagkasakit nga ang Daddy, di naman kami makakaraos kung di tumulong ang PB.  Marami pang examples, pero just based on those 2 points alone, kaya yun ang sagot ko.

Dapat pala tinanong ko rin "Tingin nyo, hanggang kelan magiging close ang PB?".  Kasi di ko alam ang sagot.  Ano ba sagot dito?  Habang nabubuhay ang 2G?  Kasi tingin ko, habang merong nabubuhay na 2G, close pa rin ang PB.   Tingin ko meron din sa mga 3G na magpapatuloy sa closeness ng PB.  Lalo na yung mga matatandang 3G. 

So dapat pala lagi natin sinasabi sa isa't-isa na "PB is so lucky to have you".  Hahaha.  Sige nga sisimulan ko yan.

Pero humble pa rin ang PB, kasi marami naman sa PB na tayo ang suwerte dahil PB sila.   Gusto nyong magsabi ako ng pangalan?  hahaha.

No comments: