"Ang sarap sa restaurant na ito, parang Lutong Bahay". Hmmmm. kung lutong bahay pala ang gusto mo e bakit di ka na lang kumain sa bahay? haha.
Very interesting talaga ang mga Pinoy, ano? Kumakain sa labas, namimili ng restaurant para humanap ng Lutong Bahay. Alam kong marami talaga ang mga OFWs natin, baka kaya di na rin sila nakakakain ng "lutong tatay" o "lutong nanay". So pupunta ka ng mall at mamimili ng pagkaing yun bang parang luto sa bahay.
Para maintindihan ata ang ibig sabihin ng Lutong Bahay, dapat maintindihan kung ano iyong HINDI Lutong bahay. Eto ata yung mga niluluto na pangmaramihan, mga mass-produced, puro preservatives, instant mix etc. So yun naman ata ang ibig sabihin - bagong luto, di niluto na parang pang-fiesta, wala masyado preservatives at instant mix.
No comments:
Post a Comment