Thursday, September 15, 2011

101

Naku 101 days na lang pala at December 25 na!   Hmmm, ano na naman kaya ang theme ng PB Christmas this year?  Every 2 years meron tayong Relax theme, gusto nyo ulit yon?  hehehe.  Sabagay, sobrang nakakapagod ang taong ito, OK lang mag-relax naman sa Dec 25.   Puwede ba yung uupo na lang at manunuod di na yung pakahirap?  Yikes, tumatanda na ata ako.

Ibig sabihin din nito less than 50 days na lang ay Election na naman ng officers.  Maihahalintulad sa carnabal ang meeting na ito.  Paano, madalas katuwaan lang ang pag-nominate at pagboto ng mga officers.  Di katulad ng eleksyon sa Pilipinas, mahirap mahulaan ang mananalo sa eleksyon ng PB. 

Dapat e yung first-time president ang ma-elect this year.  Kelangan talagang mabigyan ng chance ang iba.  Pero bakit ba pakiramdam o e ang ma-e-elek na president this year ay yung naging presidente na rin dati. 

1G, 2G, o 3G?   Di ko rin masabi.  Ang sure ko lang, pagnag-sanib puwersa ang buong 3G sila ang mananalo.  O kung sino man ang gusto nilang manalo.

May naisip na kayong theme?   May naisip na ba kayong magiging presidente this year?

4 comments:

jokejoke said...

Parang OK ang comedy bar na theme. tapos ang president natin ay ang dating president ng jokejoke na si jim.

Darwin's Theory said...

haha! Dear jokejoke, agree ako jan. puwedeng-puwede you have my vote.

kung hindi yan, puwede rin yung mga activities na di sobrang nakakapagod. at parang naiisip kong president e yung medyo tahimik pero creative at may diskarte.

boyet said...

3rd the motion ako sa joke joke na theme... at pati sa president ay agree din ako na si Jim! ang hirap kasi naman noong drama o action... tapos lagi pa grupo ni Egay ang nananalo! he he he:))

chismosa ng pb said...

ha ha ha ha ! pwede joke joke , w/ chismisan sa pasko 2011 . kasi chismoso yan si jim ! ok rin ako kay jim for pres.