Tuesday, September 13, 2011

Fear of Flying

Recently, parang nagkakaroon ako ng slight fear of flying.  Which is interesting, considering sobrang dalas kong mag-travel.  Iniisip ko na baka pag na-blog ko ito e mawala na ito.  Di naman yung sobrang takot na ayaw ko ng mag-fly, iyon lang pag take-off at pag may turbulence.

Ewan bakit after many years na sobrang daming flight e bigla akong nakakaramdam ng konting takot sa pag-fly.  Masaya naman ang naging buhay ko at di ako natatakot mamatay.  Syempre ayokong mamatay, pero di ako natatakot mamatay.

I guess alam naman natin na flying is the safest means of transportation.  Sabi nga nila, flying is 29 times safer than driving a car.  Saka ayoko namang mag-kotse papuntang Cebu, kelan ako makakarating hehe.

Lilipas din yan...

Eto nga pala ang listahan ng mga listahan ng Accidents, Airline Crash, at Incidents ayon sa Wikipedia.
http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_accidents_and_incidents_involving_airliners_by_airline

Di naman pala masama ang performances ng AirPhil, Cebu Pacific, PAL.  Parang OK din ang Cathay Pacific at Lufthansa.   Wala ring incident na nabanggit sa Tiger Airways.  Ang maraming nabanggit na incidents ay para sa United Airlines, TWA, Japan Airlines, KLM, PanAm.

No comments: