Lately, ramdam na ramdam ko na talaga ang pagtanda. Physically, madalas ng mamanhid ang mga paa at binti. Sumasakit ang ulo. Madaling uminit ang ulo. Sa trabaho naman, lagi na akong pinakamatanda sa project namin. So pag kumakain kami sa labas, mas madalas ako na ang pinakamatanda.
Siguro mga 2 years ago nung natanggap ko ang katotohanang ito. Well, kasi buong buhay madalas ako ang pinakabata. Pinakabata sa klase sa elementary, pinakabata sa high school, pinakabata sa college. Sa trabaho, ako rin pinakabata sa batch namin. Pinakabatang manager, pinakabatang partner. Sobrang nakakapanibago na bigla-bigla ako na pinakamatanda =).
Yung mga pinsan ko kasi e maaga na nila akong inampon sa batch nila. Sinasama na ako sa mga usapan at pati na rin gimikan maski batang-bata pa ko. Syempre nagpapasalamat ako tungkol dito. Di nila ako inecha-puwera maski bata pa ako.
So nasanay na ko na kasama mas matatanda sa akin. Yung mga mas matured mag-isip talaga. So ngayon, kakapanibago na mag-solve ng mga problema ng mga mas bata. Haaaay. Lalo na feeling ko di ko naman naging problema ang mga yon nung bata pa ako. Buti na lang din at close ako sa mga 3G ng PB, at least nakaka-relate ako maski paano.
Pero gusto ko pa ring maging laging pinakabata =).
No comments:
Post a Comment