Sunday, September 11, 2011

Blogging from Pia's 7th Bday Party

Hello everyone.  Nandito kami ngayon sa bday party ni Pia.  12:30pm na rin kaya marami kaming taga-PB rito.

2pm na syempre tapos na kaming kumain.  Catered po ang party ni Pia, sosyal!  So meron kaming rice, chicken teriyaki, pork asado, pancit sotanghon at maraming desserts - cookies, cake, brownies, fruits. 

Tapos na ang mga games.  At ngayon ay nag-mamagic naman.

Ang galing naman ng magician.  Di naman sobrang kakaiba ang mga magic, yung iba nga nakita na namin.  Pero magaling kasi siyang mag-execute so parang ang galing.

Sumunod naman ang ventriloquism - na sobrang nag-enjoy din ang mga bata.  At syempre na-biktima si Tito Jim at ginawa rin siyang puppet.

Sobrang daming pa-premyo sa party grabe.  At mga sosyal na prizes talaga.  Thank you Tito Egay, Tita Dang sa napakasayang party.  Happy Birthday ulit kay Pia.

P.S.  meron po bang extra na Sponge Bob na bookmark?  Di ko nakitang bookmark pala yon, ang ganda tapos tinatapon lang ng mga bata. 

No comments: