#1) Nokia. Eto yung C200 phone, na malamang araw-araw nyo nakikita sa TV commercials. SIM swapping ang kakaiba dito. Pero sorry, di ko masyado type. (galing sa nokia.com)
#2. SONY ERICSSON - Eto iyong Xperia X10. Pag binasa nyo ang features ng phone, para kayong nagbabasa ng computer. Ang Xperia ang line ng phones ng Sony Ericsson na merong Xplay - parang PSP na rin. (galing sa www.sonyericsson .com/xperia)
#3) MOTOROLA - Eto ang ROKR. Ang gusto ko sa Motorola very loyal sila sa classic nilang design. This reminds you of the MicroTac. Of course this one has ultra modern design, has iTunes and still very handy. Sporty casual and rocker! (galing sa ph.motorola.com)
#4. SAMSUNG - at eto ang Galaxy S II. Parang iPhone pero hindi - mas malaki (5.3 inches) kasi and this is power by Android. So puwede rito ang Adobe. Isa pa meron itong Gorilla screen - so matibay. Marami ang nagsasabi na this is the best smartphone to come out in 2011. They may be right. (galing sa www.samsung.com/ph)
#5) LG - at itong model ay ang Optimus model. Would you believe, 3D ito? I have to see a model myself para makita. Pero really interesting kung OK ang 3D effects. (galing sa www.lg.com/ph/mobile-phone/all-phones)
#5. Blackberry - at eto ang Torch 9800 Slider Phone. Nice! I guess hindi siya nice in a pogi/maganda way, pero nice siya sa features. At very reliable ang Blackberry at efficient lalo na sa mga emails.
Ang merong iPhone ay tinatayang 2.5% lang. Interesting din, tinatayang 8% ng mga may cellphone ang merong 2 cellphones.
Sa Smartphones, talaga namang humihina na ang Nokia. Pero sa mga di masyadong mahal na telepono, talagang Nokia pa rin ang tinatangkilik ng mga Pinoys.
Sa buong mundo, Apple ang no.1 smart phone, susunod ang Samsung tapos ang Nokia. Pero lumalakas ang HTC. Kakalungkot na tuluyan na atang namatay ang Palm, favorite ko pa naman dati iyon.
Iba naman ang usapan pagdating sa Phone OS:
no.1 na Phone OS ang Android. Susunod ang Symbian, tapos pangatlo ang Apple. Pang-apat ang RIM, eto yung sa Blackberry. Ito ay as of June 2011.
(galing sa wikipedia)
Ano ba ang Android? At bakit ito ang no.1?
Ang Android ay isang Operating System na nagpapatakbo ng mga telepono. Kung merong Windows sa PC, kelangan din ng OS sa mga telepono. Ang OS ng iPhone ay AppleOS.
Sikat ang Android kasi Open-Source ito. Google ang may-ari nito matapos nilang bilhin ang source code. Paano ba explain ang ibig sabihin ng Open Source: Ang Apple ay hindi OpenSource, ibig sabihin Apple lang ang makakagamit ng OS nila. Kapag gusto mong merong baguhin sa configuration ng telepono mo, di puwede yan sa iPhone. Di ba nga merong sariling usb, port at kung anu-ano ang Apple. In summary, exclusive talaga sila.
Ang Android, binuksan nila ang code sa madlang people. So puwede itong i-customize. Puwedeng gumawa ng mga applications. At compatible ito sa adobe hehehe.
Kanya-kanya naman talaga yan. Marami talaga ang Apple Fans. Pero marami rin ang may ayaw sa Apple. Parang ang damot kasi.
Sino ang nagwawagi sa labanan ng Cellphone, Smartphone at OS? Sino pa e di China. Tinatayang 49.6% ng mga telepone sa buong mundo ay gawa sa China. Susunod ang Taiwan, Mexico at nagsisimula na nga rin sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment