Sunday, February 28, 2010

Tyong's 75 - Batian

Ang bday ni Tiyong ay naging venue ng Batian, in English - reconciliation.  Opo after so many years and many months e nakipagbati na si Tiyong sa ibang kaaway niya.  Ang mga larawan na lang ang magsalita.

Dating Kaaway no.1

Opo Bati na talaga sila after many months - di na nga nila maalala kung ano ang pinag-awayan nila e.

Dating Kaaway no.2


Yes.  May milagro po talaga.

Dating Kaaway no.3

O di ba?  Ang sweet sweet na nila di ba.

Dating Kaaway #4

Nung una ayaw pa nyang lumapit



Hay buti na lang at lumapit din.

Talagang Bati na sila (for now)



Tiyong's 75th Birthday Party

Nakarating kami ng 12:30pm - so medyo late.  Sobrang traffic kasi at kelangan ko pang dumaan ng office.

Sobrang daming bisita ni Tiyong ha inferness.  Pero ang dami rin naman niyang handa so nice.  Merong fried chicken, lumpia, kaldereta ribs, penne pasta (from Shiela) at syempre Lechon from Tita Edith.  Si Lola Maam naman ay may dalang Cake na merong "75" na candles.

At 1:45pm, natigpas na ang handang hito at hipon.  Nakakain na rin naman ang lahat.

ang natira sa rellenong bangus at hipon






Friday, February 26, 2010

Happy Birthday Tiyong + Reminders

Today is Tiyong's 75th Birthday.  Celebration is Sunday of course.

Happy Birthday Tiyong.

********************

1)  Tiyong's Birthday Party is going to be on Sunday, 28February @ Santan
- May nagblog na maski walang gift, basta makapunta raw kayo =).  Not sure how true =)
- Remember that Tiyong is recently fond of the color Orange.  Baka di siya magsuot ng anything Yellow =)

2) PB 2G
- Hello PB 2G.  Please don't forget your payment for the Palawan Outing. 
- Kelangan na po nating magbayad talaga sa Sunday
- Cost per person is P6,220 - which covers everything already (pls see previous post)

3) PBB Double Up
- The assumption is every PB 3G aged 13 years - 29 years old are part of the contestant.
- OK lang maski asa ibang bansa (example kung asa Canada ka or US e di 200$ ang prize)
- Kung di nyo gustong sumali, just please write or text me
- Actually kakaiba itong larong ito.  Minsan maski wala kang gawin puwede pa rin ikaw ang final Survivor.  Basta iba ito.  hehe

Thursday, February 25, 2010

Mega Busy

Wala masyado posts this week.  Meron kasi akong 3 kliyente this week.  Galing sa US ang 2 at sa Europe naman ang isa.  Sobrang importante ng 1 kliyente.  Gumagawa kasi sila ng software, sikat na software at malamang kilala nyo sila.  Gusto ko kasing mangyari na tuwing may ibebenta sila sa ibang kliyente diretso na ibigay sa Manila ang trabaho.

Ang deal na ito ay nagkakahalaga ng ~400 Million US Dollars sa loob ng isang taon.  Isa na ito sa pinakamalaking deal na nahawakan ko.  Kahapon, pumirma na sila!  Yehey!  Sayang wala kaming komisyon sa kumpanya.  Imagine nyo kung sakaling 10% nun ang commission ko  mwa hahaha.  Pero OK na rin, at least mabibigyan ng trabaho ang 200+ na mga Pilipino sa loob ng isang taon.

Iyong isang kliyente naman ay para sa isang gumagawa ng mga Cellphones, for sure kilala nyo rin.  Gusto ko naman dito e gumawa ng system para sa kanila na lalaban sa iTunes.  Sobrang hirap nito, at sobrang hirap mapanalunan nito.  Tingin ko tatagal ng isang taon ang bentahan nito.  Pero ang hula ko mga 1Billion$ ang halaga nito pag nagkataon - 6 na bansa ang gagawa ng system nila at syempre pinakamarami sa Pilipinas.

Ang huli kong kliyente ang pinakamabait, at pinaka-simple.  Ito nga ang paborito ko.  Para silang Pilipino, maski galing sila sa Europe.  Sayang nga lang at sila rin ang pinakamura - kulang 1Million Dollar deal kasi ito.  Pero OK na rin siyempre - mga 20 Pilipino ang magkakatrabaho.

Monday, February 22, 2010

Know the Housemates

10,000 Pesos?  Puwede ring 200$


Housemate #6


Alex
16 Years Old
Student @ St. Joseph's College
Nung bata, kaya nyang kumain ng 8 hotdogs
Ontario, Canada


Housemate #6
Ayka
21 years old
Nutritionist
Jobless
Malabon City


Housemate #7
Carlo
19 years old
HRM student
laging seryoso sa picture.  Parang na-je-jebs.
Binan, Laguna


Housemate #8
RapRap aka Prime Rap
15 Years Old
High School Student
Talent: Pa-cute
Binan, Laguna

Lent Calendar

Sr. Vicky wanted to send a PB Lent Calendar to everyone in PB.  Kung gusto nyo ng mas malaking version, paki-click ang picture.

Para sa lahat ng mga bata

na pinanganak nung 1950's, 60' s, 70's and early 80's !!  (Part 2)

First, some of us survived being born to mothers who did not have an OB-Gyne and drank San Miguel Beer while they carried us.

While pregnant, they took cold or cough medicine, ate isaw, and didn't worry about diabetes.

Then after all that trauma, our baby cribs were made of hard wood covered with lead-based paints, pati na yung walker natin, matigas na kahoy din at wala pang gulong.

We had no soft cushy cribs that play music, no disposable diapers (lampin lang), and when we rode our bikes, we had no helmets, no kneepads , sometimes wala pang preno yung bisikleta.

As children, we would ride in hot un-airconditioned buses with wooden seats (yung JD bus na pula), or cars with no airconditioning & no seat belts (ngayon lahat may aircon na)

Riding on the back of a carabao on a breezy summer day was considered a treat. (ngayon hindi na nakakakita ng kalabaw ang mga bata)



We drank water from the garden hose and NOT from a bottle purchased from 7-11 (minsan straight from the faucet or poso)

We shared one soft drink bottle with four of our friends, and NO ONE actually died from this. Or contracted hepatitis.

We ate rice with Star margarine, drank raw eggs straight from the shell, and drank sofdrinks with real sugar in it (hindi diet coke), but we weren't sick or overweight kasi nga......

WE WERE ALWAYS OUTSIDE PLAYING!!

We would leave home in the morning and play all day, and get back when the streetlights came on. Sarap mag patintero, tumbang preso, agawan-base, habulan at taguan..

No one was able to reach us all day (di uso ang cellphone, walang pagers ). And yes, we were O.K.


We would spend hours building our wooden trolleys (yung bearing ang gulong) or plywood slides out of scraps and then ride down the street , only to find out we forgot the brakes!After hitting the sidewalk or falling into a canal (sewage channel) a few times, we learned to solve the problem ourselves with our bare & dirty hands ..


We did not have Playstations, Nintendo's, X-boxes, no video games at all, no 100 channels on cable, no DVD movies, no surround stereo, no iPOD's, no cell phones, no computers, no Internet, no chat rooms, and no Friendsters nor Facebooks... ....

WE HAD REAL FRIENDS and we went outside to actually talk and play with them!

We fell out of trees, got cut, broke bones and teeth and there were no stupid lawsuits from these accidents.. The only rubbing we get is from our friends with the words.... "masakit ba?" Pero pag galit yung kalaro mo... ang sasabihin sa iyo.... "beh! buti nga!"

We played marbles (jolens) and little toy soldiers in the dirt, washed our hands just a little, and ate dirty ice cream & fish balls. We were not afraid of getting germs in our stomachs..

We had to live with homemade guns na gawa sa kahoy, tinali ng rubberband, sumpit, tirador at kung anu-ano pa na pwedeng magkasakitan. . pero masaya pa rin ang lahat.

We made up games with sticks (syatong), and cans (tumbang preso)and although we were told they were dangerous, wala naman tayong binulag o napatay. Paminsan-minsan may nabubukulan lang.

We walked, rode bikes, or took tricycles to a friend's house and knocked on the door or rang the bell, or just yelled for them to jump out the window!

Mini basketball teams had tryouts and not everyone made the team. Those who didn't pass had to learn to deal with the disappointment. Wala yang mga childhood depression at damaged self esteem ek-ek na yan. Ang pikon, talo.

Ang magulang ay nandoon lang para tignan kung ayos lang ang mga bata, hindi para makialam at makipag-away sa ibang parents.

That generation of ours has produced some of the best risk-takers, problem solvers, creative thinkers and successful professionals ever! They are the CEOs, Engineers, Doctors and professionals of today.

The past 50 years have been an explosion of innovation and new ideas.

We had failure, success, and responsibility. We learned from our mistakes the hard way.

You might want to share this with others who've had the luck to grow up as real kids. We were lucky indeed.

Sa Labas ng Bahay ni Kuya

Sino ang mag-uuwi ng 10,000 pesos at mananatili sa labas ng bahay ni Kuya?

Housemate #1

Dianne aka YanYan
from Meycauyan, Bulacan
20 yrs old, Mother of 1
Graduating this year (please lord!)


Housemate #2

Kriza
21 yrs. old
Registered Nurse
New Year's Resolution:  Diet
Malabon City



JayE aka El Presidente
27 years old
Entrepreneur
Banal na Sugarol
Novaliches, QC


Housemate #4

Unyoy aka Leoben
17 years old
High School Student
Binan, Laguna

 

Abangan ang pagdating ng PBB DOUBLE UP. Malapit na


Sunday, February 21, 2010

PB 2G Outing Updates

Hotel Asturias is fully booked, long weekend nga kasi.  So, ang PB 3G ay naka-reserve na sa Microtel Puerto Princesa Hotel.  It is also a very nice hotel.  Na-book na tayo ni Tita Petite.  You can take a look with the link below:

http://www.microtel-palawan.com/?gclid=COmKq6udg6ACFc1S6wodDmK5lQ

Beachfront din ang resort, maganda ang rooms at merong pool.  Ang cost per person ay P6,220.  Pakidala na po ang pambayad ninyo sa Feb 28, suweldo naman.

Kasama dito ang
Underground River Tour
Honda Bay Tour
City Tour
3 Lunches
Daily Breakfasts
at 1 hour massage each

thanks Tita Petite for the reservations and arrangements.

Ibig sabihin sagot ulit ni Tita Edith at ni Tito Ido ang tig-isang dinner.  Alas merong kokontra at mag-vo-volunteer?  =).

OK, so sa Sunday na lang po ang iba pang updates including ang bayaran.

Friday, February 19, 2010

Di Tunay na Anak

Itago natin siya sa pangalang N.  Maganda, mabait, matulungin.  Mula nung pagkabata, di na niya alam kung sino ang tunay niyang magulang.  Lumaki sa ampunan, kasama ng maraming bata.  Nung nagdalaga, nakilala niya si C, ang tunay daw niyang ina.  Pero hindi naman pala.  Ang kanyang tunay na ina pala niyang ina ay si A.  Syempre sa huli na nya yun malalaman.

Ito namang si A ay lalaki.  Galing sa marangyang pamilya.  Nakatira sa malapalasyong bahay.  Pero di niya alam kung sino ang tunay niyang ina.  Akala niya ay si C.  Iyon pala, ang tunay niyang ina ay ang akala niyang ina na babaeng nililigawan niya.

Haaay!  Ano ba ang fascination nga mga telenovela sa pagkilala sa Tunay ng Ina???  Mapa-Darna o Last Prince dito umiikot ang kuwento. 
Alalahaning ito rin ang kuwento ng Mara Clara (pinagpalit na mga bata sa hospital), Esperanza (di alam ang tunay na ina), Mula sa Puso, at Pangako sa Yo (sa huli lang nalaman kung sino ang tunay na ina).

Di naman ganyan ang mga Koreanovela o Chi-novela.  Pero ang mga Pinoy Stories laging ganyan.  Tama na!!!!

Final Thoughts from Camae'sDebut

1.  If there was an award for Best Pose in a Souvenir Photo Booth outside the Debut Venue...it would go to Karen.  She has mastered the art of pagpapa-picture.  Just look at all her pics - solo, duo, trio.  She delivers!  Sobra kong natutuwa dahil nahanap natin ang talent ni Karen =).



at kung may runners-up, it would go to Kriza and Ayka.  Tinuturuan nila tayo kung paano mag-pa-picture:  CONFIDENT, MAY VARIETY and FIND YOUR BEST ANGLE.



Kung meron namang Male Winner - malamang ito ay si Evot.  Di ko akalaing marunong pala siya mag-pa-picture.  At sobrang hirap ng 4 na poses niya.  4 lang ang pics niya pero 4 na solid shots. 



Nakakatuwa naman at may talent pala ang mga 3G - sa pagpa-pa-picture hahaha!

2.  The speeches during Camae's Debut are 3x better than the speeches during Evot's wedding =).  I am really happy na nag-prepare ang PB - it showed. 

Forgot to mention that Lola Maam's speech was really funny.  And really short (which is really good).  So her speech and Tito Boyet's are our favorites.

3.  Marami pala ang di nasarapan sa food =(.  Sorry talaga, di ako masyado maka-relate kasi asa Presidential Table kami =).  Pero ganyan po talaga ang lasa ng hotel food - maraming herbs and spices na bago sa panlasa. 

4. Alam nyo ba na ang lunch sa Spiral (sa resto sa Sofitel) nung Sunday ay 3,000++ per peson?  Grabe ano?  Di ba TIto Jim sabi ni Tita Edith lilibre ka nya dun hehe. 

5. Ang ganda ni Camae nung gabing yun.  Nahirapan nga ang PB kung alin sa gown nya ang favorite - kasi nadala nya ng mahusay ang 3 gowns.

to be continued...

PBB Double Up - Tweens

Kung meron kayong sasalihang 1 contest sa PB Blog.  Ito na yon.


This February darating ang  Pamilya Banal Blog Big Brother Ultimate Pacontest. (PBB Double Up)


- Pang-DOWN sa Tuition Fee sa School?
- Pambili ng Plane Ticket?
- Pang-over night sa Hotel


10,000 Pesos
worth to the ultimate winner.  Panuorin kung paano maglalaban-laban para makuha ang pinakamalking premyo sa kasaysayan ng PB Blog.

20 PB Tweens (13-29 years old) ang magpapautakan, magpapa-cute-an, magpapagalingan ng talents at magbobotohan.

Abangan...

WINNER of the PB Blog Debut Quiz

AYKA tried 3 times, but still not enough.  Kung ano ang akalang pinakamadaling PB Blog Contest - eto pala ang naging pinaka-mahirap.

The winner only had 7 out of 11 correct answers.  But still a worthy winner.

For the first time, the winner is TITA EYAN! 



Ang problema natin, e di masyado maganda ang prize natin.  (Akala ko po talaga sobrang dali ng contest - promise).  Ang PRIZE ay Starbucks gift check - kung magkakano ay kung alin ang mananalo sa PB Poll.  (DI ba nga lahat ng contest this quarter ay via poll =)).



Sige na nga, gawin na nating 2 Frapuccino ang premyo kakaya talaga kay Tita Eyan (baka di na siya sumali ever).  Dapat ang nanalo ay "kung ano gusto ng friends" - yun ang grand prize hehe.

Anyway, the prize is Starbucks gift certificate worth 2 Frapuccinos =).  OK na rin di ba?

CONGRATULATIONS TITA EYAN on your first of many wins. =).




Tuesday, February 16, 2010

Before and After

2 years after, mukha pa ring mag-de-debut pa lang si Aix




Bonggacious pala talaga si Ate Bhogs maski na dati.  Tignan nyo, di halatang same outfit di ba?



Eto naman ang Mega Transformation kay Tita Rhoda.  The first 2 pictures were from 4 months ago.  Ito ang tinatawag na MEGA MAKEOVER

LAGLAGAN - DEBUT version


1.  SINUNGALING NA CAMERA

Mag-ingat sa mga high-tech na camera at lalabas talaga ang natural mo.  Kung sa Cellphone camera e mukha kang mestiza, ibabagsak sa lupa ang mga paa mo ng isang high-tech na camera.




2.  WAKE UP!



1. Ang guapo ni Carlo!  mwahaha.  Ewan ko kung anung-pinagagagawa niya dito
2. Matapos kang ilagay sa best-dressed list.  Ate Bhogs wake up!
3.  4 lang ang pictures ni Siony, tulog pa yung dalawa.  Ano ba?
4. After 7 yrs, kumpleto ang PB Boys.  Yehey!  Eto nmang si Tito One tutulugan pa ang dalawa.  Wake-up!


3.  IBABA





Naka-puti, naka-itim, naka-mask.  Di talaga mapigilan si Tiyong na tumingin sa ibaba.  Ano ba talaga meron?


Eto pa ang iba.  Ewan nga ba kung sobrang conscious sa itsura nila ang mga ito.



4. PROFILE



Di ko naman maintindihan kay Ditse kung pinapakita ba nya ang right profile nya o gusto na nyang umalis.



5.  AND THE WINNER IS...



"Ako ang Best Dressed, hindi ikaw"
"Di ka naman marunong kumindat at mag-peace sign, dapat ako ang best-dressed"



6. MAY BUKAS PA


Ano ba talaga ang problema natin, ha????


7.  KARAPATAN


Kung ganito ang itsura mo sa picture.  May karapatan kang humusga ng kapwa.  MWAHAHAHA.  Take note, 3 lang ang picture ko sa buong gabi, at partida di pa maayos ang buhok ko dyan.


Mataray na Tanong at Sagot Tungkol sa Debut

Tanong: Bakit puro naman Domingo ang nananalo?
Sagot:  E Domingo ang event, hello?  Nung kasal ni Evot di ba Lising ang mga nanalo.  At kung merong blog nung debut ni Aix and Kriz, malamang sila din ang nanalo.  Kung gusto mong manalo, magpa-party ka!

T:  Bakit hindi man lang kami nakatikim ng cake?
S:  Iyong cake na yon e para lang titigan

T:  Sino ba ang next na mag-18 birthday?
S: Hmmm.  Baka si AJ.  Nag-i-ipon na malamang si Tito Boyet at Tita Rhoda para sa party.

T: Si AJ na ba ang next, wala na bang iba?
S: Kung di ka naniniwala sa akin, bakit ka pa nagtatanong.  Ang susunod na mag-18 bday ay si Unyoy, palagay mo bagay sa kanya ang Brown na gown?

T:  Wala na bang blog tungkol sa debut?
S: Meron pa yung okrayan at laglagan. Abangan mo yan at kasama ka dyan.

T: Laglagan na naman.  Di ka ba natatakot na merong napipikon pag may Laglagan?
S:  Natatakot.  E pag wala namang laglagan walang nagbabasa ng blog.  Tignan mo ang dami ng posts tungkol sa Debut 3 lang ang comments.  Sa pamilyang ito, kelangan mong maglaglag para bumenta.  Gusto mo unahin kita.

PB Blog DEBUT CONTEST

Malamang ito ang pinakamadaling Contest sa kasaysayan ng PB Blog.

1)  Hulaan kung sino ang 11 taong nasa likod ng mask
2)  Deadline ay Friday 12:00 noon
3)  Pag may naka-perfect score na e di tapos na.  Kung wala, yung pinakamaraming tama ang mananalo
4) Kung merong tabla (o tie), yung naunang mag-submit ang mananalo
5) (Yung #2 yung sa gitna ng 1 and 3)
6) You have to use the Comment section of this post to enter the competition.

Good Luck!


New Pictures from Modern Masquerade Debut Party

These are new pictures of Camae's Modern Masquerade Debut Party at Hotel Sofitel from Ralph S. aka Chucky Boy

A Better Look at the Brown Gown




MGA MAPANGA
(parang lumulusog ang mga taga-PB a)








DANCE ROUTINE
(methinks this is their best performance yet as a group.  Good Job!)

















BEST IN MASK WINNER with DEBUTANTE


CAMAE and RALPH
sige na ilagay na natin si Chucky dito, sa kanya naman galing ang pictures.