Tuesday, June 7, 2011

Singapore Trip - Booked na!

So lahat po ng 9 na nagbigay na ng passport information - na-book na natin.  Ganun pala sa Air Philippines, araw-araw tumataas ang presyo. 

Ang presyo ng ticket natin ay 7,400.  Di na masama.  Hinihintay na lang natin ang passport information nila Tito One, Tita Bhogs at Tita Ate.  Sana di pa magmahal ang presyo.

Tumaas ng konti ang presyo, kasi po namili na ko ng upuan, at may bayad pala pag gusto mo sa harap umupo.  Well, para at least papunta e magaganda upuan natin.  Yung asa harap ng eroplano tayong lahat, para wala namang asa kusina (hehehe).  Inisip ko na sa halagang 200 pesos, malamang gusto ninyo na asa harap di ba, kesa yung asa tabi ng CR sa likod.  Sana tama.





Mga naka-Red ay nakabook na po.  Iyon pong naka-yellow, hinihintay natin ang passport information.

So ayan, wala ng atrasan ito.  Ang bayad po ay sa July 15.  Ingat!

3 comments:

egay said...

exciting! kailangan nang simulan pag bawi ng gastos!!!!

jim said...

meron bang mag sponsor ng pocket money namin !

Darwin's Theory said...

taga-3G ba Kuya Jim? Kasi alangan namang 2G e magkakasama tayo. Ah, baka 1G? Tama! Puwede ko na bang i-advanced ang 50th bday ko? hahaha