Friday, June 24, 2011

Back from Cebu

Hello from the Mabuhay Lounge of PAL at the Cebu airport.

Delayed 3x ang flight namin.  So from the original 3:45 - 5:45 na.  Well, nabalitaan nyo naman siguro nangyari sa Manila - so understandable ang delay tonight.

Tuluy-tuloy din ang mga celebrity sightings.  After Marvin Agustin and Aljur, andun din ang mga ABS-CBN stars.  Very sorry di ko sila kilala, kasi di ba Kapuso kami.  Yung isa kasi parang Dimples something ang pangalan.  Pretty siya without makeup.  Kasama nya 3 others na pag lumabas sa TV ituturo ko sa inyo - well e yun e kung manood kami sa Channel 2.

May mega Fashion Show din kagabi - so andito lahat yung mga Brazilian Models.  Kilala ko si Daiana Meneses.  Once again, di ko na naman maalala ang mga pangalan nung iba.  Wala yung boyfriend ni Heart, pero iyong mga sumisikat na models e andun kaso ang hirap naman ng pangalan nila.

Maliban sa akin, wala ng ibang celebrities sa lounge - baka di na sila umuwi dahil sa bagyo.

No comments: