Friday, June 24, 2011

in Cebu

forgot to mention asa Cebu nga pala ako - syempre nagbebenta na naman ng trabaho.  Sana makauwi bukas, balita e delayed mga flights sa Manila.

Merong 2 kakaiba sa trip na ito

1) First time kong mag-Business CLass sa Philippine Domestic flight.  Exag naman pala ang mga business class sa domestic daig pa ang International flights sa laki ng space at haba ng legroom.  Puwede kang humiga na parang natutulog ganun kalaki.

Tapos masarap din ang food - pancakes with sausage and fruits.  Sobrang weird lang kasi di ba 50 mins lang ang flight so, di pa tapos ang pagkain kinukuha na. 

Di ko masyado ma-gets kung bakit ka magBusiness Class sa domestic trip lalo na kung less than 1 hour.  Kung di ko lang katabi ang kliyente ko e di, talagang Economy ako.  Di practical.


2)  Medyo star studded naman ang trip na ito.  Sa plane, kahilera namin si Marvin Agustin.  Tapos sa hotel, andito naman si Aljur Abrenica.    Hmmm sino kaya bukas?

3 comments:

Evot said...

wow!!! Gusto ko din matry and business class sa plane...
sa paguwi mo kaya tito ido, sino kaya makakasabay mo sa plane? hehehe...

che said...

Wow, sino kliyente mo kuya? Sya ba ang may-ari ng airline? heheh...

yet said...

dapat nagpa-authograph ka kay Aljur abrenica.