Starting June 1, bawal na sa kumpanya namin ang mga Styro. Kaya bawal na ring maka-transact sa mga food companies na ang pagkain asa Styro. Nung isang meeting nga namin, nagulat ako na ang Yoshinoya nasa box na.
Dahil ~25,000 tao ang kumpanya namin, sa isang Linggo lagpas 10,000 packed lunch ang inoorder namin. So napakalaking negosyo kung titignan. Minsan nga, nagpa-Jolli-Hotdog kami sa mga 10,000 empleyado sa isang araw. Di nga makapaniwala ang Jollibee - kinailangan nila ng 10 branches nila para gumawa at mag-deliver ng mga Hotdog.
Dahil sa laki namin, ang mga dati namang inoorderan ay nagkukumahog na maghanap ng alternative para sa Styro. Marami nga ang nag-papel o box na.
The point is: Tiba-tiba si Tito Jorge hehehe. Since eco-friendly TABs at paper-based ang produkto niya. Dahil isa lang kami sa maraming kumpanya ang magpapatupad nito. Hula ko bandang March 2012, wala ng kumpanya ang papayag na mag-deliver ng pagkain na naka Styro. Kasi mag-pa-press release kami e - sasabihin namin na bilang isang Environment-Friendly company ginagawa namin ito, so for sure susunod na ang ibang kumpanya. Ayaw nilang mahuli, syempre.
So Tito Jorge, time to expand =).
No comments:
Post a Comment