Wednesday, June 15, 2011

Spoiled Brat?

Alam ko na kung bakit wala akong anak.   May tendency pala akong mag-spoil ng bata.  Nakikita ko lang ang pakikitungoko  kay Chanel.  Alam nyo yun, yung tipong everytime na magkikita kayo meron kang gift or pasalubong.  Lagi mo siyang binibili ng laruan, laging sinasama sa pag-alis.  At higit sa lahat lagi siyang pinagtatanggol. 

Kaso di ko rin alam kung ano ang ibig sabihin ng spoiled brat.  Porket ba.  Merong mga taong tinatawag nilang spoiled brat - sa tingin ko di naman.  AT!  merong mga nanay na feeling nila e santa ang anak nila - pero grabe sa arte at pagka-spoiled brat.  Ewan, kanya-kanya atang definition.   Sana lang huwag lumaking spoiled brat si Chanel, lalo na kung dahil sa akin.  At kung lumaki man siyang spoiled brat, ipagtatanggol ko pa rin siya.  Mwa ha ha ha ha.  Ang role ko bilang Tito na walang anak ay mag-spoil ng anak ng iba.  Role ng magulang na magdisiplina ng anak.  Di ko role yun ano, kaya nga di ako nag-anak.  mwe he hehe.

Pero seriously, Ano ba ibig sabihin ng spoiled brat?  Ano ba ang puwedeng gawin para ang isang bata ay di lumaking spoiled?

3 comments:

Evot said...

sa tingin ko, ang spoiled brat eh kinukunsinti pa din kahit super mali na yung ginagawa ng bata...
matatawag ba na spoiled ang isang MABAIT na bata kung binibigyan lage cya ng toys, foods, etc.?

che said...

May tama si Evot!

pero still, sa dami natin at dahil center of attention si chanel at mag-isa lang sya, siguradong may kukunsinti sa kanya, sino man yun :)

isama na nga yang si chanel na yan sa singapore..hhaha

ayo said...

siguro pag ibinibigay mo lahat sa bata kapag hiniling nya even yung mga hindi naman talaga kailangan.

exemplia grata:

bagong school bag, sapatos eh di pa naman sira yung ginamit nya last year

bday party every year: kung kapos sa pera tapos pipilitin pa rin maghanda. pero pag me sponsor ok lang (ex. Chanel @ Jollibee, me sponsor eh) =)