Friday, June 3, 2011

2 Personalities

Meron din ba kayong 2 Personalities?  Ibig sabihin iba ba yung sa office/school at sa PB?

Ako kasi parang 2:  iba pag sa Office/o sa Soriano Family at iba pag sa PB.  Eto ibig kong sabihin.

Pag merong problema
Office:  lagi akong involved.  Ako gumagawa ng paraan, para ma-resolve.  Pumapagitna sa nag-aaway.

PB:  Sinasabi ko na "ah kayang-kaya yan ni Tita Edith at Tito Par."

Pag may papagalitan
Office: matindi akong mag-sermon.  Talagang kumpletos rekados - bakit, paano, at ano ang puwedeng gawin para hindi na maulit.  Ganito rin akong mag-sermon sa Soriano family =)

PB:  medyo deadma di ba?  Pero kung may lumapit sasabihin ko na lumapit sila kay Tito Par hahaha.

Pag merong corny at walang kuwentang idea
Office:  Diretso kong sasabihin na walang kagatol-gatol na pangit at walang kuwenta ang idea.  hehe

PB: minsan hahanap ako ng paraan para iparating na corny ang idea.  Pero madalas mag-ro-roll na lang ako ng eyes at tatahimik hahaha.

Ganito rin ba kayo?  Parang iwas magkaroon ng kagalit =).   Di ko sure kung ito ang best way to resolve conflicts.  Pero ganito na ata ang kalakaran natin - lalo na pag merong inter-family na merong di pagkakaunawaan.  Everybody keeps quiet =).  At umaasang lilipas din.  Sa maraming beses, lumilipas naman =).

No comments: