Pano ba natututong mang-asar ang mga bata sa classmates nila? Di naman siguro tinuturo ito ng mga magulang nila. Sa TV kaya? Internet? Paano kaya.
Halimbawa, merong kang classmate na may malaking balat sa mukha. Patay, alaskado at sobrang tukso siya sa mga classmates niya. Isama nyo na rin dito kung bata ay sobrang payat, sobrang taba, may poknat sa ulo, pilay, ampon, utal etc.
Di ata ako naniwalang ang mga bata ay natural na bully o mapang-asar. So napupulot nila yan o natututunan.
1) Sana huwag makisama ang PB sa pang-bu-bully o pang-aasar
- lalo na yung may kapansanan at yung mga di naman kagagawan ng bata
- ex. ngongo, kalbo, 6 daliri
- pag ang bata ay sobrang tamad o sobrang arte, OK lang asarin hehe
- pag matanda na, bahala na kayo kung gustong asarin
2) Kung ang PB naman ang binubully, matuto sana silang gumawa ng paraan na hindi manakit
- Ex. sinasabi ko sa mga classmates ko na nang-aasar sa akin: "Pag inasar mo ko di kita papakopyahin. TIngin mo papasa ka kung di ka kokopya sa akin?" hahaha
- Matutong mag-resolve ng conflict sa di marahas na paraan
1 comment:
TAMA!!!
Post a Comment