Friday, June 10, 2011

Buy Filipino

Araw ng Kalayaan nga pala sa Linggo (at kaarawan ni Tito One at Pogi Boy Ivan).  Tapos ika-150 na kaarawan naman ni Jose Rizal sa ika-20 ng Hunyo.  Kaya, magpahalaga naman tayo sa mga gawang Pilipino

Anong produktong Pinoy ang lagi ninyong ginagamit?

GAMIT sa BUHOK
Laking pagkakamali.  Akala ko ang Gatsby ay produktong Pinoy.  Kasi di siya kasing mahal ng Dep o L'Oreal.  Iyon pala gawa ito sa Japan.  Sa larangan ng gamit sa buhok, ang kumpanyang Pinoy pala ay ang Bench at Splash. 

Kaya, bumili ako ng Splash Control Hair Polish sa halagang 39.95.  Ayos na ayos pala.  OK din ang Bench matte na wax at iyong kanilang Out of Bed series

SABON at SHAMPOO
Wala akong alam na sabon at shampoo na gawa ng isang Kumpanyang Pinoy.  Alam ninyo?  Mahirap atang makilaban sa mga naglalakihang kumpanya tulad ng PandG, Unilever o Colgate-Palmolive.

Bigla kong naisip ang Likas Papaya soap.  Made in the Philippines nga pala ito.  Bumibili ako dati nito - lalo na yung bodywash version - OK naman at hamak na mura kesa sa Dove o Old Spice Bodywash.  Kaso di naman ako pumuti hahaha.  Anyway, at least for the month of June, bili nga ako nito.

HOUSEHOLD and HEALTHCARE PRODUCTS
Do you also love Green Cross?  Kami rin.  Alcohol namin yan at dati pa.  Gawa ng Gonzalo Laboratories na naging Green Cross Inc. na nga. 

Mga Produkto:  Green Cross Alcohol, Zonrox, Del, Greenex, at mga Lewis and Pearl Cologne and Powder


TSINELAS
Di talaga ako mahilig mag de-ipit na tsinelas, kaya wala rin ako nyang Havaiianas na yan.  Pero sige para sa month of June makabili nga ng Islander.  Meron bang Spartan at Beachwalk?

COFFEE
Sa lahat ng major at maraming coffeehouses, ang pinaka-sikat na Pinoy coffee ay Figaro.  Meron neto sa tapat ng condo so suki ako nito.  Try nyo ang kapeng barako nila with Hazelnut.  Sarap!  Mas mura ng 15 pesos kesa sa mga sikat na foreign brands.

UNDERWEAR
I Love Hanford.  At marami akong undershirts na Handford.  Mas OK kasi - mas makapal at feeling ko mas matagal masira kesa sa mga US brands na sikat.  Bihira mabutas at matastas.  Titigilan mo lang isuot pag basahan na. Ang problema mas mahal lang siya kesa kung bibili ka sa States.  Pero carry ang Hanford.  OK na OK!

Di pala ganun kahirap bumili ng mga produktong Made in the Philippines.  Dami naman pala.  Magsimula tayo mag-Buy Filipino ngayong June ha?  Promise di muna ko bibili ng Lacoste at Ferragamo (sa July na hahaha).   Joke lang - I think sa ikauunlad ng bayan - Buy Filipino ang kelangan.

No comments: