Friday, June 10, 2011

Circus

Circus nga ang theme ng 50th Birthday Party ni Tita Yet sa July 17.  Malawak at iba-iba ang Circus sa buong mundo, so pagkuwentuhan nga natin.  Paano, ang circus ay nagismula ng panahon ng mga Romans, kaya lagpas 2,000 years na ito.

Nung una, ang circus ay ang tawag sa lugar kung saan nangyayari ang exhibition ng mga kabayo, karera ng mga chariots at syempre yung labanan ng mga tao tulad dun sa pelikulang Gladiator. 

Malapit sa lugar na ito sa pic ni  Sr. Vicky ang Circus Maximus



Nung 1700, lumaganap ang Circus sa buong Europe.  At nag-iba na rin ang itsura nito, nawala na ang mga Gladiators at nadagdagan ng mga acrobats, jugglers, animal shows etc.

Pag dating ng 1900's nakaabot na sa America at Asya ang circus.  Naging mas acrobatic ang mga circus tuloy katulad ng makikita ninyo sa picture sa ibaba mula sa China Circus.




Ang modern circus sobrang malayo na rin sa original na circus.  Lalong naging mas acrobatic, at sobrang naging mas artistic.  Tignan ang pictures sa ibaba galing sa Cirque du Soleil





Sa Pilipinas, ang pagdating ng mga Amerikano ay pagdating din ng Circus.  Kaso, sobrang ibang flavor naman.  Bagay sa kultura at dahil mas mura ang singil, ang Circus pag dating sa Pilipinas ay naging perya.  Bihira ang acrobats, bihira ang trained animals.  Dumami ang pasugalan (sakla, monte), dumami ang palaro, nagkaroon ng mga tsubibo at ferris wheel at siyempre mawawala ba ang  Haunted House at ang mga espesyal na mga exhibit tulad ng:  Babaeng Gagamba, Sirena, Babaeng hindi tumatanda, Pinakamaliit na lalaki sa buong mundo etcetera etcetera.




 

So ayan.   Malawak ang naging saklaw ng Circus dahil 2,000+ years old na ito at merong Circus sa buong mundo.  Andyan pa rin ang mga clowns syempre, at mga acrobats.  Di rin mawawala ang mga animal shows, jugglers, trapeze artists, fire eaters, glass walkers at mga Human Zoo.   (at puwede ring sugarol hehehe)

Ang daming puwedeng gawin at daming puwedeng maging costume para sa nalalapit na 50th Bday Party ni Tita Yet.  1 month and 1 week na lang pala ito. 







3 comments:

anonimus said...

wala bang wishlist ang maggolden birthday?

mag golden girl said...

may mag sponsor sa singapore trip ng 2G !!! pwede ba i advance nyo na .

ANONA said...

Ahhh... kayang kaya ni Evot yan paborit pamangkin mo cya d b?? Sk pacasicasino lang, padineout dineout pa! Mucho dinero he he he...