Monday, September 19, 2011

3 Types of Acting and its applications

 Di ko napanood ang Babae sa Septic Tank e.  Isang dahilan kung bakit sumikat ang perlikula dahil sa "TV Patrol, Elevator at Where is As Is type of Acting ni Eugene Domingo.  Napanood nyo ba?  Eto ang eksena.



Puwede rin nating i-apply ang principle na ito sa buhay ng PB.  Pag may nagtatanong sa iyo "Maganda ba ang costume ko para sa party?"   Puwede mo itong sagutin ng 3 paraan:  Ang "the Buzz", "Junior Masterchef Pinoy", at "Pinoy Henyo".  Paano iyon, eto ang mga examples:
Malapit na ang party ni Tita Edith, syempre may costumes tayo, fiesta nga e.  May magtatanong sa iyo:  "OK ba ang Costume ko?"  E kaso, hindi talaga maganda, paano mo sasabihin?

1)  THE BUZZ ANSWER

OK naman, you know.   Di naman siya masyadong bulgar like it is decent naman.  Just put some konting burloloys and it should be fine.  I think what's important naman is that you can attend the party, and that nag-make ka ng effort for a costume.

2) JUNIOR MASTERCHEF PINOY

OK naman ang kulay.  OK naman ang length, di masyadong maikli di sobrang haba.  OK din ang tela.  OK din ang effect niyan sa ilaw.  OK din yan sa anumang hairstyle.  OK din yan sa anumang shoes.  OK din naman yan bagay sa theme.  Pero di ko gusto. 

3) PINOY HENYO

Pagkain? Suman?   Suman ba ang costume mo?  Suman sa Antipolo!!!  Ah Hindi. 
Hayop?  Hippopotamus na Pula?  ah hindi pa rin?  Baboy ramong batik-batik na naka-belt?  Hindi pa rin?
Bagay?   Bagay ba? Ay sorry, di bagay sa iyo ang costume mo e. 

1 comment:

fanny said...

hahaha. funny