Kahapon, ako ang nagsalita para sa kumpanya namin Youth for IT Congress. Taunang event ito. Ang topic ko ay Technology Trends. Sa Universtiy Theater ng UP ang presentation ko. Pagkapasok ko - ako'y na-shock dahil lagpas 5,000 students ang nandun. Nagdagdag pa kasi sila ng mga monobloc chairs e kaya lalong dumami.
Meron mga estudyante ng UST, PUP, Mapua, La Salle, at marami rin ang taga-provinces na dumayo pa. Merong taga Bulacan State, Angeles University, Silliman University, Mindoro University, at mga schools sa Ilocos, Tuguegarao, Bacolod, Iligan halos buong Pilipinas. So pag sinasabi nila kung saan sila galing, na-sho-shock nga ako e.
Anyway, Ok naman ang presentation. Sobrang exciting kasi ang daming taong makikinig. Eto ang observation ko sa mga kabataan ngayon:
1) Nagtatanong sila. At ang dami talagang nagtatanong. Lahat ng questions nila ay puro OK din. Meron nagtanong tungkol sa Unix, sa Java at Netweaver at sa telepono syempre. So proud ako sa generation na ito. Nag-iisip at higit sa lahat hindi nahihiya.
2) Sobrang sikat pala ng USB na premyo. Nung napansin kong inaantok na ang iba, nagpakontest ako at USB ang prize, grabe nagising sila lahat nag unahan sa pagsagot. Grabe ang power ng USB buti na lang 4G ang pinamigay namin
3) Ang Youth of today ay sobrang interesado sa tao. Marami ang tanong sa technology syempre, pero dami rin nagtanong tungkol sa akin, sa career ko, sa mga bansang napuntahan ko. Di ata ito itatanong ng mga ka-edad ko sa isang invited speaker.
4) Parang di sila mahilig mag-English ano? Kasi lahat ng questions puro Tagalog. So sinubukan kong mag-Tagalog pero di ko pala kayang mag-present at magsalita sa maraming tao ng Tagalog. Nag-sorry na lang ako at English ako sasagot.
What an unforgettable experience. Sayang di na ko puwede next year. Thanks.
5 comments:
meron ba nagtanong ng kung ano ang pinaka-in-demand sa IT in terms of programming language or capability? Java ba? SAP ba? etc...
at meron din ba nagtanong ng kamusta ang future ng IT student in terms of makahanap ng work pagkadraguate nila?
at anong course ang isusugest mo sa mga magcocollege pa lang? kung IT course, eh anong klaseng IT course(comsci, com eng, etc..)?
kung ako nandun eh yun ang mga itatanong ko...hehehe...
ang dami ko tanong ko meron din ako price na external HD...hahaha
Sayang sana naishare ko sa friends ko sa FB para pumunta sila, may promotion ba ito? May video ba ang speech / presentation mo kuya>
@Evot
Yes, meron nagtanong ng in-demand programming languages. Pero alam mo naman ang dati mong kumpanya: kelangang i-highlight lahat-lahat. So sabi ko: 2,000 SAP, 2,000 Web/Java/.NET and 1,500 COBOL.
At yes may nagtanong tungkol sa future ng IT students. Sinabi ko na lang na "let me put it in simple terms", our company is planned to hire 200 IT professionals every month. And 60% of that are fresh grads. You can see how in demand IT students are.
Pinakamahirap na questions: 1) impct of Android and WP7 sa older technologies like MF and Unix. Buti na lang may project ako. at 2) integration ng Java and SAP. buti na lang yung project namin dati sa APEX, Vot e ganyan.
Ang saya din palang sumagot ng mga questions.
@Che - huy alam mo eto ang isang surprising. Pagtayo ko sa stage, mga 5 estudyante ang naglabas ng cellphone at vinideo ang buong presentation ko. Nagulat nga ako e. Isip ko, sayang ang film nyo mga ineng. Na-distract din ako ng few seconds, pero the show must go on.
Meron ding video from the organizers, pero for documentation purposes at di ata i-pu-publish, che.
imbitahan na lang nila ako=). masaya naman pala e.
eh meron din ba nagtanong ng kung anong programming language/capability sa IT ang pinakamalaki ang salary for fresh graduates? hehehe... tingin ko SAP ABAP...hehehe
Post a Comment