Tuesday, June 9, 2009

Lahat Kinakain Mo?

Pag tinatanong tayo kung kumakain tayo ng ____, minsan nasasabi natin na "lahat kinakain ko".
Pero gaano ba ka-totoo ito? Ano ang ibig sabihin ng lahat kinakain mo?

Nung bata ako, ang dami kong hindi kinakain. Halos lahat ng gulay di ko kinakain hehe! Akala ko kasi pag di ka kumakain ng gulay e sosyal ka. Malaking kalokohan. Pero syempre ngayon, ang dami ko na ring kinakain.

- Ampalaya with egg? Yes!
- Natuto akong kumain ng okra dahil naloko ako sa Japan - akala ko Tempura.
- Puso ng Saging, dahil sa Kare-Kare (hehe)
- Frog Legs kasi inorder ng mga Singaporean. yoko namang magpa-cute.
- Camel steak sa Dubai (sayang naman ang pagkakataon)
- Ipis sa Peru. Inihaw naman e =)
at marami pang iba!

Kayo ano ang mga pambihirang nakain nyo na? Huwag yung sobrang kadiri ha.

7 comments:

Che said...

Adobong ahas -- sa may CAL sa UP, masarap, lasang chicken

BBQ catterpilar sa Beijing-- malutong!

DOG - muntik na ako mahimatay, pero CHINESE NEW YEAR delight kasi nung rural family na initerview ko, kakahiya di kumain. Yung kapatid nung dog, kasama namin kumakain..heheh

Gab said...

Fried Chicken!?!

Egay said...

Adobong daga!
Favorite pulutan sa poultry farm lalo na pag bagong load ng sisiw and farm. Ito kasi pagkain ng nga daga, yung mga sisiw. Tapos, sila naman kakainin ng mga farm boys.
Sarap din,parang chicken, small version nga lang.

EGAY said...

Crispy kwek-kwek.
Deep fried 1 day-old chick.

Pag naka 3 pcs ka, masakit na sa tuhod at sakong. 90% uric acid ito!

Helen said...

Adobong Janitor Fish

Uso ngayon sa Taytay, Angono, at Binangonan.

Malalaki, libre huli, pinamimigay pa,inaanod na nga sa dami.

JIM said...

GINATAANG KUHOL DITO SA GILID NAMIN
SA MAY KANGKUNGAN MADAMI SIYA PAG UMUULAN
JIM

jorge said...

Ang nakain ko na hindi ko makakalimutan ay...UNGGOY as in monkey. Pero di ko alam na unggoy pala yon, nakain ko na ng sabihin sa akin ng chinese customer ko sa binondo. Ang lasa nito- para na rin kayong nakakain ng tao (ala Hannibal Lecter)eeeeeeeee!!!