Naubusan ako ng isasagot. Iyong bisita kasi naming German nagtatanong ng tourist spot na nasa Metro Manila. 1 buwan na rin siya dito, so nakapunta na siya sa Palawan, Boracay, Bohol, Banaue at Tagaytay. Gusto nya sa Metro Manila. Nakapunta na rin kasi siya sa Intramuros at sa Chinese Cemetery. Hmmm. Ang hirap pala.
Eto mga sinabi ko:
1) Mall of Asia - ayaw niya raw mag-shopping
2) UP - kaso di ko masabi kung ano ang gagawin nya dun
3) Bamboo Organ?
Saan pa nga ba?
9 comments:
corregidor para magghost hunting...hehehe...
pagudpud, bangui wind mill(Ilocos norte) at vigan...
Cebu, ung mga napuntahan nyo tito ido sa cebu...
white water rafting sa CDO.
Evot BPG ka na. Sa Metro Manila nga lang nya gusto!
Quiapo -- exciting dun makita yung mga nagtitinda ng kung ano2, mag side trip sa arlegui for DVDs. Hindi naman kelangan sugarcoated palagi ang katotohanan, diba, dapat makita nya ang Quiapo, divisoria din kung keri nya.
Ace Water Spa sa may QC
Kumain sya sa ADarna Food and Culture near sa TRellis, andun yung mga old Filipiniana stuff, antique displays, photos. Parang museum na rin (hehe sa nanay ng friend ko kasi yung resto)... http://adarnafoodandculture.multiply.com/
I would say sa dampa of course ksi fresh pagkain.. Then star city Kung gsto nya mgrides..haha..then antipolo mdmi resto dun na may overlooking..tpos Eastwood where we usually hangout din kasi dmi bars dun and shopping na din..timog pde din bars and resto mdmi dun..atbp..
Manila zoo pla para mkita nya yung mga animals na lahing Filipino..hahaha..
hahaha...ay uu nga pala, manila lang pala... lumipad kasi agad isip ko sa mga napuntahan ko dito sa pinas...
luneta at tignan nya si rizal dun.
planetarium.
casino filipino sa airport(baka kasi gusto nya magcasino).
lamesa ecopark.
intramuros.
national museum.
at ocean park pa pla...
luneta, planetarium, intramuros, national museum, star city??? ano yun, field trip?
Best place, dalhin mo sa mga lugar na may uniqueness naman na puwede na ring i-consider as tourist spot. To name a few..
1. Original Ma Mon Luk - sa Quezon Ave. para matikman niya yung first mami, only in the Philippines. Me mga memorabilia ni Ma Mon Luk dun.
2. Globe Lumpia, Sa Quiapo, yung maliit na restaurant na binebenta lang lumpia and Sarsi. Naka-advertise pa na wala silang ibang branches. Dinadayo ng mga tao. Malapit sa Raon Overpass.
(pwede ring sidetrip sa Raon, DVD's)
3. Sa dating Marikina Shoe Expo sa Cubao, maraming antique furnitures, old gadgets ,and old long playing album ng Beatles etc at 150.00. Meron ding art studios ng lomography.
Redemptorist church-wag lang sa Wednesday, dami tao.
UST- wag lang umuulan, baha
ABS-CBN - wag lang 12-2pm, wowowee, baka magka-stampede
Pilar Village - eh wag lang papagabi, me sermon!
he he he
Post a Comment