Friday, November 6, 2009

Kung ako si "Kotrabida"

Siyempre mahihirapan namang mag-blog si "Kontra-bida" kasi nakakahiya naman, at ewan kung makaka-blog ba yun.  So ininterview ko na lang siya ng madalian.  Eto raw ang mga comments nya:

1)  Grand Central?  Are you kidding?  E ang dami-daming bowlingan.  Lahat naman may access sa sasakyan.  Bakit di na lang sa Rizal Lanes, mas madalas pa ang strikes.  Kasi dun pag tumalun-talun ka nahuhulog na mga pins.  Hmmm.  sinabi na ni Tito Jorge ito a...di kaya...?

2)  Bingo?  Ano ito perya?  May patay ba?  Bakit hindi nyo pa samahan ng Monte at Sakla?  So ano ang pakain ng committee, pandesal at kape?  Ano ba yan, di pa nagsisimula wala ng ka-crea-creativity ang grupong ito.  Ginagawa na natin ang Bingo nung 1980s.  Pwede mag-isip ng iba?

3) Bingo Part 2.  At magkano naman ang target nyong kitahin sa Bingo, aber?  Unless 100 pesos nyo ibenta ang card, tingin nyo kikita kayo dun?  At sino naman ang bibili ng Bingo cards sa PB kung ang presyo ay 100?  Puwede isiping mabuti bagp i-announce.  Baka kaya walang nag-ple-pledge.

4) Golden Christmas is not a Theme.  Ano bang theme yon, ano?  Gold, my dear committee is a color and not a theme.  Theme is either: Cowboy, JokeJoke, Retro, MTV, Filmfest.   Unless mamimigay kayo ng gintong kuwintas sa buong PB, please mag-isip ng theme.

5) Kung alam ko lang dapat si Meg na lang binoto, e wala rin namang nangyayari.

****************************

Yan ang mga sample.  Iinterviewihin ko pa siya next week para sa mas marami pa nyang reaction.   Hay,  pero buti na lang di talaga ako kontrabida, kasi pang-bida talaga ako e. 

7 comments:

Supporter ni Jay said...

Ha ha ha!!! Oh Jay sabi ko na sayo eentra c kontrabida matibay ba puso mo? Bawal mapikon...

Naku madami ka pang madidinig na ganyan...

Kaya magresearch ka ng mga bagong ideas he he he...

ayo said...

ang tindi ng arrive! parang talagang pinag mix na Max A., Paquito D., Romy D., Bella F., Jean Garcia ah! Grabe mang okray!

Che said...

Sa palagay ko ang theme ng pasko nila JE ay "Reminiscing'... kasi nga Binggo at bowling sa Grand central ang mga palaro... Sana magpalosebo, piko, at patintero sa pasko, JE ha? heheh

Huy JE wag mo sila pansinin. Nung unang panahon kumita ang Binggo ng limpak limpak. Kaya lang naaalala ko ang Presidente ang unang nag-donate. Baka inaantay ka muna nila magdonate :-)

jaye said...

tito ido,hindi ko talaga ma-open para makapag-blog.sa cbox na lang at comments na lang ako magpost.

isa sa mga poker addict said...

Pwedeng magpoker,mahjong, etc at ang mga mananalo eh magbibigay ng 10% or MORE ng kanilang panalo para sa xmas budget.
kelan ba ang poker day mauulit?

Frends of the officer said...

Haha, okey din ang mga sample comments ng kontrabida. Kung ako kay Jay E itake note din 'to kasi makaka challenge sa pag-iisip nyo para ma-improve ang programs na gagawin nyo. Kumbaga e, consider nyo as contructive criticism.
Example:
Pandesal at kape? Okey din naman di ba during Bingo? Gawin nyo na lang na parang canapes. Isabit nyo sa duyan yung mga pandesal na may keso as in sa Fernwood :)

Other topic.
Inferness kay Jay E, sa lahat naman ng na-nominate na presidente siya lang ang BUMOTO TALAGA SA SARILI NYA. Kaya nyo yun? Talagang very willing na presidente 'to. Walang pero-pero and teka teka.:)

tito ido said...

hahaha. pero di ko maalala ang pandesal na asa duyan sa Fernwood. alam ko lang ang gelatin na iba-iba ang kulay na nakalagay sa cabinet