Monday, November 2, 2009

Salute to the New President

Sa kasaysayan ng PB Christmas, 14 pa lang ang nagiging president ng PB Christmas.  Dati kasi na-de-default na kung sino ang pinakamatanda sa College, automatic naging presidente.  Pero iba na ngayon, kelangan talaga ng massive campaign, minsan vote-buying, at merong pang flying voters hehe.  Not to mention, the traditional campaign speech at debates.

Let's all Welcome the 15th President of the Republic of PB Christmas  -  Kuya JayE!  Ang President pala natin at VP ay first-time officers.  Nice!


(JayE in a kagalang-galang pose)

Good Luck to JayE and the new officers.

Pero sobrang hirap maging presidente sa PB.  Actually ang program at activities, maski matrabaho, yun na ang pinakamadali.  Sisiw yun.  Kung maayos ninyo ang program, that's only 10% of the job.  Ang mahirap ay ang pakikitungo sa mga tao.  Remember 55 na ang PB at kung anu-ano ang gusto nilang mangyari, iyong iba may katuturan pero marami ang walang kakuwenta-kuwenta.  Ang challenge:  kelangan ninyong sabihin ng magalang at buong respeto sa taong merong walang kuwentang suggestion na wala talagang kuwenta iyon.  Pero dapat di siya masktan at di siya mapahiya.

Nagbabago kasi ang ulirat ng mga PB pag Pasko, ewan nga ba parang nasasaniban ng kung ano.  Siguro dahil sobrang taas ng expectations.  Analyze natin ha.  Consider this as a Primer and advice to the new PB President.

PB Christmas Personalities
1) HIRIT QUEEN
Wala syang intesyong masama.  Para wala rin siyang intensyong huminto sa paghirit.  Maski na ano ihihirit makapang-asar lang.  Tago na lang natin siya sa pangalang  _ D _ T.

2) ATRIBI-BOY
Ito naman, hindi ka papatapusin sa sinasabi mo.  Nagsisimula ka pa lang may tanong na o kay may kontra na.  Kelangan mo lang syang sawayin kasi kadalasan ang tanong niya sasagutin mo naman e, kung maghihintay lang siya. _ _ M.

3) ATRIBI-LO
Isang puno, isang ....  Ito naman i-interrupt ang sinasabi mo o ginagawa, para sa isang tanong na walang kinalaman sa topic.  Madalas nga, tapos na ang topic na nagkayari na, pero sige pa rin. _ I _ O _ G.

4) MISINTERPRET QUEENS
Ewan nga ba, andun naman sila sa buong meeting.  Mukhang nakikinig naman, pero after the meeting, iba ang intindi nila.  Memory Gap ata.  Pero ito kelangang pakisamahan ng officers, dapat maski gusto mong sabihin na "Sobrang mali po ng pag-intindi nyo, hello?  are you listening po?", kelangan ng lubos na paggalang sa pagsasabi.  _ I T _ _ and friends.

5)  CONCERNED CITIZEN
Maganda rin ang intensyon nito.  Kaso sobrang negative ano - talagang lahat prinoproblema.  Laging worst-case scenario.  Tama lang pakinggan ito, pero judgment na lang kung alin ang totoong concern na dapat mong intindihan at kung alin ang kapraningan.  parang yokong magbigay ng clue haha.

6)  KONTRA-BIDA
Pag halu-haluin mo si Max Alvarado, Paquito Diaz and Rod Navarro - ito siya.  Ang topak nito ay to the 100th power at sobrang KSP.  Pero madalas may katuturan ang sinasabi niya.  Pero grabe talagang magpahirap ito ng officers.  Di ka titigilan hanggang di ka umiiyak ng pawis at dugo.  Alamin kung sino.

7) DEDMA
Naku eto naman ang mga 3G.  Walang paki, walang buhay pag Krismas.  Di mo alam kung gusto ba nila andun.  Nagsisimula lang silang mabuhayan pag 9pm na, parang mga aswang, sa umaga tutulug-tulog, sa gabi lang buhay. Strategihan mo na lang itong mga ito.  No need the blind item, Come On you know who you are!!!

8) FRIENDS OF OFFICERS
Ang Good news - marami namang mababait na PB pag Christmas.  Iyong puwede nyong hingan ng advice - tutulung talaga sila.  Maski na manual labor tutulung din.  Natural na matulungin at creative din.  Itago na lang natin sila sa clue na  E _ _ _,   _ _ _ G _,  _ H _ _ H _, _ E _ _ _.

In summary, Good Luck JayE and Miguel, Karen and Tita Dang.

PAST PRESIDENTS
Tito Egay, Tito Ido, Tita Ate, Kuya Kevin, Kuya Evot, Tito Jim, Tita Helen, Tita Edith,  Lola Maam, Tito Jorge, Tito Par, Tita CheChe, Tito One Tito Ayo

Kasaysayan ng PB Christmas -  eto ang link:  http://pamilyabanal.blogspot.com/2007/11/kasaysayan-ng-pamilya-banal-christmas.html

7 comments:

jaye said...

hindi ko ma open.palaging mali daw password ko...pati ung verification.

ido said...

hmmm. che, nung binigyan kita ng access dati, ano ang ginawa mo, para makapag-blog?

Che said...

Pag enter mo sa blog, sa upper right, may nakalagay na sign in. Ito yung sign in name mo (ako cheryllsoriano@____.com saka yung password kong sarili. Then automatically dadalhin ka nya sa Blogger Dashboard, listing all your blogs or blogs na kasali ka.

Then click Royal PB Blog then pwede ka na mag post dahil may option na "NEW POST"

jorge said...

May prize ba ang manghula?

1. EDET ba? pwede! hilig nitong mang-asar, hehehe
2. JIM ba? pwede! hilig magtanong, hehehe
3. TIYONG ba? pwede! hilig din magtanong, hehehe

Hanggang no. 3 muna ko, he he he.

che said...

haha.. kuya jorge bakit di mo sinagot ang #4 ??? :-)

edet said...

kasi Che, takot si Jorge. hehe Pero Im sure kilala nya #4 amd #5. Ako din kilala ko pero di ko sasabihin....

alagad ni _ _ IT _ _ said...

Sige sabihin n'yo kung sino ang #4, wala kayong dalawang kapit sa 50th birthday nyo!!