Tuesday, December 28, 2010

Pictures ng mga Games

Many thanks to Kriza and Karen for all the PB Pics nung Christmas.  Eto ang mga pictures ng mga games.










Hello From Genting

Day after Christmas, nagpunta kami ng Tagaytay para ihatid si Sr. Vicky.  Day after lumipad naman kami papuntang Singapore.  Natulog kami sa hotel ng 4 hours, tapos pumunta na kami sa Malaysia.  Andito na kami ngayon =). Kasama namin si Che-Che syempre.  Ginagastos namin ang mga pera na di naibigay sa mga di nakasagot sa Math at sa mga walang kuwentang sumayaw hahaha. 

Pres. Tita Edith, darating kami madaling araw ng New Year at baka di ako regular maka-blog.  Paki-comment mo na lang ang announcements tungkol sa New Year:  venue, time, anong food sa pot luck, anong games i-prepare ng mga PB para masaya.  Thanks!

See you all soon.

Larawan ng mga Masasaya

Tito Par Accepts the Best in Cotume Award

Tito Jim accepts the Best in Artistic Design Award


Best Child Performer Andrei


Best Breakthrough Male Performer RapRap


Best Breakthrough Female Performer - Kathleen




Best Male Performer Tito One


Best Female Performer Karen


Best Presentation - Hapon


Group Pictures

Eto ang mga cute na cute na team pictures

Sa umaga






At with costumes sa Gabi




Monday, December 27, 2010

Thanksgiving Page

Kung meron po kayong gustong pasalamatan, dito nyo po puwedeng ilagay. 

PILAHAN - Welcome and Welcome Back

Tatlo ang first-time nagpa-pila this year.   Baptism of fire nila kagabi =)


Dianne


Carlo



Karen/Christian




Nagbabalik naman sila

Tito Boyet



at sabi ni Tito Jim

Tita Yet

Paskong PB 2010 - Winners

Eto po ang mga winners sa Group Presentations

BEST IN COSTUME:  Spanish
Eh grabe naman ang mga costumes ng Spanish team, mula sa bata hanggang kila Nanay at Ditse talagang authentic Spanish era.  Makatotohanan ang costume ng mga Muslim, mga katipunero maski ni Jose Rizal.  Detalyado naman ang mga costume ng mga babaeng naka-pang Maria Clara -ang gagara ng mga costumes nila Tita Helen, Lola Maam, Ditse, Nanay, pati nga yung kay Pia.  OK rin ang costume ni Par as Jose Rizal, pati nga nung nagtitinda ng puto bumbong. 

BEST IN ARTISTIC DESIGN: Katutubo
Mahirap naman kasi ang production design ng Katutubo, kaya OK na OK yung paghahalo ng video, pictures at yung pagkakagawa nila nung mga hayop.  Ayos din kasi yung sound effects nila na minsan galing sa video at minsan live.

BEST CHILD PERFORMER:  Andrei from Hapon
Alam na nating lahat ang potential ng batang ito.  Pero nung presentation nila, nagpakita na siya ng galing sa live stage.  Ang role niya ay batang Makapili =).  Korek!  Ang OK sa performance niya, maski nakatalukbong siya ng bayong, nakikita kung paano siya umiling, tumango, at magturo.  OK din siyang sumaway ng Turning Japanese.

Nominees:
Carl ng Katutubo - bilang kambing na nasabugan ng Pinatubo, ayos nga ang acting ni Carl e, makatotohanan ang pagbagsak niya
Ashlie ng Americano - cute naman ng acting ni Ashlie kasama ang lolo niya.  Listang lista pag dating sa stage.

BREAKTHROUGH PERFORMANCE MALE: Rap-Rap from HAPON
Matagal ng alam ng PB na OK na performer si RapRap.  Pero eto ang kanyang unang official na award.  Matindi kasi ang timing niya bilang side-kick ng General na Hapon.  Kaya siguro siya, kasi ginawa niyang medyo light ang mga medyo mabibigat na eksena.

Nominees:
Carlo ng Hapon - galing umarte ni Carlo ha.  Career!  seryosong-seryoso.  OK rin na galing siya sa audience, mas lalong buhay ang kanyang character na Pilipinong lumaban sa Hapon
Unyoy ng Americano - galing sumayaw ni Unyoy as always.  role kasi niya e iyong batang Lolo nung panahon ng Americano
Miguel ng Americano - talagang breakthrough ito kasi nag-solo dance number siya.  At OK na OK.  Congrats Miguel on your first nomination.

BREAKTHROUGH PERFORMANCE FEMALE - Kathleen from Hapon
Isa pang breakthrough na umarte si Kathleen sa live stage.  At seryosong acting talaga ha.  Role kasi niya e kasama ni Carlo na lumaban sa mga Hapon.  Galing ng timing lalo na nung pakikipagsampalan niya at nung nabaril nga siya.  Congrats Kathleen.

Nominees:
Dianne ng Kastila - aba'y cinareer naman ni Dianne ang kanyang role.  Sino bang mag-a-akala na ang nagtitinda ng puto bumbong ay ma-no-nominate?  Ayos kasi ang atake niya sa role.  Congrats Di on your first PB nomination.
Dang ng Katutubo - 15 seconds lang ang role niya bilang kontra-bidang may-ari ng bahay, pero epektib, parang di naman siya umaarte
Rhoda ng Katutubo - isa pang 15 seconds na exposure, pero makatotohanan talaga.  nakakatakot nga e, parang ang sungit talaga ni Tita Rhoda (sa stage lang daw ha =)
Siony ng Hapon - talaga!  umakting talaga ng husto si Tita Siony at nagsayaw pa.  Marami nga ang nagulat sa kanyang performance.
Yet ng Hapon - isa pang maikling exposure ang performance ni Tita Yet.  Nagpakitang gilas niya nung makatotohanang pagbagsak matapos siyang sampalin ng Hapon.  Maisip ba natin na isang sampal pala ang maglalabas ng kanyang acting talent?  Mahusay Ate Yet.

MALE PERFORMER:  One from Hapon
Si Tito One ay nag-drama, nag-Action nag-Comedy at nag-Musical.  All-in-one.  San ka pa?

Nominees:
Kevin ng Kastila - talagang dinibdib niya ang kanyang acting award nung 2006.  Kasi sobrang emote siya nung nagpupunit ng sedula. 
Par ng Kastila - career mode din ang acting ni Par ha, lalo na nung Jose Rizal siya na babarilin na. 
Boyet ng Americano - eh ang galing naman talagang kumanta ni Tito Boyet, so di kakagulat na nominated siya. Next time song and dance na ha?

FEMALE PERFORMER.  Karen from Americano
Mahirap ilagay sa salita ang ginawa ni Karen.  Tuwing maririnig ng PB ang kantang New York New York, iba na ang ibig-sabihin.  OK sa performance ni Karen, maski nagsasayaw full-emote pa. Sumasayaw na umaarte pa

Nominees:
Camae from Hapon -  Ilang beses siyang nakipag-sapakan sa mga Hapon, pero ang galing ng timing every time.  Kapani-paniwala talaga ang performance niya.  Pero tingin ko babawi siya next time.
Eyan from Americano - Wow! convincing ang performance ni Tita Eyan bilang Lola na nagkukuwento sa mga apo niya.  Mula porma, hanggang salita, kakabilib.  Malamang hudyat na ito ng pagbabalik ni Tita Eyan sa performing, matagal tagal na rin ang kanyang last Best Performer award nung Little Mermaid siya.

BEST PRESENTATION:  Hapon
Eto ang sabi ng mga judges sa presentation ng Hapon:
Magaling!  Naipakita nila ang nangyari nung panahon ng Hapon.  Ang gagaling din ng mga performers.

Impressed ako.  Alam naman natin na ang mga dating Best Actress at Best Actor awardees ay nasa team na yan, kaya nga Excellent ang acting nila.

Mahirap gawin ang mga sapakan at action scenes sa live stage.  Tapos pati yung choreography nila nung dance number mahusay.  OK ang continuity at laging balanced ang stage, laging may nangyayari.
Sobrang OK po.   Ay may nag-text....Bansai!


2nd - Americano

Pag napanood mo ang presentation, alam mong si Jorge ang leader.  OK ang acting ng mga performers at talagang malakas ang impact.

Ginamit nila ang kanilang mga talents.  Ang magaling kumanta, pakantahin.  Magaling sumayaw, pinasayaw....mahirap gawin ang dream sequence sa live presentation kaya OK sila.


3rd - Kastila

Nagustuhan ko ang presentation nila dahil ang dami kong natutunan tungkol sa pamumuhay nung Panahon ng mga Kastila. 

Sobrang galing ng mga costumes.  Ang taas ng educational value.



4th - Katutubo

Ang cute ng mga animals

Humanga ako sa konsepto ng presentation.  Di ko maiisip yon....Tapos Pasko naman ngayon, kaya OK na i-ugnay ang theme sa Pasko. 

Sunday, December 26, 2010

Paskong PB 2010 - Ganito Kami Noon Presentations

Naging resulta ng bunutan, una ang Kastila, tapos Katutubo, tapos Hapon, tapos Americano. 

Pero actually, ang hirap namang i-describe ng mga presentations.  Kasi nga live yon e, so di ko naman kaya ikuwento kung gaano kagaling nag acting.  Di ko rin kaya ikuwento kung gaano kaganda ang costumes, at kung paano ang mga props.  So mahirap pala ito.  hehehe.  Kaya hintayin na lang natin ang pictures =).  Sorry.

Paskong PB 2010 - Ganito Kami Noon PPN

Para sa catered food, sobrang OK naman ng food namin nung Christmas.  Papasalamat kami sa nag-cater siyempre, kasi buong araw asa amin sila - imagine from 9am until 1am sa amin na sila nag-Pasko.

Ang theme for lunch ay Japanese - Pinoy.  Eto ang food namin:
- Rice, Pansit
- Nilagang Okra, Nilagang Talong with Bagoong
- Tonkatsu
- Adobo
- Tempura
- Gyoza
- Tuna Sashimi, Salmon Sashimi
- Miso Soup

Tonkatsu
Tempura (na Katutubo meaning nawalan ng pang-itaas)


Gyoza


Tuna and Salmon Sashimi



Personally, I love it!  So much.  Inupakan namin nila Camae ang sashimi.  Kasi matagal ng walang handang ganun ang PB.  Alam ko si Par at sila Tita Yet, nagustuhan ang soup, at nagtataka na tipak-tipak ang sea weeds instead na usual strips.  Di ko lang sure kung ano kinain ni Gab  =).  ay kumakain pala siya ng pancit.

For merienda, kumain kami ng Sliders (maliit na hamburger), chips, balot at for me (Sashimi ulit hehehe). Nagdala ng donuts sila Tiyang at Nanay, so nakita ko si Andrei kumakain nun.  Actually kinain ko kasi iyong Blue Donut niya, nahiya nga ko, kaya Yellow na lang kinain niya. 

For Dinner, ang theme ay Spanish-American, so ang mga food ay
- Paella Valenciana
- Pasta Alfredo
- Pork Steak
- Fish Fillet
- Fried Chicken
- Pumpkin Soup

Ang alam ko ang mga 1G, mas gusto nila ang Dinner kesa lunch.  Ako kasi, siguro dahil sobra pagod na, mas nagustuhan ko ang lunch.  Pero OK ang soup, naging Pumpkin Gazpacho kasi malamig, pero OK ang lasa.

Sabi ni Sister Vicky

Kanina, hinatid namin si Sr. Vicky sa retreat house ng Carmelite Missionaries sa Tagaytay.  Grabe ang ganda naman pala duon - ang laki ng lugar at ang ganda talaga.  Very peaceful.  Ang daming rooms, laki ng conference room (kasya 500 people), ang daming meeting rooms, ang daming prayer rooms, at ang ganda ng chapel.

Tinour nya nga kami sa buong lugar kanina.  Matapos kaming pakainin ng mga freshly made bread, carbonara at freshly-baked cookies.  Sarap sarap!

Tinanong namin siya kung OK ba ang presentation ng PB nuong 50th bday niya. Sabi niya, oo naman, tuwang-tuwa nga raw ang mga Sisters.  At na-amaze sila sa level of presentation at preparation.  Naaliw nga raw ang mga sisters nung nag-pre-prepare pa lang sa labas ang cast.  Di sila makapinawala sa tindi ng costumes at ng preparations at dahil nagbihis ang mga PB sa gitna ng kalsada hehe.

So Good Job PB!  Natuwa naman pala ang audience natin nung 50th bday party. 

Sa next na 50th bday - huwag na tayong ganito ha - exag na kasi.  Kumain na lang tayo ng fish crackers at magkuwentuhan. 

Paskong PB 2010 - Ganito Kami Noon - Games

Kakagulat pero kakatuwa na walang nandaya sa alin man sa mga games.  Congrats PB - lalo na sa PB 2G, dahil biruin niyo lumipas mag-hapon di kayo nandaya hehehe.  Syempre marami ang magulo katulad nila P_R,  J_M,  EG_Y, B_YET.  Pero ok lang yon kasama sa laro. 

Wala ring nandaya sa pagpaparami ng Gold Coins =).  Dali lang kasing gumawa nun di ba?  Pero sabagay binibilang naman namin.


GAME 1:  JAPANESE MAKAPILI
Mga bandang 11am nag-start ang programa.  Ang unang laro ay ang MAKAPILI game.  Bago ang larong ito na naimbento ni Tita Edith.  Nakaka-excite at nakakatawa at the same time.  Nakasuot ng bayong ang player ng bawat team.  Kakapain ang mukha ng kabilang team at huhuluan kung sino.

THE WINNER:  KASTILA (vs. Americano) with 3 out of 5 points. 
- Naging hero si Kevin ng kanyang team dahil siya ang mag-isang humula.   Nakakablib nga na nahulaan niya si Patricia, medyo mahirap yun ah

chika corner:  may "bonus" kasi silang dalawa.  Si Karen ba naman ang huhuluan e naka-rollers siya.  Tapos member din ng Americano si Tito Boyet  hehe so give away

GAME 2:  KATUTUBONG CHARADE RELAY
Natanggal sa elimination round ang Kastila.  Kaya ang tatlong teams ang naglalaban sa Katutubo-Charade-Relay. 

THE WINNER:  JAPANESE TEAM with 3 of 5 points
- Well, magaling naman talagang umakting ang team na ito, so di nakakagulat na sila ang manalo.

chika corner:  ang hero ng Game 1 na si Kevin ay di naka-tama sa darts, kaya eliminate ang Kastila team
- nalungkot ang mga katutubo dahil na-BAHAG si Kriza.  ewan nga ba kung nahihiya lang sya
- maski na NGAMOTE si Carla, panalo pa rin ang kaniyang team.

GAME 3:  AMERICANONG WORLD WAR 1

THE WINNER:  AMERICANO
Round 1:  Kastila won over Hapon 5-4
Round 2: Americano won over Katutubo 5-4
Finals: Americano won over Kastila 5-4

chika corner:  lahat ng 3 laban ay umabot ng sudden death (4-4).  Grabe sa pag-ka-close fight na ito
- mukhang epektib ang paggawa ng mapa ni Tito Jorge para matalo ang kalaban

GAME 4:  SPANISH HENYO

THE WINNER:  AMERICANO
Elimination Round 1: Spanish Food.  Kastila:  1 point
Elimination Round 2: Spanish Things inside the house:  Kastila: 1 point, Americano 1 point
Finals:  Americano 3 points won over Spanish 2 points

chika corner:  akala ko Katutubo ang mananalo dito, dahil mga adik sa Pinoy Henyo ang mga ito.  O kaya Japanese.  Kaso parang mali ang mga kombinasyon nila, kaya silang teams na natanggal.  Si JayE ang Tito Jorge ang players ng Americano na nagbigay sa team nila ng victory.  2 in a row

Sobrang nakakatawa si Tito Jorge, kasi first word pa lang tawa siya ng tawa.  Isang beses nga buong team na gusto na syang mag-pass.  Actually siya ata gusto na ring mag-pass, e sa sobrang tawa, di nya masabi ang PASS hahaha.  So ayun tawa siya ng tawa.  Which is amazing, kasi sila pa ang nanalo!  Talagang laughter is the key to success =)


GAME 5:  PANAHON KO TO

WINNER:  AMERICANO

Qualifying Round:  Hinataw ni Miguel ang mga questions well,pati na ang buzzer.  Unang 4 na questions, 3 points na kaagad ang Americano - so pasok na sila sa Finals.  Pagkatapos, hinataw naman ni Gab ang next 3 questions - kaya pasok na sa Finals ang Kastila.  matindi, di naka-porma ang dalawang teams.

Finals:  AMERICANO won over KASTILA  5-1.

chika corner:  Para sa Americano, humataw si Tito Jorge at Karen para sa Americano.  Korek pati si Karen!  Lahat ng mga questions na pang-matanda, huli ni Tito Jorge at ang mga pambagets kay Karen.  Marami nag-a-akala na ang Kastila ang mananalo dito.  Pero mali nga sila.

Suma total, AMERICANO wins 3 in a row.  Ang mga Kastila naman ay runner-up 3 times.\

GOLD BAR/COINS FINAL RESULTS:
Americano - 29 Gold
Spanish - 9 Gold
Japanese - 8 Gold
Katutubo - 3 Gold

Friday, December 24, 2010

Sister Vicky Golden Bday Part 2

After the PB Presentation, hiningan naman namin ng presentation ang mga sisters.  Parang girl scouts, aba ang bilis nilang mag-perform - 4 Christmas Songs + 1 Happy Birthday.  Favorite ko ang unang song nila, eto yung Tagalog na bihirang marinig - actually di ko maalala ang pamagat.  Pero kasama ang kanta dun sa non-stop Chirstmas Album nung unang panahon (iyong sila Celeste Legaspi, Marco Sison, Florante,  ano nga title ng kanta?)




After ng presentation ng mga sisters.  Speech time na.  Eto mga highlights:

1) Sabi ni Sister Cora - frank and straightforward daw si Sister Vicky.  Ako'y na-shock, dahil di pala talaga nagbago si Ate Vicky.  Ganun siya dati sa PB bago siya pumasok sa kumbento. Maganda ang mga sinabi ni Sister Cora - tungkol sa pag-alala sa kapwa at pagkaroon ng mabuting kalooban.

2) Sobrang OK ang speech ni Ditse ha.  Actually, maikli din kasi =).  At di ko inagaw ang mike ha.  Nagpasalamat siya sa mga Carmelite sisters for taking care of Sister Vicky.

3) Sabi ni Kevin, maski madre na hinihingan pa rin nya ng advice si sister.  Pero sabi rin niya, maski madre na, e pinapagalitan pa rin siya hehehe.  Ang masasabi ko lang:  pogi naman si Kevin at mabait pa, pero ang bagal mo talagang salita.  puwedeng pakibilisan naman maski onti lang hehe.

Sino magsasalita on behalf of 2G?  Lapit ako kay Ate Edith, huwag daw siy si Tito Egay daw.  Sabi ni Tito Egay, si Tito Par daw kasi kapatid.  OK, sabi naman ni Tito Par si Ate raw, dahil panganay.  hahaha no bazh!

4)  Ayos din ang gimik ni Tito Par, ang ginawa niya hiningan niya ng 1-word description ang bawat 3G para kay Sr. Vicky, galing di ba.   Merong nagsabi ng compassionate, malalim, walang kinikilingan (alam naming di 1-word iyon, pero sa iyon ang gustong sabihin ng tao e), honest at sabi ni Tita Edith:  madre.  Ayos, tama nga naman.

5)  At syempre magaling din ang host kagabi.  hahaha.   Ako yon.  2 years na kong di nag-host ng PB event, so marunong pa pala ako mag-host.  Sabi ng mga pinsan ko plastic daw ako.  Weh!  di kaya, binagay lang sa okasyon at sa audience ano.  Kung gusto nya ng okrayan e humanda kayo pag pinaghost ako bukas. 

Suma total, OK ang lahat ng PB speeches this time. 

OK ang presentation, OK ang speeches, ang daming food.  Ano ba ito, wala akong ma-okray.  Humanda talaga kayo bukas =).

Once again, Happy Birthday Sister Vicky.

Sr. Vicky's Golden Bday Party @ Madrinan

Habang wala pang mga pictures, kuwento muna...

Dinaanan pa kasi ako sa office nila Ate Edith, so late na kami nakarating past 8pm na.  So marami tapos na kumain.  Di ko alam kung sino nauna dumating, at kung ano ang eksena pagdating ng PB - di ba nga dapat Surprise Party ito.  Hindi ko nawitness kung na-surprise ba talaga si Sister.  Pero hula ko ay hindi, parang ine-expect na ata niya e hehehe.





Nagka-technical problem din ng konti so mga 9pm na nagsimula ang programa.

Ako, proud sa presentation ng PB (e kayo?).  Napagusapan nga namin ni Par, na base sa sitwasyon ang pagka-"suwabe" at "moderate" ng PB presentation ay tamang-tama sa okasyon at sa audience.  Kasi naman di naman puwedeng mag-Maria Clara si Tito One o mag-Igorota si Tita Edith di ba.  Kaya medyo tempered ang angas at bangis ng presentation.  Suma tutal OK na OK para sa kin.  Sana ok din kay Sr. Vicky at sa mga Carmelite Sisters na nanood.

Highlights of the Presentation:
Opinyon ko lang ito syempre, malaya tayong kumontra at magpahayag ng opinyon. 

1) Bumilib ako sa Little Drummer Presentation ng 2G Boys ha.  Practice na practice at may choreography.  Di ko inakalang caca-reerinin nila ito.  Malakas ang audience impact dahil nga sa mga steps.  Pero meron pa ring di sabay ha.  Di ko na sasabihin, you know who you are.  hahaha.







2)  Natuwa rin ako na sumama si Kacey at si Pia sa Tell The World.  Aba, walang pumilit sa kanila ha.  Pumunta sila dun.  Aprub din si Carl ha, kasi siya lang ang only boy dun, pero go go go pa rin.  Very good.  Ang cute nga ng dating ng presentation ng PB 3G/4G Girls and Boy. 





3) Naaliw din ba kayo sa mga clowns?  Namangha nga ako sa kanila dahil puwede namang basta lang pumunta dun, pero siyempre hindi, all-out magic at props sila Tita Edith, Tita Bhogs, Tita Yet.  OK ang effect ng balloons, cakes at syempre nung magic na ilaw-ilaw.





4)  Tingin ko pagaling ng pagaling mag-perform si LeobenJ, Rap at Carl.  Kasi, di naman ito talaga ang music nila, kasi di ba medyo hip-hop/r&b/rock ang mga dance numbers nila.  Pero inferness, bigay-todo sila maski sa damuhan sila nagsayaw.  Good Job boys!



5) Very proud din ako sa mga (older) 3G Boys and Girls para sa kanilang Hail Holy Queen Number.  Parang ang saya-saya nilang mag-perform.  So nakakahawa.  Napapapalakpak nga ang mga sisters nung sumasayaw sila.




6)  OK din ang mga actors and actresses.  Starting from Tita Dang, special mention to Meg dahil mahirap ang role niya ha, pero carry niya.  Si Tita Rhoda, na talagang mukhang schoolgirl at Tita Eyan na muntik ng mawalan ng exposure.  Grabe naman itong si Father Par, convincing ni-re-recruit nga siya ng mga madre e.  Si Tita Ate naman ay nag-portray ng maharot na madre hehe.  Thanks din sa mga 1G na nakigulo - Lola Tiyang , Lolipot, Lola Maam.  At sorry kay Ditse at Nanay.  Mali ko po iyon, binigyan ko sila ng 15 seconds para umakyat sa stage - ano bah!!  e 1 minute nga pala si Ditse papunta sa stage.  Sorry po Ditse, sa 60th bday na lang.



In summary, very good job PB.  Mukhang napasaya natin ang mga sisters, at lalo na si Sister Vicky.  In the process, parang napasaya din naman natin ang isa't-isa.  So iyan naman ang pangunahing layunin ng isang presentation.  Alam kong maraming nahirapan - so sa Sabado niyo na ilabas ang iba hehehe.

Happy Birthday Sister Vicky

Dec 23 is Sr. Vicky's 50th Birthday.  Sabi niya sa akin kanina tumingin siya sa blog at wala man lang greetings para sa kanya =).  Bukas na ang kuwento tungkol sa masayang 50th party.  HIntayin natin ibang pics.







Happy Birthday Sister Vicky!