So, ang Final Raffle ay nangyari nung 3:15pm. Di na nag-raffle ng 1pm, para isa na lang.
Ganito kasi ang raffle:
Pag natawag ang pangalan mo - meron ka na kaagad 100 pesos. Pero kung gusto mo lumaban isosoli mo ang 100Pesos. Wala atang taga-PB na tatanggap ng 100 pesos para di na maglaro sa raffle hehehe.
Tapos, bubunot ka ng chips sa isang buslo.
Green Chips - 50 Pesos
Blue Chips - 500 Pesos
Red Chips - 1000 Pesos
Black Chips - 2,000 Pesos
Pero pag nabunot mo White Chip - Mawawala lahat ng napanalunan mo, at tapos na ang turn mo.
Eto ang nangyari nung Final Raffle:
1) First Contestant sana was Pia - kaso sleeping siya. So di siya nakasali
2) Next Contestant, Lola Tiyang - nanalo na sana siya ng 100 pesos kaso nabunot niya ang white. Sayang.
3) 3rd Contestant was Joshua. Eto na ang pangatlong beses na natawag si Joshua, kaso this time ay sleeping siya.
4) Next was Carl. Kaso unang bunot pa lang niya e...
(white na kaagad )
5) Next was Anton. Naku kaso nagwala po siya nung matawag name sya. So di rin sya naka-join.
6) Tapos si Tito Jorge naman. Sayang, umabot sana siya ng 550, bago siya bumunot ng White
(sa oras na ito e paraiso ang pakiramdam ni Tito Ido, dahil wala pang nanalo)
7) Next is Gibo-supporter na si Tita Helen. True Enough, 5 Green chips ang nabunot nya. Umabot din ng 700 ang pera bago siya nakabunot ng puti. So wala rin siyang napanalunan.
(binubunot ni Tita Helen ang pangalan ng next contestant. Pero dalawa ang unang napansin ko. 1)Napaka-relax naman ni Tita Bhogs hehehe at 2) Ang laki talaga ng common area ano?)
8) Sumunod naman ay si Tita Ate. Grabe naman sa excitement si Tita Ate sa pagbunot. Tumatakbo pa. Kaso mo, unang bunot pa lang Puti na. Kaya umuwi rin siyang luhaan.
9) Next is Miguel. Na Puti rin ang unang nabunot. Pero nanalo naman siya kagabi.
(reaksyon ng family - matapos makabunot ng white)
10) Tapos si Tita Bhogs naman. Aba, talagang umupo pa si Par sa harap nung si Tita Bhogs ang bumubunot ha. Una niyang nabunot ay 50 pesos. Tapos 500 pesos. Ang mga tao ay nagwawala na sa pagsigaw ng Laban o Bawi. Next nyang nabunot ay 500 pesos na naman. So meron siyang 1,050 na. Tinanong namin si Par kung laban o bawi ba? Laban daw. Laban din si Aix at si Kevin.
(Kaso next nabunot nya ay Puti. Patay si Par mamaya kay Tita Bhogs.)
11) Sumunod naman si Camae. Umabot na ng 1,100 ang nabunot ni Camae. Tinanong nya si Lolipot kung lalaban ba siya. Sabi ni Lolipot, "syempre, e kanina sabi ka ng sabi ng laban diyan sa iba, ikaw nga ang lumaban".
Ayun. Sa madaling salita, puti ang next nyang nabunot. So 0 points for Camae.
12) Sumunod si Tito Jim. Bago pa man siya bumunot sinabi na niya na 3 bunot lang siya. Una nyang nabunot ay Blue -500 Pesos. Gusto pa nya. Pangalawa ay Red. So 1,500 pesos na ang pera nya. Pero dahil sinabi nya na 3 beses siya bubunot - bumunot pa rin siya. Another Blue for a total of 2,000 pesos.
Sa mga panahong ito, e kinabahan kami kay Tito Jim, na-excite kasi talaga siya. Anyway, nag-desisyon siyang kunin na ang pera at huwag ng magpatuloy. Sabi ni Tito Ido, lumaban lang siya babawasan ng 5 puti sa bunutan. Pero ayaw na talaga niya. Sinabi niya na tatlong bunot lang talaga, kaya kinuha na niya ang 2K.
(Lucky Winner with Stage Parents Tiyong and Tiyang. Actually may stage Sister pa pala)
Pinasubukan kay Tito Jim ang patuloy na pagbunot kung talagang suwerte ba siya. At totoo nga, umabot ng 7,250 ang napanalunan sana niya. Pero sabagay mahirap magbakasali kung may 2,000 ka na.
Kayo, ano gagawin nyo?
13) Tito One was the last contestant. Unang bunot pa lang niya ay Black na - meaning 2,000 na kaagad ang napanalunan niya. Si Tito Ido nga di makapaniwala, at pinagdudahan pa talaga si Tito One. Chineck pa niya ang bunutan para masiguradong walang dayaang naganap. hahaha.
Nang mapatunayan na malinis ang laban. Kelangang pang bumunot ni Tito One ng isa pa. Kasi ganun ang rules, pag Black ang nabunot mo, kelangan mo pang bumunot ng isa pa.
Ang pangalawang nabunot ni Tito One ay 500 pesos. So 2,500 pesos na. Nang tanungin ang audience kung Laban ba dapat si Tito One, o Bawi na...
(One's ka-Family - paLABAN - Isa pa raw)
Tulad ng maraming bagay sa buhay niya. Di na naman pinakinggan ni Tito One ang payo ng ka-Family nya(mwa hahaha ilaglag pa ba e huling sentence na).
Sa dulo, naiuwi na nga ni Tito One ang ng 2,500 pesos. At siya ang naging Biggest Winner ng Raffle.
So, 29 na taga-PB pala ang natawag sa raffle, ang dami pala. Muli, Congratulations sa mga Nanalo sa Raffle. Sige na nga, congratulations na rin sa mga nakasali, maski di nanalo. Kasi marami rin ang mga di man lang nakasali. (like sila Tito Par, Tito Egay, Tita Dang, Tita Vangie, Tita Yet, Tiyong, Lolipot and of course Tita Edith - talagang sinabi pa di ba)
7 comments:
Haha ang saya ng raffle!
Thank you sa raffle Tito Ido, madami ka na namang napasaya!
Sa uulitin!
Dapat maging permanent part ng PB program ang ...and now its time for
"Tito IDO's Raffle Time"!!!!
mwa hahaha.
I have an idea: Next time, ipa-raffle din natin kung sino ang magpapa-raffle. Ang saya nun! Lahat kakabahan talaga.
Salamat Tito Jorge for the nice words.
Baka magpa-raffle na naman ako nyan...JOKE PO ITOng last sentence for the record.
yahooo...magpaparaffle ulit si tito ido...
joke lang daw kasi yung last sentence nya w/c is "JOKE PO ITOng last sentence for the record." ang last sentence nya...
so hindi joke yung second to the last sentence nya na "Baka magpa-raffle na naman ako nyan"...hehehe
sayang evot wala ka na sa next raffle (kung meron man) =)
Post a Comment