Sobrang init ngayong araw na ito!!! Grabe. Sa inyo rin?
So nung hapon nag-decide akong pumunta sa Starbucks sa Shell. Isang kape lang, libre na ang aircon at mas mabilis pa ang connection. Bigla kong naisip, Good Friday nga pala, bukas kaya ang Starbucks?
Walang traffic sa SLEX. Mag-isa lang ako sa toll at sa highway. So ang usual na 20 minutes na byahe, nakuha ng less than 10 minutes. Tatlong stasyon lang sa radyo ang umeere, isa na run ang Classical Music. So ang tugtog ko habang nagdri-drive ay ang makabagbagdamdaming Blue Bayou ni Linda Ronstadt at Almost Paradise. Astig!
Bukas nga ang Shell, at bukas nga ang Starbucks. Ang matindi wala kang maparkingan. At halos wala ring maupuan sa Starbucks, buti na lang suki ako dun, so naihanap ako ng puwesto ng guard. Nung late ng hapon, lalo ng dumami ang tao. Maraming tao sa kapehan, sa CR at sa lahat ng kainan.
Napatanong ako: Ang Gasolinahan na ba ang bagong Tambayan pag Holy week? Kumokonti na ba ang Katoliko sa Pilipinas?
Naisip ko tuloy nung bata pa kami, bawal lumabas ng bahay pag Holy Week lalo na pag Good Friday. Actually bawal ang lahat. Bawal mag-ingay, mawal mag-laro, bawal manuod ng TV (actually wala kasing palabas, dahil wala namang cable nun e), bawal maligo (yes, maski ubod ng init), bawal maski na ano.
Naisip ko na naman: Iba na ba talaga ang panahon ngayon? o Tayo ang iba dati? Marami na bang lumalakad pag Holy Week dati pa? At tayo lang ang hindi?
Sabagay, dati rin kasi wala kang magagawa pag Holy Thursday at Friday. Bibihirang restaurants ang bukas, maski na ata 7-11 sarado dati e. Wala talagang mapanuod, kaya madalas nanghihiram ng Betamax tape ng Moses o Ten Commandments at manunuod kami sa gitna ng compound. Pag alas-4 na hihintayin na ang Guinataang Munggo na bigay ni Papang at Mamang. Love it! Tapos magsisimba, tapos kakain ng tuyo at kamatis. At matutulog na. Definitely boring, lalo na sa standards ngayon.
Pag stricto ang environment, nagkakaroon ka ng disiplina. Automatic yun. Maiintindihan mo na may bagay na dapat kang sundin at syempre susundin mo yun. Character building din naman kasi yun. So wala namang angal sa sitwasyon dati (konti lang hehe).
No comments:
Post a Comment