(galing sa Inquirer na sinalin sa Tagalog) Balita mula sa CANADA
Isang grupong human rights sa Canada ang nag-gawad ng 17,000 Canadian dollars (about P750,000) sa isang batang Filipino-Canadian na pinagalitan ng kanyang teacher sa paggamit ng kutsara isang tanghalian sa cafeteria ng kanilang paaralan.
Ang DFA sa Pilipinas ay tumanggap ng balitang pinapaboran ang pamilyang Cagadocs sa kasong ito. Hinihintay na lang ang opisyal na kumpirmasyon galing sa Philippine Embassy sa Canada.
“We welcome the decision of the Quebec Human Rights Tribunal. It affirms the inclusive, multicultural values of Canadians, which we also share,” tinext ng department’s Assistant Secretary Eduardo Malaya. .
Filipino way
Ang ina ng batang lalaki ay nagsampa ng complaint sa Quebec Human Rights and Youth Rights Commission laban sa Ecole Lalande sa Montreal noong April 2006.
Sinabi niya na ang kanyang anak na si Luc Joachim, na noon ay 7 taong gulang, ay nagsumbong sa kanya na pinagalitan siya ng isang guro dahil gumamit siya ng kutsara imbes na tinidor sa pagkain ng tanghalian.
Sinabi ng bata na ang mga Filipino ay ganun talaga kumain - kutsara at hindi tinidor. Ayon sa balita, sinabi ng teacher na iyon ay “disgusting” at tinanong ang bata kung ang mga Pilipino raw ba ay naghuhugas ng kamay bago kumain.
Pagkatpos, inutusan ng guro na kumain ng bata mag-isa sa isang sulok.
The Canadian way
Sinang-ayunan naman ng principal ang guro.
“You are in Canada, and here in Canada, you should eat the way Canadians eat. If your son keeps eating like a pig, then he will go to another table because that is how we do it here,” wika ng School Principal ayon kay Cagadoc.
Sabi ni Cagadoc, ang sinabi ni Bergeron ay “racially insensitive and discriminatory towards me and my family.”
Ang kaso ay dinismiss ng Commission nung 2008, at sinabing ang insidente ay "isolated and not discriminatory".
Moving on
Sa tulong ig isang nongovernment organization(NGO), ang Center for Research Action on Race Relations, nagsampa ng bagong complaint si Cagadoc, ito naman ay sa Quebec Human Rights Tribunal, in March 2009.
Ayon sa North America Bureau ng ABS-CBN, dahilan sa insidente, ang batang si Luc ay naging mapag-isa, walang ganang kumain at naging di maganda ang pag-aaral.
Unang humingi si Cagadoc ng 24,000 Canadian dollars (~P1 million) bilang "moral and punitive damages", ngunit sinabi na niyang masaya siya sa desisyong ng tribunal dahil sa malinaw na pagsasaad ng diskriminasyon na bumabalot sa kaso.
Canadian citizens now
Cagadoc, a native of Quezon City, is a Medical Technology graduate of the Centro Escolar University and owner of a daycare center in Quebec. Luc was born in Manila on Aug. 9, 1998 and came to Canada at the age of eight months. Cagadoc, her husband Aldrin, and their children Luc and Hannah Camilla became Canadian citizens in 2002.
2 comments:
oo nga...matagal na issue yan!!! Actually ang daming pinoy na nagtaas ng kilay sa isyu na yan. Paano kakain ang bata na walang kutsara kung ang baon nyang ulam ay may sabaw...d b?!! Mabuti naman at nanalo ang kaso nila. Dito sa Canada, basta tama ka, ipagalaban mo!!!
am happy that they get the justice they deserve. no one should suffer that way, worse because Luc is so young. cultural differences is frustrating.
Post a Comment