Sunday, April 18, 2010

Venue Level-up na: Terrazas de Alyssa @ Pansol

Talagang nag-level up na ang PB dahil sa venue na ito.




OK ang pool.  May bubong kasi, so natatakpan ng konti ang araw.




OK din yung lounge chair, ang sarap humiga.  Sana na-try nyo.  Eto triny ni Par




Parang ang luwag din nung lugar na kainan.  8 tables na, pero di pa rin siksikan.

May billiards din at meron pang basketaballan na parang iyong sa Timezone.



Ang lutuan, pinag-isipan.  Maganda ang lay-out, so very accessible.  Mas madaling gumawa ng halo-halo. Madaling maghain ng pagkain.

Gusto rin namin ang kuwarto.  3 Floors nga kasi, so 6 na kuwarto.  At ang mga kuwarto ay malaki.  Lahat ng kuwarto may CR.  At malaki din ang kama.  Parang kasya dun ang 6 na Camae.




Isa sa mga favorite - ang lamig ng aircon.  I know talaga namang malamig ang aircon.  Pero dito, e di ka tinitipid, low na ang aircon, malakas pa rin.  At malakas ang hangin kasi nga galing sa Laguna Bay - na kitang-kita mo mula sa 3rd Floor.

So muli, maraming salamat kay Tito Egay sa paghanap kay Terrazas de Alyssa.

Ako lang ba, o nagustuhan nyo rin ang lugar ng PB Outing?

2 comments:

EGAY said...

Tito Ido, inferness, si El Presidente JE ang nag reserve nung Terazas de Alysa, ako lang nagconfirm na yun nga ang kunin

Darwin's Theory said...

Ah ganun pala. Salamat Pres. JayE sa pagpili sa magandang lugar.

Kaso di pa tapos ang iyong presidency dahil bday pa ni Kuya Jim sa July.