Tuesday, April 6, 2010

WUNL Part II

Walang Utang na Loob Part 2 - 2G and 1G versions.

1) TITO JORGE AND IA
Teka muna, magpapasalamat muna tayo kay Ia na umuwi lang ng Pilipinas para bumati sa video ko.  Thanks!
Intro pa lang sobrang nakakatawa na si Tito Jorge.  Iyan ang na-build na reputation ni Tito Jorge, entrance pa lang matatawa ka na.  Kaso minsan di ko na tuloy maalala ang message nya, basta naalala ko tawa ako ng tawa.  Ano nga sinabi niya ulit hehehe.

2) TITA EDITH
Eto naman, makapang-asar lang kinailangan pang gumamit ng props!  E puwede namang hawakan na lang nya ang 1,000 pesos at doon magsimula ng message.  PERO HINDI!  HIND PUWEDE YAN kay Tita Edth.  Kelangan talaga nya ungkatin ang mga magboboteng itsura  hahahaha.

Seriously, maraming salamat kay Tita Edith kagagaling lang sa Ospital at inumaga pa sa taping. 

3) TITA ATE
Natawa talaga ako na sa ospital pa ba magpa-video?  Buti na lang di kayo inabutan ng duktor at nurse, at baka akalain na ikaw ang may sakit.  Pero natawa naman ako sa tabloid.  Thanks Ate!

4) TITO PAR
Tito Par!  Na-Gi-Gibo ka na.  Next time hanapin nga natin ang tamang angle sa video a.  hehe.  Pero maraming maraming salamat sa message - very nice talaga!

5) TITO AYO
Di ko sure ang dialysis ba ang nakakaitim o ang hindi pagbayad ng kuryente.  Pero eto namang si Ayo, ang laki-laki na parang lagi pa ring iiyak.  Buti na lang ok ang ending hehe.

6) SR VICKY?
Ako'y Shock!  Paano nangyari yun.  So I guess magpapasalamat dapat kay TIto Jorge na sinadya pa si Sr. Vicky para i-video.  Many thanks Tito Jorge!

Pero iparis ba ako kay Sto. Tomas Aquinas?  Wow!  No comment na lang nga ako at magpasalamat ng marami sa iyo Sr. Vicky.

7) TITA YET
Di naman siya galit ano?  Kasi parang ang lakas ng boses.  Haha.  Maraming salamat sa napakagandang message Tita Yet (serious yan).  Pero halatang halata kang nagbabasa, next time ha i-memorize na!  Haha, okrayin ba talaga?

8)  TITA EYAN
Grabe naman sa performance ito!  Sobrang distracted na hataw pa rin sa pagsasalita.  At hindi nawawala sa sinasabi.  Mahusay!  Hoy Anton, humanda ka sa akin paglaki-laki mo ng konti, ipapalabas ko ang video na ito sa lahat ng ka-classmate mo at lahat ng tao sa Binan!  mwa hahaha.

9)  TITA DANG
Dito ata nagmana si Karen - ang priority ay mag-posing at maganda ang angle.  Inferness, maganda ang register ni Tita Dang sa camera - TISAY din ang dating.  Inferness ulit, natawa sya sa sarili nyang joke.  hehe

10) TITA SIONY
Eto namang si Siony, mana kay Ayo.  Ano ba talaga ang nakakaiyak? hahaha  At korek, brownout nga sa Santan.  Salamat Siony

11) TITO BOYET AND FAMILY
I loved this!  Very creative.  For a change, di ka matatawa sa hirit ni Tito Boyet, mabibilib ka.  Nice and thanks Tito Boyet!

3 comments:

Che said...

Sinadya ni Kuya Jorge si Sis Vicky sa Carmellite para i-video! Sya din ang nag-upload syempre. Thanks Kuya Jorge :)

jorge said...

Hi Che, naconvert mo rin pala yung video, naging super busy ako lately, pag-alis ni Ia at paglipat ng printing area namin, anyway, thank you che.

Tito Ido, nakalimutan ata si Tito Jim, parang Korean telenovela ang dating, may subtitle.

charisse said...

Ninong Ido pakita mo naman kasi ang pics mo nung bata na mukha ka pang mambobote and picture mo ngaun na mukha ka ng 1000.00 pesos worth..hehe..