Bukas mag-bya-byahe na naman ang mga taga-PB. Sa aming taga-Laguna na, kadalasan aabot ng lagpas 1 oras ang biyahe. Pero aalis kami ng maaga para iwas traffic. Ang mga taga-Santan malamang umabot ng 3 oras ang biyahe. Parehas din siguro sa mga taga-Novaliches.
Buti na lang si Tito Ayo ang official na taga-maneho namin. Ako kasi kung puwede lang huwag ng mag-drive. Wala akong katangian ng pagiging magaling na driver. Tingin ko ang mga magagaling na driver ay merong 1) Pasensya 2) Pagtitiis at 3) Sakripisyo. Wala ako nyan 0 for 3.
Halos 70% ng PB na above 18 years old ay marunong mag-drive. Mahusay! At nabilang nyo na ba kung ilan ang sasakyan ng mga taga-PB?... 15 po =). E ~50 lang naman tayo sa PB. So sa bawat 3 tao sa PB -merong isang kotse. Sa bawat 1.5 taong 18 years old ang above, merong 1 kotse. Parang pamilya ng mayaman hahaha.
May kanya-kanya ring personalidad sa pagmamaneho siyempre. Katulad ng sa school, sa negosyo, sa math o sa spelling. Merong mga magagaling mag-drive at merong marunong mag-drive =).
Sino para sa inyo ang magaling mag-drive sa PB?
1 comment:
Iilan pa lang ang nasakyan ko sa PB-- I guess si Ayo nga--maingat pero mabilis (pero di nakaka byahilo)...
Ok siguro sumakay kay Kuya Jorge may libreng joke :D
Post a Comment