Monday, April 5, 2010

Walang Utang Na Loob

Inabot ka ng alas-2 ng umaga, di ka nakapunta ng hospital, naka-ilang take sa pag shoot, nag-isip ka ng mabuti kung ano ang sasabihin, nagpakahirap ka mag-edit tapos ano ang igaganti sa napagandang video...OKRAYAN na!  hehe.  Reviewhin nga natin ang video ang commentan ang mga pinaggagawa ninyo

PART I
1)  The concept was brilliant.  Ang galing ng question, bagay sa kung sino ang sumasagot. Good Job!

2) TITO ONE and KULIT BULILIT
Mwa hahaha.  Kakatawa at astig din ang camera shots - pangpelikula, pati yung kumakalog na camera.  Syempre pang best Comedian talaga si Tito One, wala ng kokontra dyan. 

3) KATHLEEN
Ganda naman ni Kathleen sa video - mukhang foreigner.  Pero malamang nanay na naman niya ang gumawa ng script na yon.  Pang Ate Edith ang sinabi niya.  hahaha

4) KACEY
Amazing.  Ang tatas naman ni Kacey at very confident humarap sa camera.  So only nice words for her performance.  Very good.

5) CARL
Laro-laro kasi sa labas sa kainitan kaya ayan umitim sa camera hahaha.  Pero si Carl ang best friend ko sa Binan, kayo ayos ang message nya.  Thanks Carl!

6) MEG AND PIA
Wow!  Really impressive.  Una, na lumabas sila sa Camera.  2nd, ang galing ng script nila.  At very good acting and execution.  Maangas na performance ng dalawa.  Magaling.

PART II
7)  KAREN
Wala talagang hiya-hiya sa babaeng ito.  Astig, kasi para lang siyang nakikipag-usap.  Natural na natural and dating, parang wala sa harap ng camera.  Pag asa camera pala, puwede mo ng patawarin ang kaartehan niya, di masyado nakakainis. hahaha.

8) KEVIN
Eto lang.  Para namang pareng nag-se-sermon itong si Kevin. With matching checkered na polo, di ba ganyan ang suot ng mga pari after nilang mag-bless ng bahay?  Anyway, buti na lang 1) pogi ka 2) maraming nagkakagusto sa iyo 3) at kilala ka namin sa personal.  Kasi kung ngayon ka lang namin nakita, feeling namin nag-fasting ka buong holy week.  Mag Enervon ka nga para may energy.  hahaha

9) CAMAE
Ang no.1 priority talaga ni Camae pag humarap sa Camera ay maging maganda siya.  Sa lahat ng bumati, siya lang ang nag-make-up at nag-blow dry!  hahaha.  So successful Camae, dahil ang ganda mo talaga sa camera.

10) POPOY
Hoy Popoy.  Hwag kang maglagay ng camera mula sa ibaba, dahil na-e-emphasize ang 4 na baba mo!  Ngayon lang ako naakita ng bilbil sa leeg!  hahaha.  Seriously, maraming salamat Poy for taking the time na mag-video to greet.  (Matapos ilaglag - magpasalamat, ganyan ang depinisyon ng kapayapaan sa PB)

11) ALEX
Mestizang mestiza ang dating.  Pero chubby pa rin pala siya.  May hotdog pa rin pala sa Canada?  Pero you are right AC/DC is one of my favorite bands.  So thanks Alex (padalan mo ko ng Harness para sa stable ko sa farmville).

12) MM
Aba at ang ganda ni MM. ano?  Nakakaganda ba talaga ang french fries at hamburger hmmm.   Bagay ang buhok mo MM, at medyo tumaba ka ha! (mga 4 na guhit sa timbangan).  Very good.

13) TITA TETES
Paano magkaroon ng Rosy Cheeks?  Nag- Ponds ka ba Tita Tetes?  Many thanks for the message Tita Tetes, alam kong lagi kang nagbabasa ng PB Blog lalo na pag may tsismis.  Kasi maski hatingg-gabi sa Canada, e may pumapasok sa blog basta may intriga hehehe.

(Patalastas:  tignan ninyo si MM e, ano ba yun, bakit ba sya napanganga ng sobra hahaha)

14) JULIENNE
is really pretty on camera.  At may wonderful smile.  Parang nakapako na ang smile na yan sa buong video- magaling. Nice outfit din, medyo madilim lang ang background, brownout ba nun?

15) DIANNE
Balang araw si Dianne ang magiging next Tito Jorge.  Iyong di pa sya nagsasalita e natatawa ka na.  Ngayop naman kasi sa bungisngis hindi pa nagsasalita.  Pero nakakatuwa siya panuorin pala sa video.  Parang walang problema sa buhay.  Parang blooming.  May bago ka bang lovelife?  Mwa hahaha.  Seriously, maraming salamat sa touching message mo, Dianne.

16) EVOT
Aba, at Flawless pala si Evot sa camera.  Maraming maraming salamat sa message, of course one of my favorites until...

17) CHARISSE
Ngaaayooop naman itong video, may entrance pa talaga.  Ang masasabi ko lang ay bagay na bagay talaga kayong mag-asawa dahil parehas pa ang message ninyo!  hahaha.  Pero maraming salamat for taking time to shoot the video.  Sabi nga ng mga onaks,  appreciate it.

18) RAP-RAP
Pag si Rap-Rap asa camera, alam mo ng magpapasikat!  Very creative naman ang pagbati na ito.  At talaga palang may potential na artista itong si Raprap, dahil astig ang facial expressions.  Astig din ang entrance at exit.  Mahusay!

19) KRIZA, AIX and TITA BHOGS
Di ko talaga inaasahang kaartehan ang video na ito.  Ang iniisip ko ay maganda at pinag-isipang messages.  At totoo nga! Maraming salamat sa mga messages.  Natawa ako sa dessert sampler at sa buchi.  Hehehe, kelangan ko ng humanap ng bagong diskarte dahil nabibisto na ni Aix ang strategy ko.  Pretty kayong 3 sa video.  Maraming salamat ulit!

20) MIGUEL AND GAB
Balita ko e sinuhulan pa ang dalawang ito para lumabas sa video.  Maraming salamat sa napakahabang message ninyo =).  Ang OK dito, e di naman sila mukhang napilitan sa video di ba?   All-smiles parehas at mukhang nasiyahan naman sila sa pinaggagagawa nila.  Maraming salamat!

No comments: