Friday, April 2, 2010

Kanya Kanya

Natawa naman ako sa comment ni Tita Yet na, nahihiya raw siyang ipakita ang mga pictures ni Julienne, pagkatapos makita ang awards ni Gab.  haha.  Well, di naman ganun ano, meron naman talagang kanya-kanyang katangian at talent ang bawat PB at bawat tao.  At saka, di naman porket Valedictorian ka, ibig-sabihin magiging successful ka balang araw.  Sige tignan nga natin ang mga Valedictorian ng PB 2G at kung anong nangyari sa kanila...

SR. VICKY - Very Successful
TITA EDITH - Very Successful
TITO EGAY - Very Successful
TITO IDO - Very Successful
(sana wala akong nakalimutan)

ay successful pala silang lahat!  hahaha.  So, at least sa PB 2G ang mga naging Valedictorian ng Elementary ay naging successful din.  So following the trend, malaking chance ang pagiging successful kapag Valedictorian ka ng Elementary.  Maraming opportunities ang nag-o-open at lagi kang may second chance.

Having said all that, marami ring successful sa PB ang hindi naging Valedictorian.  Just need to work even harder.

3 comments:

evot said...

kung si Gab eh 95 ang lowest grade nya at HEKASI yun...
sa mga PB 2G valedictorian, nu kaya ang lowest grade nila at anong subject yun??? hmmmm...

hula ko eh si tito Ido eh highest nya ay Math.

natatandaan pa kaya nila ang lowest grade nila???hehehe...

basta ang alam ko sakin eh highest grade ko nung college eh Math at computer subject...at lowest ko eh english...hehehe...buti na lang at hindi ko major ang english subject...hahaha...

Charisse said...

Masasanay na dila mo sa English dito. Ok lang yun at magaling ka naman umintindi eh. Lage ka lang nman mag nose bleed dito..hahaha..You can do it!

Darwin's Theory said...

Ang lowest Grade ko ng elementary ay definitely Pilipino. Ang lowest grade ko ng High School ay Religion =). Ang lowest grade ko ng College ay Pilipino pa rin.

Ibagsak ang Pilipino at ang Relihiyon (oops Sorry Sr. Vicky)