Friday, April 2, 2010

Kausap si Gab

Nung Linggo habang binibisita si Lolipot sa Asian Hospital, na-interview ko si Gab.  Pinag-usapan namin ang mga plano niya sa High School, ang mga awards na natanggap, kung ready na ba siyang mamuhay ng mag-isa etc.

Actually hindi naman talaga interview ang nangyari, dahil alam nyo naman yang si Gab di ba?  E di naman sumasagot ng mahaba yan sa mga tanong hehehe pero eto ang mga highlights:

1) Tuloy na talaga siya sa Philippine Science High School.  Nakahanap na ng dorm si Tito Egay na nasa loob ng Campus.  So talagang magiging independent si Gab.  At uuwi siya sa Los Banos tuwing weekend.

2) Syempre inintriga ko sya sa pagkain =).  Mahilig pala si Gab sa Chicken.  Actually chicken lang daw ang kinakain niya.  So ako ang namroblema para sa kanya kasi nga sa dorm siya titira.  E paano kung hindi chicken ang ulam, paano yun?

Pero nawala ang kaba ko ng dumating ang pizza.  E kumakain naman pala siya ng Pepperoni Pizza.  Sa isip ko, kung kumakain na ng Pepperoni (na only the Lord knows kung ano ito - baboy, baka, taba, isda, gulay etc.  ewan!), e mabubuhay siya sa pagkain.

3) Meron palang 3 classmates si Gab from his Grade School na mag-aaral din sa Pisay.  So good, may kakilala na si Gab sa High School.

4) Ininterview ko rin si Tita Dang kung anu ang suot niya nung Graduation ni Gab.  Ganito kasi iyon, ibang klase pala ang pag-announce ng "Morning Star Award" sa eskuwelahan na yan.  Di tulad ng karaniwang school, di mo alam kung sino ang Valedictorian.  Alam mo kung sino ang mga Silver at Gold Medalists pero di mo talaga alam kung sino ang a-awardan.  So parang FAMAS kung baga.  Nominees lang ang alam.

Medyo may kutob na raw si Tito Dang, so maganda naman daw ang damit niya.  Di naman daw gown, kasi exag naman iyon.  Pero imported nga daw from UK =).

5)  Ah, ang damit ni Tito Egay?  Siyempre japorms - polo shirt na sosyal at slacks.  Pang-tatay ng Valedictorian.

6)  Di naman daw sila naiyak nung i-announce ang Jose Gabriel Domingo.  Napaluha lang ng konti.  Iiyak na raw sana si Tita Dang kaso...sinabing may Cash Prize nga.  Kaya nagmadali na siyang umakyat ng stage...

Kaso, sa Lunes pa raw makukuha ang cash.  So mag-uunahan daw si Tito Egay at Tita Dang kung sino ang gigising ng maaga nung Lunes na yon para kunin sa school ang cash prize.  Sino hula nyo nanalo?

7) Interesado akong malaman kung anong subject pinakamababa ang grade ni Gab.  So tinanong ko siya.  Sa wakas mabilis siyang sumagot at mahaba-haba.  HEKASI raw ang pinakamababa nyang grade.  Kasi nga Tagalog kasi ang pagturo at ang hirap daw ng exam.

Anong grade mo sa HEKASI?   95.    Mwa hahaha.  Kawawa ka naman Gab 95 ang pinakamababang grade mo.  Mag-aral ka ngang mabuti.

Diyan po nagtatapos ang interview ko kay Gab.

5 comments:

evot said...

hahaha...wow...magkano kaya yung cash prize na pang RW???hahaha...
natawa naman ako sa pinakamababang grade ni gab...kailangan nga ni gab magaral mabuti sa HEKASI eh kasi nga super baba ng grade nya...bakit naman kasi 95 lang...
hindi mo natanong tito ido kung ano ang pinakamataas na grade ni gab? is it 100 ba o 99 lang? hmmmm...ano kaya?
meron talagang pinagmanahan si gab.
Good luck sa phi sci. ikaw na ba susunod kay IA sa japan o magHarvard ka nman gab...hehehe...
pansin ko sa mga recent post dito sa blog eh sikat na sikat ang 3G...Go 3G!!! alam ko naman na matatalino at mga talentado tayo mga 3G eh kasi nga PB tayo db... =)

Congratz again Gab and to all PB graduates...
wala bang 3G/PB grand celebration eh ang dami dami ng mga congatulations na nababasa dito sa blog???

Che said...

Congrats ulit Gab!!!

Sabi na nga ba pwedeng tumalino kahit fried chicken lang at giniling ang kinakain ;-)

yet said...

Keep up, Gab! We are proud of you! Di lang kayo magkamukha ni Tito Jorge, pareho pa kayong matalino!

karen said...

grabe 95 ang pinakambaba. e pang MAPEH ko lng na subject un eh. mwahahaha

Ate Charisse said...

Congrats Gab! Keep it up! Always follow the foot steps of your parents. Goodluck!