Sunday, April 18, 2010

atbp.

Siyempre na-miss namin si Nanay, na may sakit kaya nagpapahinga sa Santan.  Para din tahimik ang mga 3G girls dahil wala si Dianne.  Kulang din ang MGs dahil wala si Tricia and bday girl AJ.  Naisip din namin na matutuwa si Ian sa swimming pool kung andun sya kasama ni Lola Rhoda.  Si Carlo pala ay nasa school activity - siya siguro nanalo sa raffle from the Collarinas dahil laging suwerte yun, kung sumama siya.

Pero 43 din kaming nakarating.  Natutuwa ako pag kasama si Tita Vangie sa outing.  Di ko ma-explain kung bakit, basta. 

Pag outing, not sure kung napapansin nyo, merong mga traditional roles ang bawat isa.

Andyan ang mga poker boys - na walang ginawa kundi kumain, magsugal, magpatimpla ng kape, halo-halo.  At matulog ng 5am.  Puyatan ito kasama ng mga official Night-shift songstresses: si Tita Helen na ang specialty ay mga bossa nova lounge songs at si Tita Dang ng "It's been quite a while...".  Pag natalo si Tito Jim ng maaga, kakanta siya ng Band on the Run.

Ang mga 4G at batang 3G ay nagswiswimming hanggang mangulubot ang mga daliri.  Tapos iiyak naman pag lunch na.

Ang mga 3G Teens ay pupunta sa kuwarto, mag-bi-billiards, mag-swi-swimming at mag-vi-videoke.  So paano ba sila nung Videoke?  Sobra kong nagulat na ang ganda ng boses ni Unyoy.  Parang Yael ng Sponge Cola.  Si RapRap naman e talagang total performer, meaning pangit boses pero nadadaan sa performance. Si Kriza talaga pasalamat siya at maganda siya. Pero I like her fighting spirit.


(Unyoy about to sing "Jeepney" by Sponge while Rap chooses next Performance)


(Kriza sings Kelly Crakson, ay teka Britney pala.  Ay mali. Fra Lippo Lippi.  Pero yan ang talent ni Kriza, di mo malalaman kung ano ang kinakanta niya.  Sana di nya kinakantahan ang mga pasyente nya sa ospital)

Tapos pag gabi na, magkukuwentuhan ang mga 3G sa isang kuwarto hanggang umagahin.

Ang 1G ay nagkukuwentuhan mula 5pm pagkadating hanggang hatinggabi.  This is talent!  Di talaga sila nauubusan ng topic.




Nagkikita-kita ang lahat pag oras na ng raffle.

Pag raffle: Si Tita Edith ay nilalabasan ng mga ugat sa leeg sa pag-sigaw ng "Laban, Laban".  Si Tito Jorge, bumubunot lang ng chips, e kaya pang magpatawa.  At aangal ang mga 1G na hindi nabunot, hanggang 1 buwan ng tapos ang outing.

Si Tita Ate ang magluluto at mag-pre-prepare ng food.  Ang mga 1G ay maghahanda ng almusal, sila lang naman kasi ang gising nun.  Si Ate Yet ay gagawa at gagawa talaga ng program, maski puro free time.   Si Tito Egay ay mag-a-asikaso ng maraming bagay - tubig, yelo, kutsilyo, pagkain.  Si Ditse, ay kukuha at kukuha ng sarili niyang pagkain maski nanginginig na ang paghawak niya sa pinggan.

Si Tito Egay ay magdadala ng coffee maker at coffee.  At si Tito Jorge at Tita Helen ay magdadala ng astig na mga coffee cups.




Pagkatapos ng tanghalian, meron ng magsisimulang umaligid sa mga pagkain -at kanya-kanyang strategy sa pagbalot ng pagkain.

At, kung kelan malapit ng mag alas-5, maalala ng lahat mag-pa-group picture.

No comments: