Monday, May 31, 2010

Dagdag

Si Chanel ang pinakabatang 3G sa ngayon (kanino kaya ang susunod hmmm).  Ang panganay na 4G ay si Ashlie na Grade 2 na.  Which means Tita ni Ashlie si Chanel.

Actually, Tita rin ni Andrei, Ian at Kacey Fae si Chanel.  It would be interesting paglaki nilang sabay-sabay.  So pag 12 years old na si Chanel, 20+ na si Ashlie, pero tatawagin ni Ashlie na Tita si Chanel.  At dapat mag-po at opo ang 4G kay Chanel.  So malamang na mag po at opo ang may trabahong si Ashlie sa Grade 6 na si Chanel.  Mwa hahaha.  Anong kaguluhan ito?  Sabagay pag inisip ninyo, Tito rin ni Ashlie si Anton at Tita rin ni Ashlie at Andrei si Tehya.   So tama bang mag-po at opo ang mas batang 3G sa 4G?

Hindi ito nangyari sa 2G at 3G.  Ang youngest 2G kasi ay si Tita Che-Che at mas matanda siya sa eldest 3G na si Pres. JayE.  Kung buhay pa tayo at di pa tayo nag-a-away-away, malamang na mangyari ito madalas sa 3G, 4G at 5G.

Bawas

Not sure kung napansin nyo.  Meron tayong mga grumaduate na PB at nagsimula o malapit ng magtrabaho this year.  Which means....(kaching)...maraming mababawas sa Pilahan sa December! 

So wala na talaga si Karen, Kevin, Kriza, Ayka.  Tapos di ba grumaduate na rin si Carlo.  At siyempre ang buong PB gusto na ring mag-graduate si Diane. 

Wow!  6 ang mababawas.  Marami ang may favorite sa 6 na yan, so gusto niyong pag-usapan ulit ang pilahan?  hehe.  Karen, Kevin, Kriza, Ayka ano ang opinyon ninyo sa pilahan?

Jejemon

Medyo kakalungkot ang sobrang panlalait sa mga Jejemon sa Facebook at Twitter.  Pati kasi mga kandidato nung eleksyon at ang DepEd e tumuligsa sa kanila di ba.

Wala kasi akong nakikitang masama sa Jejemon.  Para kasi itong self-expression, parang sariling language.  Nung 70's meron din naming hippie movement sa pagsasalita (syempre di sa pag-te-text dahil wala namang cellphone nun).  Eto yung binabaligtad ang mga salita.  At marami dito ay sikat pa hanggang ngayon. 

Eto mga example:
TIGAS  -->  naging  ASTIG
PANTALON -->  naging LONTA
at ang pinakasikat na SIGARILYO - YOSI

Malamang nabuwisit din ang mga tao sa mga gumagamit niyan dati.  Pero marami pa rin ang gumamit, at nabuhay nga ng lagpas 30 taon.

Katulad ng dapat huwag mong tawaging "astig" ang boss mo sa formal meeting, e huwag ding gamitin ang Jejemon sa formal theme at essay at schools.  Kung sa facebook at blog at text, walang nakikitang masama.  Ngapala, meron ng wiki page ang Jejemon ha =).

Bakit hindi subukang intindihin ang Jejemon language:

Examples (galing sa wikipedia):


"3ow ph0w, mUsZtAh nA?"   --->  "Hello po, kamusta na?

aQcKuHh --->ako

lAbqCkyOuHh  --->  I love you

eEoWpFhUeEhsxz  ----->  hello

jeJejE ----> hehehe, pagtawa at dito nga nanggaling ang salitang Jejemon e

kakaibang sagot sa Quiz shows

galing ito sa chicogarcia@wordpress.com

Carlo of Taguig – Q: “Kung ang light ay ilaw, ano naman ang lightning?” A: “Umiilaw!”

Pancho – Q: “Kung vegetarian ang tawag sa kumakain ng gulay, ano ang tawag sa kumakain ng tao? A: “Humanitarian?”

Joan C – Q: “Sina Michael at Raphael ay mga…” A: “Ninja?”

Potpot/Simplyme – Q: “Ano ang karaniwang kasunod ng kidlat?” A: “Sunog!”

Arcueid – Q: “Magbigay ng sikat na Willie.” A: “Willie da pooh!”

Raimon – Q: “Ang mga Hindu ay galing sa aling bansa?” A: “Hindunesia?”

Bonnjeru – Q: “Anong hayop si King Kong?” A: “Pagong!”

MaudeEvans – Q: “Magbigay ng mabahong pagkain.” A: “Tae!”

Supertanker – Q: “Saang bansa matatagpuan ang mga Canadians?” A: “Canadia!”

RC & Cess – Q: “Kumpletuhin – Little Red…” A: “Ribbon!”

Jose de Vengenge – Q: “Ano ang tinatanggal sa itlog bago ito kainin?” A: “Buhok?”

Arcueid – Q: “Magbigay ng pagkain na dumidikit sa ngipin.” A: “Tinga!”

LilMaui – Q: “Anong oras kadalasang pinapatay ang TV?” A: “Pag balita?”

Katherine – Q: “Ano ang tawag mo sa anak ng taong grasa?” A: “Baby oil?”

RC & Cess – Q: “Saan karaniwang ginagawa ang mga sweets na ginagamit sa halu-halo?” A: “Sweetserland?”

RC & Cess – Q: “Sinong higanteng G ang tinalo ni David?” A: “Godzilla?”

LilRedShiningNips – Q: “Ano ang mas malaki, itlog ng ibon o sanggol ng tao?” A: “Itlog ng tao!”

Jose de Vengenge – Q: “Anong S ang tawag sa duktor nag nago-opera?” A: “Sadista?”

Ned – Q: “Blank is the best policy.” A: “Ice tea?”

Boc – Q: “Anong parte ng itlog ang masarap?” A: “Yung tangkay?”

Espeks – Q: “Saan binaril si Jose Rizal?” A: “Sa likod!”

No Angel – Q: “Fill in the blanks – Beauty is in the eye of the ____.” A: “Tiger?”

No name – Q: “Ano ang kinakain ng monkey-eating eagle?” A: “Saging!”

No name – Q: “Kung ang suka ay vinegar, ano naman ang Inggles ng toyo?” A: “Baliw!”

Kayee – Q: “Anong tawag mo sa kapatid ng nanay mo?” A: “Kamag-anak!”

Kid Bukid – Q: “Saan nakukuha ang sakit na AIDS?” A: “Sa motel?”

His Cuteness – Q: “Kung ang H2O ay water, ano naman ang CO2?” A: “Cold water!”

Katuray – Q: “Sinong cartoon charcater ang sumisigaw ng yabba dabba doo?” A: “Si scooby dooby doo?”

Loipogi – Q: “Heto na si kaka, bubuka-bukaka.” A: “Operadang bakla?”

litzkrieg – Q: “Ilan ang bituin sa American flag?” A: “Madami!”

Adakrab 14 – Q: “Ano ang tawag mo sa taong isa lang ang mata?” A: “Abnormal!”

Saturday, May 29, 2010

Happy Birthday Leoben Unyoy

May 31 is Leoben's Birthday.  He is sweet 17.


College na si Unyoy so please, huwag na raw natin siyang tawaging Unyoy, so for the last time.

Happy Birthday Unyoy!

Thursday, May 27, 2010

Poll Results Summary

1)  I guess malabo na mangyari
- May 31 na sa Monday, unless merong bigla-biglang mang-imbita, e hindi magkikita ang PB ngayong May
- Not sure kung magkikita sa June.  Traditionally hindi.
- Wala ring imbitasyon para sa July.  So malamang sa kanya-kanyang bahay na lang =).
- May imbitasyon na sa August - so dun tayo sure na magkikita-kita ulit

2)  June 15 pala ang pasukan ng maraming estudyante.  Tapos merong isang June 7.  Ibig sabihin konting araw na lang talaga ang natitira para sa mga PB students para magbakasyon.

3) Interestingly, nahahati ang PB sa Well-Done at sa Medium-Rare na steak. 

4)  Si Tito Egay naman ang landslide winner pero sa pinakamalaking politico-potential sa mga PB 2G.  Go Tito Egay!  Gusto mo bang konsehal na kaagad?  Puwede kasi sa 2013 ang puwesto ng Kagawad o Barangay Captain.

5) Unanimously, ayaw na ng PB pabalikin si Willie sa Wowowee.  Eto ang interesting, kasi di ko alam kung marami ba talaga sa PB ang nanunuod ng Wowowee.  Ano kaya opinyon ng mga nanunuod mismo ng Wowowee tungkol sa pagbabalik ni Willie.

6) Kung susundin ang poll, the PB 2G Outing in 2011 will be in Cebu/Bohol.  Cebu/Bohol is really a very nice place to visit.  Ang problema, mahal ng konti - so katumbas malamang ito ng byahe natin sa Palawan na lagpas ng konti sa 10,000 pesos per person.
Ang second place sa botohan ay ang Ilocos-Pagudpud trip.  Based on estimates malamang ito ay 6,500 per person.  Makakatipid tayo sa plane fare, kasi land trip.  Pero gagastos din syempre sa van rental at sa hotels.

Ang mahalaga, mag-reserve na ng maaga, dahil mas malaki ang matitipid.

Monday, May 24, 2010

Na-dyaryo

Sabagay, sino ba naman ang nagbabasa ng Manila Bulletin pag Friday. At lalo na ang Classified Ads.  Pag Sunday, maraming nagbabasa ng Bulletin, pero pag weekday, kung meron man *sporadic lang.

(*Sporadic - spo-ra-dik meaning irregular o di palagi)

Pero eto ang press release ng aking appearance sa AMA TV 2 months ago.  Nagturo ako ng Java at ang mga market trends =).  Binura ko na lang pangalan ko at ang kumpanya namin.

Back to School, Back to Manila

Between now and start of school, pauso naman tayo sa PB Blog.  Gumamit tayo ng isang vocabulary word(pwedeng English o Filipino) sa bawat post (sa akin o kay Pres. JayE), at sa inyong bawat comment. 

Eto example ha:
************************

Tita Che-Che is back from Mindanao.  She was in Cotabato and Maguindanao for 3 days with much *chagrin from my mother.  Di po natin puwedeng pag-usapan kung anong ginawa niya dun, seriously.  So tanungin nyo lang siya next time natin magkita.

Sa Thursday, babalik na si Tita Che-Che sa Singapore para sa kanyang school.

(*chagrin - pronounced as shag-rin: sorrow, mortification, pagkalungkot na may takot)

Tagaytay Highlands



at ito ang view mula sa kuwarto ko



Nung weekend, nagmeeting kami sa Tagaytay Highlands.  2nd time ko ito, pero this time e overnight.  Napakalaki ng Highlands, at medyo malayo (over 30 minutes galing sa Tagaytay Rotonda).

Magaganda sa Tagaytay HIghlands
- Kumpleto dito:  may bowling, tennis, basketball, badminton, meeting rooms, daming swimming pools, daming kuwarto, merong mini-sinehan
- Ang ganda ng view, dahil asa may tuktok ng bundok, kitang-kita ang view ng buong Taal
- Sobrang sarap ng pagkain.  Definitely the best steak in town(Tagaytay Highlander Steakhouse).  The best din ang kanilang Chinese (China Palace)

Di Masyado Maganda
- Kung di ka member or walang kasamang member, di ka makakapasok
- Medyo luma na ang mga kuwarto
- Pag wala kang kotse, ang hirap
- Malayo, at paliku-liko ang daan
- SOBRANG MAHAL!!!

In summary, pupunta dito pag libre.  Otherwise, I don't like.  Better pa ang Taal Vista Hotel.

Sunday, May 23, 2010

Pasukan

Holiday pala sa June 14, part ng Holiday Economics ni GMA dahil nga Saturday ang Independence Day (Jun 12).   Alam nyo ba kung anong Grade o Level na ang mga PB 3G at 4G?  Subukan nga natin, for sure ang daming mali, pa-correct na lang po.  (Wag na nating isama ang mga College, kasi medyo magulo, minsan mahirap sabiyin anong year na nila e =)

High School
Alex - Grade 11 (pero ang school sa Canada starts in Sept)
Miguel - 4th Year (?)
Joshua - 3nd Year(balik St. James)
RapRap - 3rd Year (?)
AJ - 2nd Year
Gab - 1st Year
Deniel - 1st Year
Julienne - 1st Year
Patricia - 1st Year

Grade School
Kathleen - Grade 5
Meg - Grade 5
Carl - Grade 4
Ashlie - Grade 2
Andrei - Grade 1 (?)

Pre-School
Pia - Prep(?)
KC - Kinder

Wednesday, May 19, 2010

Water

Pag asa restaurant, dinner or lunch, water lang ang inoorder kong inumin.  Water lang, hindi bottled or mineral water.  Unless nasa Palawan (sarap at mura ng buko juice) or asa India (huwag inumin ang tubig dun), talagang tubig lang.  So maski asa Pancake House o Shangri-la, water pa rin.

1)  Napansin ko kasi na sobrang mahal ng presyo ng softdrinks or even iced tea sa restaurants.  Example, puwede kang umorder ng 2 Tacos for 70 pesos, pero ang coke ay 45 pesos.  Hmmm parang isang taco na rin yun.  Pag-uwi ka na lang bumili ng coke sa suking tindahan.  Nung una, parang di kumpleto ang pagkain pag walang coke o iced tea, pero sanayan lang yan - it is all in the mind.

Mahilig kasi kaming kumain sa labas.  So napapansin talaga namin na ang laki ng bill pag may drinks.  Example:  sa Josephine's sa Tagaytay, with drinks, bill for 4 people could be 2,000.  Without softdrinks, it would be 1,400 lang - kasi may tax pa nga dun sa softdrinks.  That is 30% savings.  Iyong 600 na ma-save, puwedeng pagkape sa Santuario.

2)  Sabi rin sa Top Chef - softdrinks can destroy your taste buds.  Halimbawa, kakain ka ng steak sa Red sa Shangri-la na worth 1,800 hmmm  sayang ang lasa kasi babasagin talaga ng softdrinks ang mga molecules ng taste buds.  Di po joke yan.  Try nyo rin. 

Pag sa Jollibee o McDo kumain, OK lang mag-coke.  Bale ibabad ng softdrinks ang mga sebo  at chemicals sa hamburger at french fries hehehe.   

3)  Boring ang mga umiinom ng water sa restaurants.  Partly true.  Lalo na kung may specialty drinks ang isang resturant.  Example, sa Fely J's sa Greenbelt naglabas sila ng "Presidentiable Drinks".  Paborito ko ang Fly High with Gibo drink - Green Mango and HoneyDew.  OK din ang Villar drink - Carrots and Strawberry.   Kung may specialty drinks, OK lang tikman siyempre, pero sana isang beses lang.  Mahal din kasi, specialty drinks could be 150Pesos, with tax and service charge could be 170 pesos.

*****
Paano makakatipid, pero gusto nyo pa ring kumain sa labas?  Drink water not softdrinks.  (Minsan, nagbabaon din ako ng Coke Zero sa kotse na binili ko sa grocery - iinumin after dinner, kung hindi makatiis hehehe).

MAY - MAHIYAIN

Mahiyain pala ang mga pinanganak ng May?  Akala ko ang mga pinanganak sa Zodiac sign ng Taurus ay mga matitigas ang ulo =) meaning pinagpipilitan ang gusto.  Pero medyo mahiyain pala sila - siguro in public, kasi in private makapal din mukha nila.

Kung bday ko kasi at tinatanong na ko ng wishlist, eto ang sasabihin.

****************
Hello PB, eto po ang wishlist ko para sa Bday, o kaya sa Decemeber =).
- Cole Haan Shoe Protector available @ Greenbelt or Trinoma.  (medyo mahal po)
- Zest Marathon Bodywash available @ SM Supermarket for 160pesos
- Nokia Earphones available @ your Nokia Stores for 800 pesos
- Ilustrado book available @ Powerbooks for only 300 pesos
- Plastic na alkansya.  Kulay Orange po iyong baboy or bear.  available at SM Surplus (mga 70 pesos), pero sa Divisoria po ay matatawaran ng 50 pesos
- Magic Wallet.  Available po sa Tiangge at Divisoria.  Pag magaling tumawad makukuha ng 60pesos

Sample lang po yan, na puwedeng puwedeng seryosohin.  Di naman kelangan pa hintayin ang birthday dahil ang tagal pa nun!

Tuesday, May 18, 2010

Happy Birthday Kathleen


May 19 is Kathleen's Happy Birthday.  Maski kulot o straight ang buhok, pretty talaga si Kathleen. 

Happy Birthday Kathleen!  Ano ang bday wish mo?

Monday, May 17, 2010

Hospital Updates

1) Nakalabas na ng hospital si Chanel Nicole.  Naiuwi siya sa Santan ngayong hapon, pagkatapos ng 7 araw sa Nursery.

2) Nakalabas na ng hospital si Ditse.  Matapos niyang masalinan ng 3 bags ng dugo.  2 araw din siyang naglagi sa hospital suot ang magarang red dress at bonggang pajama - plus mega-pabango of course.

Happy Birthday Carl





May 18 is Carl's Bday.  Happy Birthday! 

Carl, anong bday wish mo?

Smile

Sinubukan kong kuhanan ng picture ang buwan kagabi, pero hindi carry ng cellphone ko sa dilim.  Ang ganda kasi, parang naka-smile di ba.  Eto ang picture ng quarter moon, tapos kita rin ang ilaw ng Planetang Venus.  Ang galing!

(galing ang picture sa GMA News.Tv)


Saturday, May 15, 2010

Coffee Tambayan

Buong Pilipinas ay tinamaan ng coffee craze.  Talagang nagkalat ang kapehan sa buong Pilipinas.  For example, ang Starbucks ay merong ng halos 200 stores sa buong Pilipinas - mula Bulacan hanggang Cebu. Ang kakagulat dito, pati mga kabataan nahilig mag-kape.  Inibi rin kasi ng Starbucks ang pag-inom ng kape.  Dati bibili ka ng kape tapos iuuuwi mo ang kape at iinumin mo sa bahay.

Ngayon, ang kape ay iniinom ng 2 oras minimum=).  Kase nagiging tambayan na nga ang kapehan.  Minsan nga ang Starbucks nagiging Library sa dami ng nag-aaral, o kaya opisina, sa dami ng nag-lalaptop.

Tumatambay din kayo sa kapehan?  Saan para sa inyo ang OK na kapehan tambayan?

Isa sa mga paborito ko ang Coffe Bean & Tea Leaf sa Greenbelt, Makati.  Kaso 2am pa lang sarado na.  Madalas din ako sa Starbucks sa Shell SLT2 (Northbound).  Magaling ang service dito at ang babait ng mga tao.  Para sa akin, pinaka-efficient na Starbucks ay sa may Makati Stock Exchange Bldg sa Ayala. 

Kayo, saan?
 

Friday, May 14, 2010

Services Industry

Erase, erase.  mali pala ang sinabi ko dati about Services Industry.  Ganito pala iyon: 

Pag sinabing Services Industry - walang na-pro-produce o kinakalakal na mga "goods" o bagay.  Talagang serbisyo ang binabayaran.  So walang mina-manufacture, walang binebentang produkto.

Eto pala ang opisyal na listahan ng mga klase ng trabaho o larangan na mabibilang sa Services Industry:

1) Medical/Healthcare
- Kasama dito mga Nurses, Duktor, PT etc.
- So sa PB, si Kriza ang kasama dito.  Di si Tito Egay, kasi may negosyo siyang nag-su-supply ng produkto

2) Tourism/ Travel/Hospitality

3) Advertising/Marketing

4) IT Services
- Kami naman pala ni Evot ang kasama

5) Entertainment
- Singers, Dancers, Performers

6) Accounting Services/Insurance
- Aba, at si Ate Edith pala ay kasama dito at si Kevin

7) Public Service
- Mga politiko
- Sino kaya magiging unang politico/a  sa PB?

8) Foodservices Company
- Dito lang ata ako tumama

Updates

1.  Baby Updates
Tito Ayo and Tita Siony's baby is still in the hospital.  Andun siya until Monday, exactly 1 week after ng kanyang May 11 birthday.  Ang lahat ng may bday ng May sa PB ay puro 3G  hmmm interesting. 
Ngapala baby's name is Chanel Nicole =)

2.  MM Debut Updates
Hawaiian at parang Luau po ang theme ng debut ni MM.  Isipin po natin ang Hawaiian shirts, grass skirt o hula dress. 

3.  May Birthday
3 ang may Birthday sa May na paparating - Carl on May 18, Kathleen on the 19th and Leoben on the 31st.  Ano kaya ang wishlist nila para sa birthday nila?  Naisip ko na ito last month, kaso alangan simulan ko ng April di ba, medyo kakahiya naman haha.  May wishlists ba kayo?  Malay nyo matupad ng mga taga-PB.  Not necessarily, ngayon, puwedeng sa ibang araw.  POst kayo ha.  Walang masamang mag-wish =).

Wednesday, May 12, 2010

"Customer is Always Right", agree ka ba?

 Siguro tanungin nga natin ang mga merong business at asa 'Services' industry tungkol sa topic na ito.  Sa konteksto ng business o negosyo siyempre.

Ano ang masasabi ninyo dito: Tito Jim, Tita Vangie, Tito Jorge, Tita Helen, Tito Egay,
JayE, Shiela, Karen, Diane at Carlo?

Interesting na malaman.

MARK YOUR CALENDARS

'Kala ko after PB Outing and Palawan wala na ko exciting mai-blo-blog.  Pero araw-araw meron.  Eto pa ang isa.

Please mark your calendars for another special event:

MM's Mega Debut Party

Date : August 22, 2010, Sunday

Time : 7pm-12midnight -pero pwede mas maaga pumunta (mga 5:30) para may time para sa picture taking at pasyal around the garden
Venue : Oasis Garden, San Juan Manila (close to Broadway Centrum)
Theme : Strictly Hawaiian Daw (para lahat naka motiff)

Abangan ang mga updates para sa 18 leis, 18 tiki torches at iba pang 18 etchos etchos!!!
Ingat! Thank you...tetes

New 3G

Pics of Tito Ayo and Tita Siony's baby.  Abangan kung ano ang official name =).

Nakalabas na si Tita Siony galing sa hospital.  Kaso ang baby ay naiwan pa sa ospital, at mag-stay pa run for another 3 days.  Wala namang seryosong problema, kelangan lang talaga ng baby dun para sa konti pang mga proseso.





Tuesday, May 11, 2010

Eleksyon - Kasaysayan

Unang Automated Elections sa Pilipinas...

At for the first time, may ibinoto akong mananalo.  Yes!  Well di pa sure, dahil may pag-asa pang makahabol si Mar.  So let's wait and see.  Nalaman ko rin na marami palang taga-PB ang bumoto ng Binay - medyo kakagulat.  For sure, nakatulong na una siya sa listahan.  Tignan nyo boto ni Acosta for President, mas marami pa kesa sa boto ni Jamby, Perlas at JC combined!

For the first time, wala rin sa Top 12 leading senatorial candidates and naiboto ko.  Grabe naman, dati naman merong 2 or 3, pero iba ngayon.

4 na beses na ko nakakaboto sa Presidential Elections (so 6 x 4 = 24 + 18 = 32 years old na kasi ako).  At ang siste, laging 4th place ang binoboto ko!  What a coincidence kasi 4 is also my favorite number.  So the 4th time, #4 na naman binoto ko.  Sana next time manalo naman ang binoto kong president.

Marinduque - new Travel Destination

Nakatulong ng malaki ng sinabi ng Time Magazine na ang Marinduque ang NEW travel destination in Asia.

Last year, nagtayo kasi ng premium Hotel Resort.  Kinukuwento nga ng ka-officemate ko nagpunta dito, and only had very good reviews.  Kasama ng article sa mga magazines at good reviews all over the internet, Marinduque is bound to challenge Boracay and Palawan in the next years.

Name of the resort is Bella Rocca.  You can visit their website for more info http://www.bellaroccaresorts.com/.  Maybe PB 2012 Outing Destination?


Tito Ayo, Tita Siony & Baby

@ around 3am on Tuesday, May 11, Tita Siony gave birth to a "very cute" (sabi ni Lola Maam) baby girl.  The baby weighed 3.3 kilos or a little over 7pounds.  Mommy and baby are healthy.

Day After the Elections

Noynoy leading is not a total surprise especially after the recent surveys.  What's surprising is his lead.  As of 11am on May 11, Noynoy has 40% of the votes, while second place Erap has 25%.   Another surprise is that Villar only has a little over 10%.  Anong nangyari, parang nagpalit ng isip ang mga tao last minute. 

Sa Santan, nag-survey tayo after the elections at ito ang sinabi nilang binoto nila:
Gibo - 6
Gordon - 2
Villar - 2
Noynoy, Jamby, JC, Perlas - all 0
So for sure, di ganun kasaya ang Santan/Malabon sa results.

Pumunta ko sa COMELEC site, at eto ang resulta sa presinto namin.  CP #70, na kabilang ang Presinto namin na 224.




As of 11am, nag-concede na si Manny Villar.  So dapat papurihan si Manny dahil sa gesture na ito.  For sure mahirap gawin ito para sa kanya, since leading siya dati. 

Ngayong araw, malamang na malaman na ang mananalo.  Hintay lang.

Monday, May 10, 2010

Eleksyon 2010

First time voters sila Kevin, Kriza and Ayka.  Dumaan kami sa Santan kanina after voting at Bagong Lote.  Pare-parehas kami ng kuwento...medyo mahaba ang pila, medyo magulo ng konti.  Ang init din kasi.  Lahat kami kinabahan kung tatanggapin ba ang balota namin.  Sabi ni Par na-reject daw ang kanyang balota nung una, pero tinanggap din naman.

Overall, OK naman sa precinto namin.

Eto nga pala ang picture ng first-time voter na si Ayka.



As of 8:30pm, 20%+ na raw ang nabilang.  Kakaiba ito, dahil mukhang malalaman na natin ang winner ng madaling araw. 

Naglabas ang COMELEC ng website para ma-track ang mga boto.  Sayang wala pa iyong para sa presinto namin sa Malabon.  Pero puwede ninyo tignan.

Tinext ko si Ate kung tapos na rin ba siya, pero baka nga sobrang busy pa siya.  Meron din kasing may problema sa ibang PCOS machines na hindi maka-transmit.  Anyway, maraming salamat kay Tita Ate at sa lahat ng mga teachers na kasama parati sa mga eleksyon.  Sabi nga ng dating COMELEC Chairman Christian Monsod, na kung successful man at malinis ang eleksyon ngayong 2010, dahil ito sa mga BEI o mga teachers at sa field workers ng COMELEC.  Maraming salamat ulit.

Sunday, May 9, 2010

Sino iboboto mo?

para Presidente at Bise-Presidente?  Sige, pasabi na rin kung bakit sila iboboto ninyo.  Pero please, sana wag ng manira ng ibang kandidato o ibang tao ha, Mother's Day pa naman hehe.  Purihin na lang ang sariling kandidato.

Sino po.

Saturday, May 8, 2010

Canada Time Zones Eh

Puwede rin akong Ernie Baron o Kuya Kim.

Hi Popoy,  

May 6 time zones kasi sa Canada (2nd biggest country in the world).  From east to west, eto ay:
Newfoundland Time Zone, Atlantic Time Zone, Eastern Time, Central Time Zone, Mountain Time Zone, and the Pacific Time Zone.

Ang Ontario ay nasa Eastern Time Zone.  Kayo ay nasa "West Ontario", dahil ang laki rin talaga ng Ontario.  Pero sa kabuuan ng Canada, ang buong Ontario ay nasa East.  Pag tinignan mo ang mapa sa ibaba, sana mas maging malinaw ang explanation.

Sana nasagot ang tanong mo.



3G Gimik

It was a very wholesome gimik - Timezone, Movie(Iron Man), Dinner at Sea Food Island, and coffee/tambay at Coffee Bean.  So Trinoma + Libis.

Pero mukhang maraming Hintayan ang nangyari.  They had to wait for Kriza to finish her nursing shift.  Tapos hintayin si Diane from her working shift.  Work/Duty muna bago gimik syempre.













Jejemon

Sobra kong natawa sa Feature ng Philippine Star ngayong araw.  Naku, buti na lang di pa rehistrado si Deniel, for sure di nya iboboto...


Friday, May 7, 2010

Curfew

Baka sobrang suwerte lang, pero hindi ako nagka-curfew sa buong buhay ko.  Iyong tipong "Umuwi ka before 12midnight or 6pm or 10pm".

Siguro nga kasi, at the age of 19 e nagtrabaho na ko sa ibang bansa.  So mga 5 taon akong asa-US(1993-1997), na namumuhay at nagtratrabaho mag-isa.  Alangan namang mag-ka-curfew ako.  Tapos wala namang cellphone nun, ang overseas call ay 2$ per minute, walang email at walang internet.  So di practical na sabihan akong "Umuwi ka before 11pm".  Kasi malamang ang sagot ko, "11pm po saan?  sa West Coast, East Coast, Manila or sa Europe", dahil lagi po akong buma-biyahe.

Di po ako sobrang bait na anak.  Alam nyong mahilig din ako gumimik.  Pero di naman pagsagot at tigas ang ulo ng topic, so we can discuss=).  Maski na nung High School at College, wala akong curfew.  Unang-una, hindi ko kailangan ng curfew.  Umuuwi ako sa oras na sensible at di mag-a-alala magulang ko.  Pangalawa, naaasiwa akong gumimik hanggang umaga, dahil wala naman akong sariling kita.  At di naman kami mayaman, so parang hindi responsible na umagahin ako sa inuman.  Pangatlo,  wala ring pera ang mga pinsan ko nun e hahaha.  So walang manlilibre sa akin, at walang magpa-paalam sa nanay at tatay ko.

Siguro dahil napatunayan ko sa magulang ko na responsable ako from Elementary, High School, College hanggang 25 years old, e lalo naman akong walang curfew pagbalik ko ng Pilipinas galing sa US.  Mga 1998 nun.  So puwede akong gumimik maski hanggang anong oras, NEVER PO AKO NAPAGALITAN.  Isa pa, MANAGER na po kasi ako nun e=).  So parang ang SAGWA namang magka-curfew ang Manager, di po ba.

Obviously, di po ako naniniwala sa curfew =).  Lalo na kung kasama mo mga pinsan mo naman=).  Kaya siguro ako walang anak dahil baka ma-spoil hehe.

Para ma-address ang issue ng curfew, eto ang advise:
1)  Earn the Trust.  Pag nakitang responsable ka, di mo na kelangan magpaalam pa.  Ipapaliwanag mo lang

2) Ipakilala ang mga kaibigan sa magulang.  Ikuwento kung ano ba ang "paint-ball", EB, at iba pa. 

3) Self-Regulate.  Gimik araw-araw hanggang umaga?  Bakit?  Magkano ba kita mo?  Mo ha, hindi ng nanay at tatay mo.

4) Maging manager kaagad =)

5) Magpa-ampon kay Tito Ido  hahaha.  (Spelling test ang audition).

6)  Isama si Tito Ido sa gimik.  Kung kasama nyo si Tito Ido, promise, never kayo mapapagalitan.  Mwahahaha.  Ang haba ng article, dun lang pala babagsak.

Congratulations Carlo

Finally was able to download pics from Carlo's Facebook.  This happened last Friday, malamang naaalala ninyo.

Once again, Congratulations Carlo.  Ang panganay ni Tita Eyan ay graduate na!  Yehey. Congrats too Tita Eyan. 








(di bale ng di naka-smile si Carlo, basta maganda dito si Tita Eyan =)


Congrats ulit! Mababawasan na naman ang pipila. Yehey!

Best Picture

Mga 300 pictures na ang meron ako from the PB 2G Palawan Trip.  Di pa kumpleto ang kay Tita Edith nyan, at wala pa ang kay Tito Egay.  Adik talaga tayo sa pictures!

Aling PB 2G Group Pic ang pinaka-gusto ninyo?  Puwede nating gawing poster o kaya calendar, di ba?  Bumoto ng alin man sa 8 pictures na ito.



01 - @Airport


02 - Outside Airport



03 - Lunch by the Pool

04 - Bagets @ Pandan Island


05 - @ the Hotel

06 - @Hotel Beach

07 - Uwak

08 - @ Underground River

Thursday, May 6, 2010

PB2G - G2Palawan - Final Day

Nakawala sa Hassle.

Ganito kasi.  Nakabalik kami ng hotel nga mga 12noon.  Supposedly, dadalhin kami ng mga vans to a tiangge first for shopping before going to the airport.  The flight was @ 5:30pa kasi.  Kaso di na puwede ang vans, instead ihahatid kami ng hotel shuttle.  Ang pangit dito 3pm pa.  Patay, so ano gagawin namin ng 3 hours di ba.

Merong nag-swimming, merong natulog, merong nagkape, nagbasa ng dyaryo, nag-ayos ng maleta.  Pero talagang BOREED to death na ang mga tao.  Until...

na-decide ni Par na ilibre kami for merienda.  Yehey!  Inupakan namin ang natirang Pistachio for appetizers.  Tapos nag-orderan na kami ng drinks.  Mostly softdrinks para maka-tipid.  Except merong umorder ng Mango-Melon shake, bilang pag-ganti sa ginastos kagabi (di natin sasabihin kung sino), hehe.

We had one of the best tasting pansit ever.  Pansit na may pusit.  Cool.  Many thanks Par!


@3pm, pumunta na kami ng airport.  Very orderly ang check-in, walang ka-hassle-hassle, thanks to Par and Tito Ido.  Yung iba nga nag-shopping na naman, why not?

At sinagot ni Tita Bhogs ang Terminal Fee namin.  Nakalimutan ko na nga na sinagot niya ito during the meeting. So alam nyo yung feeling na dapat magbabayad ka tapos, may manlilibre pala.  Ang saya!  Again, maraming salamat Tita Bhogs!  Nakabili pa tuloy kami ng Dream Catcher necklace =)


the flight was delayed by 15 minutes.  so tambday lang kami sa Waiting Area (ang iitim namin!)



and babay na sa napakagandang Palawan





(last pics of the trip inside the plane - di kami nanalo sa Pinoy Henyo contest)






Katabi ko sa plane pauwi si Tita Edith.  Dami namin napagkuwentuhan =).  A perfect ending to the trip from a personal perspective.

******************
Sobrang daming memories ng trip na ito.  Bukod sa napakagandang lugar at mga activities, ang dami ring memories dahil magkakasama-sama ang PB.  For one, this is the first time na naka-travel ang 2G na magkakasama.  We had to wait 52 years para mangyari ito.  Sa tingin ko, sobrang sulit ng paghihintay.

Pag sinubukan nating ilista kung ano ang paboritong ala-ala ninyo sa trip, malamang lagpas kalahati dun ay di dahil sa lugar, kundi dahil sa kasama.  Napakagandang 3 days, na mahirap talagang makalimutan

Pauwi, nag-u-usap na ng PB 2G Outing 2011.  Sana matuloy.  Hanggang sa muli.






PB2G G2Palawan - Day 3 Undreground River

Day 3 ang pinakamaikling araw ng Tour, kasi nga uuwi na ng Manila kinahapunan.  Pero katulad ng ibang araw, maaga pa rin nagsimula. 

Kasi ang van pick-up ay 6:30am.  At kelangan ng mag-check-out bago umalis.  So 5:30 pa lang breakfast na.

Pagkatapos ng breakfast at check-out, syempre picturean na naman.  Sa harap ng hotel, bilang paalam sa Microtel.






After ng picture-taking, bumiyahe na kami papuntang Underground River.  Very excited ang marami, papunta dito.  Kasi nga di ba listed to in the Modern Wonders of the World - ang kaisa-isang site sa Pilipinas na asa listahan.


The drive to Underground River takes 1.5 hours.  On the way there, merong insidenteng naganap.  Ang almusal kasi namin ay bangus at tocino, kaya gumawa si Tita Yet ng goto.(haha talagang blinog pa)


(walang nakakaligtas sa PB Blog Paparazzi - ayan, sariwa at namumutla pa)

Na-flatan ng gulong ang isang van, so kelangan naming huminto para mag-change tires.  Imbes na malungkot at mainis...siyempre nag-picturean pa kami.  Bilang alay sa pag-tawag ni Ate Yet ng ibon, ang posing namin ay pagpupugay sa - UWAAAK!  UWAAAK UWAAAK.  Mga pasaway talaga.




Mga past 8 ng makarating kami sa daungan ng bangka papuntang Underground River.  Pagkatapos kasi ng 1.5 hours na byahe, meron pang 20 minutes na banca-ride.  6 lang ang maximum sa banca, so nag-split kami into 3 boats.


(pasakay na kami sa banca papuntang UnRiv)



Banca 1 - Mga Batang Uwak

(ampogi ko dito)

Banca 2 - Golden People

Banca 3 - Walang Film

Grabe naman ang boatride papuntang Underground River - iyon pa lang panalo na!  Eto ang nakuha naming 3 sa mga nicest pics:









We can have a full album of only Underground River pictures.  Sobrang ganda nga kasi at kakaibang experience - once in a liftime experience kung baga.

Underground Boat 1 (with the best boatman at UR - Randy, hanapin nyo siya)



Underground Boat 2

(Will create an online album in the blog for Underground River - sobrang daming pics)

Natapos kami from Underground River around 10am. We had lunch kasama ng mga monitor lizards(bayawak).  OK din lunch namin - hipon, gulay, baboy at dessert.   Tapos balik na kami sa hotel