Pinapa-book sana ang De Luxe Suite - eto yung kuwartong may sariling jacuzzi. Kasama kasi namin si Chanel, feeling namin sobra siya mag-enjoy sa jacuzzi - para syang merong sariling swimming pool. Kaso hindi available, so ibinigay sa amin ang Ambassador Suite!
Ang Ambassador Suite kasi ay parang palasyo - paano ang rate niyo ay 800$/night. Na-feature nga daw sa Mel and Joey. So kinuha na rin namin - maski yung room talaga na merong jacuzzi ang gusto namin.
Eto yung parang sala ng hotel room namin. Grabe sa laki.
Eto yung gilid na sala.
Merong sariling bar sa kuwarto
Eto naman ang Bedroom
Astig ang Bedroom - meron pang sala.
Eto ang sala area ng bedroom
Eto yung bath tub area ng banyo. Separate ang toilet, bathtub at shower room. So ang laki din ng Restroom
Ang mga Toiletries ay gawa ng Bulgari =)
High-Tech ang basurahan na ito - may hand sensor, di na kelangan hawakan.
high-tech din ang toilet - may sariling buhay
eto ang top view ng sala area
eto ang view galing sa kuwarto
Eto ang pinamalaking hotel room na nastayan namin. Mas malaki pa kesa sa Venetian sa Macau. Next time - kuwento namin ang di kaaya-ayang experience sa pagre-reserve ng kuwarto.
11 comments:
Wow, nice ang laki ng room!!
wow ang ate ! ang ganda ng mga pics ! next time ako naman ido YAYO ni chanel ? ha ha ha
USD800!!! parang 35k pesosessss yun ah (at 43:a USD). Mahirap bawiin ke RW yun. Tipong maghapong bacarat!...ha ha ha
talaga tito Egay - eto ay once in a lifetime hotel room experience. Kung mauulit man itong Ambassador na ito e sobrang tagal pa siguro.
TALAGA!!!! wow na wow talaga yan. It's really once in a lifetime experience sa hotel. marami na rin akong hotel experience but one is really the most.
Jim marami ka pang dapat IYAYO para marami kang marating na hotel. Mula kay karen hanggang kay chanel. marami na akong hotel experience.
Tito Ido, nakakainggit naman yang mga pics! ang sarap mg stay dyan sa mala palasyong room :) pwde po ba wla RW card mama? pwde kaya kmi dun check in?
To ido, alin po sa mga rooms ang may jacuzzi. ung 1st reservtion mo?
wow...sana paguwi namin sa december dyan sa pinas eh makapagcheck in kami sa ganyan kaganda na room...
kailangan maupgrade na yung RW card ko...hehehe
Hi Mae, Iyong Maxims DeLuxe ang may jacuzzi. Ang problema, kapag weekend laging fully booked ang mga yan (konti lang kasi yan mga 7 lang).
So kaya ganun nangyari sa amin. So gusto mo nung jacuzzi - best ang weekday.
Tito Egay, kapag points ang ginamit, meron kang discount. Depende sa status ng card mo pero at least 20%, so halos wala ng tax at serv chg.
Ang sarap pala talaga sa maxims, kaya naman pala 6 star siya. Lahat ng gamit hi-tech.
Post a Comment