Dumadami na ang mga pag-aaral kung paano susuriin ang pag-iisip ng bawat henerasyon. Iba-iba talaga. Mararamdaman ito lalo na sa trabaho. Ang mga pinaka-boss ay 1G at ibang 2G, pero karamihan sa mga empleyado ay 3G. Meron na ring mga magiging managers at bossing na mga 3G - so mababago na talaga ang landscape ng leadership sa mga kumpanya
Ang pinaka-tanyag na topic: Rewards and Recognition. Sobrang iba talaga ng pananaw ang bawat henerasyon sa konsepto ng "Premyo" at "Papuri".
Mag-experimento muna tayo, tapos balikan natin ang pag-aaral:
Kung may raffle, paano mo gusto -distribute ang premyo?
Merong 20 Tao at ang total na ipamimigay na premyo ay 1,000P. Aling klaseng Raffle ang gusto mo
OPTION 1 - Konti ang premyo pero lahat panalo
Grand winner ka na, 100 pesos lang ang premyo mo. Pero lahat naman may mauuwing premyo
3 na First Prize - 100 pesos each
4 na Second Prize - 75 pesos each
4 na Third Prize - 50 pesos each
10 na Consolation Prizes - 20 pesos
OPTION 2 - Malaki ang premyo di lahat panalo
500 pesos ang Grand prize - nice! Kaso 7 lang ang may premyo. 13 ang uuwing talunan.
1st Prize - 500 pesos
2nd Prize - 200 pesos
3rd Prize - 100 pesos
4 na Consolation prize - 50 Pesos
Aling option ang pipiliin mo?
3 comments:
pipiliin ko yung option 2 kung ang premyo sa Option 1 ay maliit lang. pero kung ang consolation prize sa option 1 is around 500-1K each eh option 1 ang pipiliin ko.
sa example eh Option 2 ang pipiliin ko.
para sa akin ang pipiliin ko ay ang option 1 para everybody happy!
I'll choose option 2 para challenging. Maganda kasi na napagiisip ang PB.
Post a Comment