Tuesday, April 13, 2010

SALN

Nagagalit si Erap sa GMA dahil nilabas ng network ang Statement of Aseets, Liabilities and Net Worth sa Votebook, isang segment sa 24 Oras.  Sabi ni Erap, kung kelan siya naging no.3 saka pa ilalabas ito ng GMA.

Hmmm.  E required naman ang lahat ng kandidato para presidente na mag-submit nito.  So mahirap ma-gets ang pinaghihimutok ni Erap.  Ang Philippine Center for Investigative Journalism ay naglabas kamakailan ng analysis report tungkol dito.  Hango itong post sa report na iyon, at para lang sa Top 6 candidates:

1) Manny Villar - P1.05 Billion
2) Gibo Teodoro - P232.4 Million
3) Jamby Madrigal - 148.9 Million
4) Erap Estrada - P35.86 Million (nung 1999, kasi nga na-depose siya di ba)
5) Richard Gordon - P25.52 Million
6) Noynoy Aquino - P13.94 Million

- Si Villar ang pinakamayaman obviously. 
- Nung 1992, bilang Congressman ang net worth niya ay 75.4 Million
- Nung Senador siya nung 2002 naging 481.5 Million
- Ang comment ng PCIJ, masyadong generic ang mga declarations niya, di niya kasi nilagay ang mga detalye ng mga kumpanya at ng mga negosyo niya.  So posibleng mas mayaman pa siya.

- Bilang congressman, ang networth ni Gibo nung 1998 ay P80.17 Million
- Meron siyang 3 properties, sa Makati at sa Manila
- Ang halaga ng mga sasakyan niya ay 19.55 Million Pesos.  Ang alahas naman ay may halaga na P11.9M

- Bilang congressman nung 1998 ang networth ni Noynoy ay 8.7 Million Pesos
- Ang alahas niya ay may halaga ng 300,000 at ang sasakyan naman niya ay P3.95 Million, kabilang na ang isang BMW 650i coupe

- Luma nga ang sinubmit ni Erap, dahil nga na-depose siya nung 2001
- Bilang mayor ng San Juan nung 1985 ang networth niya ay 1.18 Million
- Nireport ng PCIJ, na iyong mga properties na kinikuwestyon ng impeachment trial ay aabot ng 2B Pesos

- Nung nagsimula sa politika, ang networth ni Gordon ay 8.3 Million nung 1992
- Nag-deklara siya ng 550,000 worth ng mga appliances, 1.32 Million worth na sasakyan, at 1.36 Million na Cash (wow, ang honest naman nito)

- Si Jamby ang pangalawang pinakamayamang senador. 
- Nung 2004 bilang bagong senador, ang networth niya ay 118Million

1 comment:

SUPER MEGA ANTI-VILLAR said...

Kung may at least 1 Billion pesos ka, andami dami dami mong pwedeng matulungan, kahit hindi ka Presidente. Yun ay kung ang objective mo talaga ay tumulong. Kung nasa real estate ka, pwede kang magpagawa ng bahay para sa mahihirap. And kung tumutulong ka talaga actively sa mga mahihirap, imposibleng maging bilyonaryo ka, HABANG NAPAKADAMING PILIPINONG NAMAMATAY SA GUTOM.

I wonder anong ginagawa ni Manny Villar sa pera nya, aside from gamitin sa kampanya.

Nakakalungkot na kelangan pang lustayin sa pangangampanya -- sa madaming madaming posters at TV ads ang pera nya, kung ininvest nya sa housing, health, or job creation, andami dami nyang natulungan.