Wednesday, April 28, 2010

Trip to Palawan

2 Tulog na lang, Palawan na.  Eto ang mga dapat tandaan.  At kung kayo ay mag-sho-shopping at mag-gro-grocery pa, pakisama sa inyong shopping list.

PINAKA-IMPORTANTE
1)  Government Issued ID (Driver's License, Passport, SSS etc.)
2)  E-Ticket.  Meron na kaming naka-print na mga e-tickets para sa lahat.  Pero para kayo makapasok sa gate, kelangan nyo pakita sa guwardiya.
3)  Dumating ng 6:15am sa NAIA3.  Pumunta sa Departure Area.  Dun na po tayo magkita-kita sa labas.   Papasok na tayo sabay-sabay ng 6:15am.

IMPORTANTE
- Ang 2 PB 2G Summer Outing T-Shirts + 1 PB Shirt (kung meron pa kayo, kung wala ok lang)
- Sunblock o Sunscreen.
- Off Lotion or insect repellant.  Nakapunta ka nga ng Palawan na-dengue ka naman.
- Shades, cap, light clothing dahil sa sobrang init
- Pera, pambayad ng dinner on Day 2, dahil wala pang sumasagot.
- Pera, pambili ng pasulobong.  Kasoy ang sikat sa Palawan.
- Or... Please mag-volunteer na pa kayong sumagot ng Day2 Dinner =).  Thanks.
- Cards.

BAHALA KA - Di Kelangan Magdala pero Bahala na kayo
- Tuwalya.  Kasi meron naman sa hotel.  Pero kung gusto nyo OK lang din
- Sabon, Shampoo.  Meron din sa hotel.  Pero kung may favorite kayong sabon, shampoo, pls bring.
- Poker Chips.  Ambigat kasi.

Tandaan:  Ang Palawan po ay Pilipinas pa rin =).  So meron din po dung mga banks at groceries.  Di po kelangan dalin ang bahay para sa ating 3-day outing.

Happy  Packing!

2 comments:

evot said...

need talaga ng Off Lotion or insect repellant kasi sa underground river eh dami lamot...
ingat sa mga gamit while waiting sa turn nyo sumakay ng bangka papasok sa underground river kasi madaming magnanakaw na monkey dun.

at cyempre, wag kalimutan ang pasalubong para sa 3G...enjoy sa palawan!

masarap din pala kumain sa balinsasayaw.sarap dun ung bird nest soup.

matt m. said...

2 tulog ba kamo? ...eh parang 1 tulog na lang bilang ko eh!....