Monday, June 20, 2011

Dear Kriza

Dear Kriza,

Was nice talking to you yesterday.  Naramdaman ko talaga na sobrang ayaw mo na sa work mo.  So in the end,  I am OK na rin with your decision.  Eto na lang ang sana ma-consider mo.  3 bagay lang naman.

1) Work for 6 months
Alam natin parehas na ang work less than 6 months, e hindi naman na-co-consider as experience. Walang na-cre-credit na experience sa trabahong 3 months lang.  At minsan nakakasira pa sa aplikante ang pagtratrabaho ng sobrang ikling panahon.

2)  Marami talagang trabaho
Well, kung konti kasi ang trabaho e malamang natanggal ka na diyan di ba.   Sa kumpanya namin, kila Tita Edith, maski sa Negosyo grabe talaga ooover at exag sa dami ng trabaho.  Pero maski gaano karami ang trabaho, puwede pa rin ma-manage.  Mag-delegate, mag-escalate, humingi ng tulong.  Huwag akuin lahat.

3) Solve the Problema Before You Leave
Kung maisipan mag-resign o hindi, makakatulong sa iyo to Solve the Problem.  Maganda ang feeling na umalis ka sa trabaho na naayos mo ang problema.  Pag nag-a-apply ka sa trabaho, mas magiging confident ka at may feeling na kaya mong harapin mga problema maski mabibigat.

Saka tingin ko di dapat mag-resign pag masama ang loob.  Gawa ka ng paraan para bumuti ang sitwasyon, tapos pag feeling mo e gusto mo pa rin umalis, yun ang timing na aalis na.

So yun lang naman.  Naintindihan ko ang stress at hirap mo ngayon, lalo na ang unhappiness.  Lahat tayo dumaan diyan.

Kung anupaman, whatever you decide.  I will definitely support you and your decision. 

Tito Ido.

4 comments:

Evot said...

take as challenge to yourself na lang yung mga problems mo ngayon sa work at learn from it para next time maexperience mo yung problem na yun eh kayang kaya mo na...lahat ng nagwowork eh tingin ko pinagdadaanan yan ganyan...
at wag mo na lang isipin na nahihirapan at ienjoy mo na lang work mo kahit hindi kaenjoy enjoy at sa bandang huli eh hindi mo mapapansin eh nageenjoy ka na sa work mo...
at ang problema eh hindi pinoproblema kasi problema na yan...hehehe...ienjoy mo na lang yung problema para hindi pumuti agad buhok mo...
And try to take your vacation leave...nakakatulong ang makawala ng stress ang pagvacation paminsan minsan...

che said...

Sa experience ko, tempting talaga umalis sa work / or in any new environment within the next 6 months. Same with being in any new country.

Kasi kailangan mag adjust, parang wala kang kaibigan masyado, parang di ka welcome, parang sobra mong kailangan magprove ng sarili, etc etc. But after 1 year, nagiging medyo senior ka na at may mga bago na na pinapagtrip-an. Mas sanay ka na sa culture / work culture at masaya na at relaxed. Mas kinakausap ka na rin ng Boss at mga senior na parang friend...hehe at saka unti-unti na nilang nakikita ang value mo sa organization/company...nagkakaroon ka na rin ng mga utusan para mapadali ang trabaho mo...

Feeling ko pag palipat lipat ka, baka hindi mo ma eexperience ang maging senior and the perks that go with it...

che said...

Hi Kriza,

pasensya na sa mga nangengealam at nagcocomment dito ha...haha...nag shshare lang ng experience... at the end of the day, the decision is yours, and what makes you happy (whether short or long term) is most important!

Tita Che

kriza said...

@tito ido, tita che@ & kuya evot: Thank you for the advice & experiences you shared with me, I appreciate it a lot. Currently I decided to stay with the company where I'm employed, I apt for the challenges but if ever for the 2nd I couldn't make it due to stress, etc. maybe that's the time I would file my final & formal resignation to them. Presently I'm still doing my work & try to enjoy it, rather thinking it as a work. I know & as you have said this part of employed life, maybe I’m just adjusting to it. I’m just hoping & praying that I could do it & be proud of myself, Maraming Salamat po ulit & see you po sooooon. Take care, God bless po…