Buong linggo last week, kasama ko ang Americanong cliente na binebentahan namin ng trabaho. Gusto raw niyang magdala ng 1,000 trabaho sa loob ng 4 na taon. Pag ganyan ang usapan, maski saan mo ko gustong papuntahin sasamahan ko siya! Kaya nga 2 araw sa Manila at 2 araw sa Cebu, sinamahan ko siya.
Pag kasama mo ang cliente, natural para na rin kayong nag-food trip. Dahil boring naman kung trabaho i-blo-blog natin, e di yung mga kinainan na lang namin =).
1) Red @ Shangri-la Makati
Dapat lang na pinakamasarap ang steak dito sa buong Pilipinas. Paano naman ang presyo ng steak dito ay 3,500 pesos. Exag! Pero grabe talaga - tender na juicy pa, teka parang hotdog na ito. Must-try din ang Soup Flambe nila - ang sopas na nag-aapoy. Kakaiba. Syempre di ako magbabayad, at siya order ng order so ako na rin.
2) Crisostomo @ Libis
OK sana ang pagkain dito. Kasi madalas kami rito sa Resorts World at sa Nuvali papuntang Tagaytay. Kaso, ang salad na inorder namin merong uod. Sobrang kadiri! At nangyari pa ito kasama ang cliente ko. Anak ng jueteng lord talaga. Pasalamat sila at may cliente ako - kung hindi nagjuramentado ako dun. So obviously, this restaurant is blacklisted - teka malagay nga sa Facebook. Promise, magsara na sila. Ang sama nilang tumiming. Kung kasama ko lang sila Ayo - OK siguro. May cliente pa ko.
3) People's Palace @ Greenbelt
Kung gusto nyo ng spicy soup - dito ang the best. Yung Tom Yung Gung nila ay napakasarap at may sipa ng anghang. YumYum, patok din ang pomelo salad at ang spiral shrimp. Kaso mahal siyempre, mga 1,200 per person
4) Coral @ Imperial Palace sa Cebu
Ito daw ang unang 7-star restaurant sa Pilipinas. Sumakay pa kami ng Golf Cart papuntang restaurant - sosyal. Ang Coral Restaurant ay nasa tabing dagat - so umorder kami ng scallops, lobsters, squid at prawns. Ang presyo ay 2,200 per person (walang drinks), so dapat lang na sobrang sarap
5) Thai Place @ Ayala Center in Cebu
OK lang ang food. Nothing spectacular. Pero ang lemonade nila - the best! At mura pa. Isang pitsel ay 220 pesos, puwedeng 8 baso. Actually dahil sa dami kong nainom na lemonade, nabusog na ko - baka kaya di ko na rin nagustuhan ang pagkain.
6) Hukad @ Ayala Center in Cebu
Para itong Gerry's Grill, pero better. Umorder kami ng mga food na special sa Cebu syempre. OK din ang cliente namin - medyo adventurous sa pagkain. Pinakain namin ng kuhol, dinuguan, danggit, crablets -carry nyang lahat. OK din siya sa balot. Pero di namin siya pinakain ng sisig at pinapaitan - kasi di rin ako kumakain nun heheh - baka pilitin siya, nakakahiya naman. Dahil di talaga ako kakain nun hahaha.
3 comments:
nakakain na din ako dun sa Thai Place at Hukad... masarap nga food dun... dapat dinala mo yung cliente mo sa larsian BBQ para talagang authentic pinoy bbq at para mangamoy usok cya...hehehe
Larsian? Dun ba yong sutokil?
iba pa yung sutokil...yung larsian, parang isang malaking place cya at yung gilid eh puro BBQhan at yung kainan eh sa gitna... lahat ng klaseng pwedeng i-BBQ eh nandun ata...
Post a Comment