Araw ng Kalayaan naman sa Sunday ....so... ano ang Paborito Ninyong Ugaling Pinoy?
...ako etong mga ito (positive lang ha, saka na ang mga negative)
1) MASAYAHIN
Saksakan ng dami ng problema pero nakangiti pa rin. Asa Pilipinas na kapos sa pera, o asa ibang bansa na kinakabahan na di makapagpadala, masayahin pa rin.
Kaya nga may kasabihan tayo na "Problema na nga prinoproblema mo pa". O sabi nga ng isang kanta "Tawanan mo ang iyong problema".
Sa airport, madaling malaman ang mga Pinoy maski di mo marinig. Sila iyong tawanan ng tawanan, hagikgikan ng hagik-gikan maski delayed ang flight habang ang ibang lahi ay problematic.
2) MAGALING MAKISAMA
Hospitable to the max. Loyal na kaibigan. Madaling hingan ng tulong. Maaasahan. At higit sa lahat - madaling yayain (lalo na kung libre). Sobrang daming kakilala sobrang daming kaibigan.
Ayan dalawa lang muna, bigay rin kayo ha.
8 comments:
mag sugal ! kahit ano klaseng bagay pinagsusugalan ! ayon talo na naman ako sa dallas , he he he
Madasalin d ba? Lahat dinadasal sa Diyos pati manalo sa lotto, sugal etcetera...magkaanak, manalo sa contest gumaling sa sakit...magpaalis ng presidente he he he (si noynoy malapit na)
Malinis..
Naliligo sa umaga, naliligo sa gabi.
Naliligo sa ulan, naliligo sa baha.. hehe
Mahusay maka adopt sa pamumuhay sa ibat-ibang lugar o bansa! At mapapansin mo pa sa mga Pinoy pag nasa ibang bansa sila ay napaka- disiplinado nila pero pag-uwi naman nila ay parang napakahirap nilang pasunurin kahit sa mga simpleng batas trapiko lang! he he he...hindi ako yon!
haha. agree with Tito Boyet
magalang...sobra....mga pinoy mahilig sa po, ho, Sir, Mam, Boss, madam... kahit pilitin ka na first name basis, Sir/mam pa rin....at tayo lang yata ang yumuyuko pa pag dumadaan with matching praying hands pa haha.
mga pinoy mahilig at madalas kumain at tumambay... pag nasa conference kami or sa university, mga pinoy usually yung nagkekwentuhan atg kumakain sa isang sulok (at matagal kumain, maingay, nagtatawanan lagi). sabi nila andalas daw kumain ng mga pinoy (kasi nga may merienda diba)...
Hospitable - kahit d makakain basta yung dumating na bisita eh mabusog...
Ok lang magbakasyon sa bahay ang kamaganak, kaibigan kahit ilang araw!
Inaasist yung mga foreigners ke puti, itim, singkit kahit mababantot!!!
diplomatic. yung hahanap ng paraan para di makasakit ng kapwa
Post a Comment