Wow! 18,100 na ang hits ng PB Blog (clap clap). Maraming salamat sa laging pagbisita.
Interestingly, halos 300 ang hits ng past 2 weeks dahil sa (tadaaaaan)...Banal na Iglesia ng Bathalang Buhay. Bloggers from all over the world are interested about the group. Bakit nga hindi? Very interesting ang kanilang paniniwala. Ang malungkot, sobrang konti ang nakasulat tungkol sa grupo.
Naaalala kong na-feature sila maka-ilang beses sa mga documentary programs tulad ng Probe team. Ang naalala ko, naniniwala talaga sila na si Jose Rizal ang Son of God. Pero ang siste, at sa mga pag-aaral, si Rizal ay isang Mason, tulad ng guro nyang si Piy Margal. Maalala na ang mga Mason ay naniniwala sa mga sumusunod:
1) kalayaang maghanap ng 'knowledge'
2) seperation of Church and State
3) walang pagpigil sa kakayanan ng isang taong maging mahusay
4) walang diskriminasyon
5) hindi pagtangkilik sa relihiyon
Hmmm. Kaya nga lalong mas nagiging intriguing. Pero sabagay puwede naman siyang maging Anak ng Diyos, maski walang relihiyon. Ayaw kasi ni Rizal nun e.
Nung, 1980's may nagsulong sa Sainthood ni Jose Rizal. Hmmm. Obviously hindi nangyari ito, at hindi siguro mangyayari sa Catholic Church. Kaya rin siguro nagtatag ng Iglesia ng Bathalang Buhay, para papurihan si Rizal sa kanyang "Kabanalan", maski taliwas sa utos ng simbahan.
Sana talaga ininterview ko sila nung nakasabay namin sa SLEX, tutal traffic namin. Tapusin muna natin ito sa mga quotes from Jose Rizal. (para di natin makalimutan).
"There are no tyrants where there are no slaves."-- José Rizal, El Filibusterismo (translated by Charles Derbyshire as The Reign of Greed)
"Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.")
"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan"
"To foretell the destiny of a nation, it is necessary to open the book that tells of her past."-- José Rizal, quote inscribed in Fort Santiago
"While a people preserves its language; it preserves the marks of liberty."
"Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda."
And my favorite:
"It is a useless life that is not consecrated to a great ideal. It is like a stone wasted on the field without becoming a part of any edifice."
2 comments:
Is "Iglesia ng Bathalang Buhay" considered a religion?
So pano ba nagiging "relihiyon" ang isang paniniwala?
Sana "Iglesia ng Bathalang Buhay" part 2 ang ginawa mong title ng blog for sure dudumugin ulit ito ng visitors he he..
Che hindi sila considered religion kulto lang sila
Post a Comment