May umuwi kaming kaibigan galing London kaya nag-dinner kami ng mga barkada. This time kumain sa La Regalade. French restaurant ito along Arnaiz Ave or Pasay Road. We had Steak Tartare (ito iyong Beef na binabad lang sa suka at di niluto), Braised Duck Leg (sarap!) at Ratatouille (maganda lang sabihin at pakinggan, pero gulay lang ito na slowly stewed with tomato sauce). Pag nagawi sa Makati, highly-recommended. Sobrang sarap, iyon nga lang may kamahalan, lalo na kung mag-wi-wine kayo.
Isa sa mga topic namin kanina ay ang Paskong PB. At pina-explain nila sa akin ang concept ng pilahan. Tinatanong nila ko kung standard lang ba ang papila ko sa lahat, meaning pare-parehas lang lahat. Sabi ko hindi. Depende. Depende saan? Depende sa mood ko at depende sa mood ng pumipila. Natawa sila. E hindi ko raw ba plinaplano kung magkano ang ibibigay ko. Syempre pinaplano. Pero syempre rin puwedeng magbago. Minsan kasi pagod na o kaya tamad na.
Kinuwento ko rin na minsan, depende sa sayaw, depende sa ngiti, depende sa disposisyon ng pumipila. Ewan, mahirap i-explain.
Di ko rin sure kung paano nagpapapila ang mga taga-PB. Pero hula ko, marami ang naka-plano na ang exactong halaga sa bawat bata. Iyong iba, iniiba ang papila sa mga malalaki, minsan nga iba pa sa grade school, high-school at college. at iyong iba naman tinataasan pag inaanak. Pero again walang formula.
Nakahanda na ba kayo sa pilahan?
1 comment:
may kilala ko hindi lang depende sa mood kung magpapila...
may favoritism kaya!
Post a Comment