Ako favorite ko talaga magbasa. Dati, I read 2 books every week. Ngayon sobrang busy, konti na ang nababasa kong books, pero i make sure I read 3 books every month.
Actually si Tita Che-Che siguro sa PB ang record-breaker. She reads 1 book every 2 days. Astig. Alam ko si Meg and Ia, are also avid book lovers. Not sure about Gab and Miguel.
Si Tita Che-Che ang mga books nya e yung sobrang seryoso, tungkol sa world economics, politics, urbanization at kung anu-ano pa. Yan naman ang kaibahan namin. Ako talagang lahat, maski na ano, maski na alin binabasa natin yan.
Ang aking past 3 books na nabasa for December ay:
1) First 100 Days
- niregalo ng Harvard Business sa akin. Dahil nga na-promote ako. Magandang libro.
2) The World's Best Sauces
- korek. Eto iyong parang recipe book para sa mga pinakamasasarap na sauces sa buong mundo. Sauces for salad, for steak for fish para sa lahat. Astig kasi libro dahil nakasabi kung bakit ginagawa ito sa bawat bansa
3) Pugad Baboy XXI
- para sa mga di nakakaalam fans ako ng Pugad Baboy. Kaso sorry sa nakabunot sa akin, kumpleto ako ng koleksyon ng Pugad Baboy. At pag may bagong labas, tinetext ako ng Powerbooks hehe.
***************************
Pero para sa nakabunot sa akin, wala nga palang books na between 200-300 pesos. Asa pa. Yung wish list ko namang yan ay para kay Tita Che-Che. Alam mo na, yung Lotion para kay Tita Tetes, yung mahal na books para kay Tita Che-Che. OK ba sa style?
Pero ang gusto ko talagang books na wala pa ako (ang kulit talaga):
- Age of Wonder by Richard Holmes
- The Evolution of God by Robert Wright
- Lit: A Memoir by Mary Karr.
Kung hindi books or money clip, sobrang hilig ko rin sa geography. So ok din sa akin ang anything na may kinalaman sa globo, mapa at kung anu-ano pa. Mapa ng Pilipinas (iyong malaking-malaki ha - hahaha) is very good for me.
Thanks!
4 comments:
Hoy kuya, hindi pa ito yung books ni binilin mo sakin nung nasa Macau tayo! Ibig sabihin bagong listahan pa ito-haha! Nabili ko na yun at may extra pa. Daming new books na interesting!
Pero matutuwa ka dun sa extra na nabili ko for sure..hehe
yehey!!!! i am so excited.
thanks che!
tito ido, kung mahilig ka sa books, meron ka na bang booklight?
meron na kong booklight. thanks!
Post a Comment