Sunday, December 6, 2009

Paskong PB na Walang pics

Meron na ata tayong lagpas 5,000 na digitized pics ng Paskong PB.  Pero, meron tayong 2 taon na wala ni isang picture.

Sana meron po kayong pictures ng:
1999 - Enchanted Christmas at
1996 - PB Sitcom Christmas.

Nung 1999, pambihira ang theme ng Pasko.  Si Tito Jorge kasi ang President.  Bale perya, and enchanted kingdom-in-one ang theme.  Unfortunately, wala rin ako masyadong maalala bukod dun, kasi po meron akong bulutong nung araw na iyon.  Sa dinadami naman ng araw na puwedeng magka-sakit Dec 25, 1999 pa.  So Pasko and New Year po akong nakahiga lang sa kama.  Meron po ba kayong kuwento at pictures?

Nung 1996 naman ang PB Sitcom.  Si Tita Che-Che ang presidente nun.  Masaya din ang Paskong PB nun.  Naalala ko si Tito Boyet as Don Robert at si Tito Egay ay si Brownie from Ober Da Bakod.  Si Tetes ang tinanghal na Best Supporting Actress bilang Tita Minerva, para sa Palibhasa Lalaki.  Pero ang grandslam winner nun ay ang Oki Doki Doc:  Best Sitcom, Best Actress para kay Tita Edith bilang Carmina, Best Actor para kay JayE bilang Babalu, at Best Supporting Actor for Par bilang Pulis (Ben Tisoy).  Iyon na nga walang picture.

Kung may natago kayong pic padala na lang please.  O ipadala sa jdarwinrs.  Bale yahoo account.  Thanks!

1 comment:

yet said...

Tama para kay Tita Tetes din kasi nung una, ang wish ko ay unan pero napansin ko parang interested si tetes kaya sinama ko na pati bag...just in case. panigurado lang.