In 13 days, the first decade of the 21st Century will end. Maraming nagsasabi na isa ito sa pinakapangit na decade in the past 200 years. Marami kasing hindi magandang nangyari - from massive earthquakes, devastating tsunamis, volcanic eruption (na Mayon naman ata), Typhoon Ondoy, and of course the Economic crisis.
Bago tayo pumunta sa mga nangyari sa decade na ito. Parang meron atang mali sa pagsabi na End of the Decade na nga ito. Hindi ba dapat ang decade na ito ay from Jan 1, 2001 until Dec 31, 2010? Kasi pag nagbibilang tayo e 1, 2, 3, 4, 5...9. Hindi naman tayo nagbibilang ng 0, 1, 2, 3. Anyway, technicalities na lang.
Kinakabahan ako para sa next decade. Di ko masabi kung magiging mas OK ito sa 2001-2009. Ang tanong, meron ba tayong ginawa para mas OK ang next decade. Nakakakaba ang impact ng global warming next decade. Napapansin nyo bang mas lumalakas ang mga bagyo, di lang sa Pilipinas pati sa buong mundo. Ang isang lugar namamamatay ang mga tao sa ginaw, sa isang lugar namamatay ang tao sa sobrang init.
Pero, think positive syempre. Ako, very optimistic that the next decade will be a lot better for the World and para sa mga Pilipino. Maraming magagandang nangyari sa akin sa decade na ito, sobrang gaganda. Pero over-all, masasabi ko lang na masaya ako at matapos na ang dekadang ito.
No comments:
Post a Comment