Thursday, December 3, 2009

Paskong PB - Memory Lane Part 1

OK talagang tumingin ng mga old pics ng Paskong PB.  Tignan natin ang mga pics ng 2006 Pamilya Banal Filmfest.  Three years ago lang yun, pero tignan nyo ang mga itsura natin.  Iyong mga teens, mukhang mga neneng-nene at totoy-na-totoy pa.  Tito Ayo was sporting a shoulder-length do, Tita Helen had really short hair, ang liit-liit pa ni Denniel nun, parang sobrang tangkad talaga ni Ia.

Nung 2006, si Tita Ate was president, and Tita Edith, Tito One and Tita Helen were the officers.  So syempre very well-organized na bongga pa. 

After lunch, merong mga group at individual games.  Merong baril-barilan, card games at marami pang iba.  Syempre the main event was the FilmFest Awards night.  Pinalabas for the first time ang 3 na kalahok na pelikula.  Ang buong PB ay sputing na sputing sa pagdalo sa gabi ng parangal.  Lahat talaga bonggacious ang damit, except kay Sr. Vicky syempre, alangan naman di ba.

The big winner was Shake, Rattle and Roll which took the awards for Best Picture, Best Director for Tito Egay, Best Actor for Kevin, Best Actress for Ia, and Best Supporting Actor for Carlo.  Si Camae naman ang Best Supporting Actress at si Gab ang Best Child Performer. 

Si Tito Ido naman ang Star of the Night at si Tita Edith ang Female Star of the Night.  Actually, wala namang ganyang awards, tinetest ko lang kung naaalala nyo talaga hehe.  Pero kung meron, malamang nanalo talaga kami ni Tita Edith.  Ako kaya ang host nun, at si Tita Edith ay maraming pera.  hahaha.

Ang Paskong PB 2006 ay hindi talaga makakalimutan.  Maalala mo nga kung anong kulay ng suot ng team ninyo, at kung sino ang kasama nyo sa pelikula.

Ano ang memories ninyo ng 2006 Pamilya Banal Filmfest?


 

No comments: