1. GOLDEN COSTUMES
Akala ko talaga 4 o 5 lang ang mag-co-costumes, dahil medyo kakalito ang announcement kung kelan ba magsusuot nito. Pero really nice. Yung mga nag-costumes talagang cinareer. Not sure kung sino ang 3rd, 4th and 5th placers, pero malamang si Ms. Imelda ay isa dun. O baka naman si Tita Ate, Tita Yet, or Tita Edith. Favorite ko rin ang costumes ni Meg and Pia, talagang 'out of the box'.
Well-deserved victories for Unyoy and Tita Helen. Galing ng costumes and performance. Ang frustration lang ay, bakit? bakit? bakit? Paano mananalo ang Mrs. Egyptian, samantalang nilaglag si Mr. Egyptian??? This is a conspiracy, a robbery. Recount! hahaha.
2. A FOR EFFORT
As predicted, PB will always step-up maski ano ang ipagawa. So maski na ilang beses na tayong mag-cheering competition, mag-Pinoy Henyo, at magpagalingan career na career pa rin.
Very interesting cheers ang nakita ng PB this time.
Team Imelda - pinamalas nila kung paano mag-cheer ang mga welgista. Iyong parang nag-ne-negotiate ng CBA sa mga factories. Kakaiba talaga.
Team Pakyaw - sobrang galing ng entrance. sobrang galing ng exit. Iyon lang. hahaha
Sparkling Team - dapat talaga ito ang nanalong cheering ...nung Christmas party 1980!
Team Egyptian -
3. FOOD
Nice Nice menu - lunch and dinner. Puwedeng ipa-spelling contest ang mga dishes - CORDON BLEU ang tamang spelling kasi nga French dish. Very solid and complete line-up - may chicken, may beef, may pork, may veggies, may dessert at meron pang on-the-spot na fish. Pang golden party talaga.
4. THE KIDS STOLE THE SHOW
We know how Gab, Miguel and Joshua's dance performances were most applauded. Not because they performed, but they performed really well. Todo bigay sa pag-JUMP AROUND, sa pagpapakita ng BABY GOT BACK at sa pagsasayaw ng laseng with TUB THUMPING.
and here is the QUARTET to watch out for. Di na kailangan pang pilitin, aba sila na ang nag-volunteer magsayaw. At one point nga umiiyak si Pia, pero humahataw pa rin ng Nobody Nobody.
Here you go: the future Ms. Philippines Ashlie and the English-speaking trio of Kacey, Pia and Tehya.
5. WISH KO LANG
Tito Jorge and Tita Helen had a very unique pilahan by granting everyone's wishes. A very thoughtful gesture indeed. I can't talk about other people's wishes, pero my wish was granted - to a T! I received a very nice book published by Newsweek magazine - about the Airline Industry. And of course, my projects are in the airline industry. Saktong sakto. I also heard about other people saying sobrang love nila ang gift nila. Thanks Tito Jorge and Tita Helen, and may your business continue to prosper - para mas marami pa kayong wishes to be granted.
Generous = Tita Edith. So many many thanks again for the gesture of generosity. Ako'y na-shock sa natanggap kong papila. Actually yung iba hindi na na-surprise. Kung merong analogy, siguro si Tita Edith ay parang Seiko: Seiko Wallet dahil siya ay masuwerte at nagbibigay ng suwerte. Para rin siyang Seiko films - if it's from Tita Edith it must be good at marami. hahaha. Many thanks Tita Edith.
6. DANCING WITH THE SISTER
Here is a challenge for you: Sa buong mundo, ihanap nyo ako ng madreng missionary na nagsasayaw ng JaiHo sa Family Christmas Party. OK, time's up. Malamang sa PB lang yan.
Inferness to Sr. Vicky, sabay pa ang dance step nya o. The dance costume really worked - especially with the matching GOLDEN BINDI (yun sa noo).
7. EXCHANGE GIFT
According to the PB Poll, for the past 5 years, 75% of PB were not happy with their gifts. So, when things fail get back to the basics. Na parang naging mas OK. Plus coupled with the wishlists - sino pa ang hindi matutuwa sa natanggap nilang gifts - e yun ang hiningi nila di ba? So a really nice exchange gift this year.
8. THE WEBCAST
Expect the 3Gs to come up with the most technologically savvy ideas. For the very first in the PB Christmas History, we have a global party. Kasamang naki-party sa Las Pinas ang Canada, California, Singapore and Japan. Nice!
So kung meron mang kulang o puwedeng i-improve. Sana talaga may definite programme and dedicated time for our ka-PB sa ibang bansa. You could only imagine, matapos magpuyat at mag-abang ng matagal. It could get really boring. Kung ang mga PB nga sa Las Pinas e matagal naghintay ng susunod na mangyayari, isipin nyo na lang iyong mga nasa ibang bansa.
Pero since this is the first time, merong pang chance to get better the next time.
9. PAR's SPEECH
Bago sya mag-speech, naisip ko na - naku merong iyakan dito. Pero when he started his first 2 sentences - sabi ko ah parang wala na siguro. Isa pa, yung mga 1G na puro "Happy Birthday" ang sinabi hehe. Pero Ate's speech was also touching, and syempre lalo na yung kay Sr. Vicky. So maybe that set the tone.
Par sincerely thanked everyone in PB for the tribute. Sinabi niya na nagustuhan talaga niya ang mga performances and the videos. He also mentioned about his friends and family that he made over 50 years.
Unique think about Par is the connection and relationship that he has made. Kitang-kita yun sa mga videos and with what the close people said in the videos. It's amazing how Par has completely connected with friends over the years, ilang High School classmates niya ang nagsabi about their friendship
Par gave a heartfelt speech that ended sincerely. Happy 50th Birthday Par.
4 comments:
Tito Ido, baka nalito lang sa costume ko kaya ako natalo, kagaya ng sabi ni Tito Egay, parang Thailander daw, he he he.
Tito Ido, you're welcome. =)
Nice itong PB Thank you page.
Simple thoughts na rin after the event...
1.) Pwede ng isabak ang mga hosts sa Tribute - Carla, Unyoy , Dianne,Rap-Rap! Parang sanay na sanay na.
2.) Nice, Evot! You did a good job! Mahirap yatang panatilihing naka on-line ang mga nasa iba’t-ibang panig ng mundo. Buti na lang nasa States si Cha.
3.) Galing ng webcast na naisip ni Egay. Para na rin nating kaparty ang mga taga-ibang latitude at longitude.
.
4.) Sa lahat ng nag-costume, congrats dahil at least napasaya natin kahit paano ang mga viewers. Inferness, maganda rin ang sa Ate at kay Jorge.
Sana, next time mas madami ang magparticipate para mas masaya. Pag-isipan natin, paano natin ma-encourage na mag-participate ang mas madami. Baka, nakulangan sa announcement ng prize at teaser before the party. Kasi, baka maging precedent na dahil pwede naman palang di mag-costume.
3.) Pero, over-all, "Masaya at very memorable ang PB Christmas Party 2009 at 50th Bday ni Par!" Congrats Jay-E, Dang, Karen and Miguel!
4.) Sis Vicky, pinasasaya mo kami everytime makikita ka namin.
5.) To Tita Edith, Par sa papila sa 3G
6.) To Jorge & Tita Helen, para sa 'granting of wish’ (parang genie).
7.) Thanks to Ido, sa Starbucks planner na 3 years ko ng natatanggap. Ang ganda daw sabi ni Rhoda.
Mr. President, what's up for the New Year's Party?
Speechless ako sa mga napunod ko sa webcam. Parang gusto ko maki-join talaga. Nakakatuwa ang mga Games and Presentation. Ang galing sumayaw ng PB boys. Sayang hindi ko na napanuod ang PB girls. Ang cute nila Kacey, Theya and Pia nung ng Nobody. Ang bata pa lang talented na. Very nice idea talaga na nka-online and webcam lhat para kahit na malayo kami dyan eh mafeel naman din namin na kasalli kami ng party din. Sana lang next time meron mag-video lahat ng buong event. Para naman mapanuod ulit. Tyka next time din dpat mganda ang webcam mas malaki and maganda mic para we can see and hear well.
Post a Comment