Friday, December 18, 2009

PB Golden Party - Survival Guide

Katulad ni "i'm confused", dumarami na rin ang nalilito o naiintriga kung ano ba talaga ang mangyayari sa Dec 20.  Kayo naman, ayaw nyo naman talaga ng surprise event hehehe.

Pero mahirap din sisihin si "i'm confused".  Actually marami na rin ang nagtatanong sa akin kung ano ba ang program, kung ano ba ang mangyayari etc.  Pero sorry di ko rin po alam.  I guess kelangan talaga natin abangan sa Dec 20.

Pag dating ng Dec 20, at kung sakaling mabato, mainip, mapikon.  At least ako meron akong dinner na pupuntahan Dec 20 ng gabi hehehe.  Pero para sa mga kelangang maghintay eto ang mga puwedeng gawin.

1) BE PREPARED - magdala ng cards.  Aba pagkakataon ng mag-poker, at siguradong may Quorum.

2) BE TECH-SAVVY - magdala ng laptop/PC at makipag-chat sa mga ka-PB nating nasa ibang bansa.  Kung makiki-chat ka sa kanila, mataas ang porsyentong maambunan ka.

3) BE GADGET-TOTING - magdala ng PSP, iPod, IPhone.  Makinig ng music.  Sinong merong iPod Touch?  Puwede tayong maglaro since may Wifi pala dun.

4) BE INQUISITIVE - in summary, makipagtsismisan.  Gumawa ng balita tungkol sa iba (yung wag namang sobrang siryos ha), at ipagkalat.  Tignan kung ilang oras bago mabisto ng lahat ang inimbento mong tsismis.

5) BE A BOOK WORM - sinong may gusto ng Pugad Baboy?  Puwede ako magdala?

6) BE ATHLETIC -  hmmm.  dalhin ko na kaya ang WII =)

Puwede rin tayong tambday sa Starbucks.  Anyone?  Mga 8pm - midnight?  Sinong kasama?

No comments: